CHAPTER 31

1486 Words

**Sam’s Point of View** Mula sa bintana ng kwarto ko, pinagmamasdan ko ang madilim na ulap na bumabalot sa langit. Papalapit na naman ang ulan. Pero kahit na bumagsak ang malalakas na patak nito, alam kong hindi nito malilinis ang gulong bumabagabag sa isip ko. Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo mula noong tuluyan kong isinuko ang sarili ko kay Ethan. Isang linggo mula noong naging kanya ako—hindi lang sa katawan, kundi sa puso ko rin. At isang linggo rin mula noong narealize kong wala akong ibang ginawa kundi mahulog nang husto sa kanya. Napahigpit ang yakap ko sa sarili ko, pilit na pinipigilan ang panginginig ng katawan ko. Alam kong hindi ko dapat hinayaan ang sarili kong lumubog sa ganito. Alam kong dapat noon pa lang, pinigilan ko na ang sarili kong umasa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD