Chapter XVIII - Basted

540 Words
Chapter Eighteen Sinuot na ulit ni Matthew ang nabasang damit niya kanina. Habang tinutupi niya ang mga damit na pinahiram sa kanya ni Ella. Nakahinga ng maluwag si Ella nag mapansin niyang tumila narin ang ulan. Kusa namang nagpaalam si Matthew sa kanya pagkatapos nitong matupi ang mga damit ng dalaga. “Thank you for this lovely evening, Ella.” Nakangiting sabi nito. Hindi siya umiwas nang halikan siya nito sa pisngi. It was just a friendly kiss anyway. Hinatid niya ang binata sa gate niya at hinintay niya itong makaalis bago siya pumasok sa bahay niya.   Kasalukuyang nasa Watsons sa SM Clark ngayon si Ella, bumibili ng basic essentials niya. Napatingin siya sa promo na buy one take one body scrub, Hindi niya napansin na nasa harapan na niya pala si Matthew. “Sinusundan mo ba ako, Mr. Del Rosario” bahangyang Singhal niya. “What made you think that, Ella”. Balik tanong niya. Walang reaksyon sa kanya ang dalaga, nakatingin lang ito sa kanya. “Okay, I followed you”. Amin ito para mabasag ang katahimikan. “Yayain sana kita kaninang magdinner, pero nakita kita ng pasakay kana sa kotse mo, kaya sinundan nalang kita.” Naramdaman ni Ella na medyo nagugutom na nga rin siya, buong ngiti niyang tinaggap ang yaya sa kanya ni Matthew. Sa isang Italian Restaurant sila napadpad, nagorder sila ng pepperoni pizza, spaghetti bolognese at chicken wings na siyang pinagsaluhan nila. Matthew is really feeling something special for Ella. Hindi nawawala sa isip niya ang dalaga kahit nasa Makati man siya. “Look Ella, I am very very aggresive person in many ways.  I know masyadong mabilis, but I like you – I really do, Will you be my girl?”. Dire-diretso at determinadong pahayag sa kanya ni Matthew. Noong una ay akala ni Ella ay nagbibiro lang ang kaharap niya, ngunit nang makita itong nakitang nakatitig sa kanya, alam niyang seryoso ito sa mga sinabi niya. Kahit may nararamdaman na rin siya sa binata ay ayaw pumayag ng utak niya. She is not really sure kung mahal siya ng binata or attracted lang ito sa kanya. Besides, gusto niya ay yung pang habangbuhay na. She still believes in Happy Ever After kahit hindi naging madali ang buhay niya. Ngiti lang ang sinagot ni Ella sa tanong ni Matthew which leads him to confusion. Dahil mukhang basted ito sa dalaga. “I’m sorry Matthew, you are every womans dream man but im not into boyfriend – girlfriend thing. Hope you understand.” Sinserong sagot niya. Alam niya sa sarili niya na pagkakataon niya na ito para matupad ang pangarap niya pero gusto niya ay yung sigurado siya at hindi magsisisi sa huli. Tama nga siya, basted ito sa dalaga. Nakita niyang nalungkot ang mukha ni Matthew at nanahimik ito. Buti nalang ay halos tapos na silang kumain. Awkward Moment. Nagpaalam na lang siya sa binata. Nagpaiwan ito doon, hinayaan nalaman niya ito at naglakad siyang palabas papuntang parking lot.   Pagkatapos ng tagpong iyon, nabalitaan nalang ni Ella na nagcheck-out na si Matthew. Marahil siguro na tama ang desisyon niya, dahil kung totoo ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya ay hindi niya ito titigilan hanggang maging sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD