**Ethan’s Point of View** Nakahiga si Sam sa kama niya, nakayakap sa unan habang mahimbing na natutulog. Ilang minuto na akong nakatayo sa tabi niya, pinagmamasdan ang maamong mukha niya. Napabuntong-hininga ako. Damn it, Sam. Bakit ba hindi kita matigilan? Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, inabot ang ilang hibla ng buhok niya at inilayo sa mukha niya. Mula nang naging amin ang isa’t isa, hindi ko na magawang lumayo. Wala na akong pakialam kung ano ang dapat at hindi dapat. Wala na akong pakialam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ang mahalaga, siya lang. Si Sam lang. Kahit na may takot pa rin siyang nararamdaman, kahit na sinusubukan niyang itago ang nararamdaman niya minsan, alam kong hindi na siya makakaalis sa tabi ko. At hindi ko rin siya hahay

