THIRD PERSON POINT OF VIEW Samantha hindi mapakali habang nakaupo sa couch sa sala. May kung anong kumukulo sa loob niya, isang bagay na hindi niya maipaliwanag pero alam niyang may kinalaman ito kay Ethan at sa babaeng basta na lang pumasok sa bahay nila kanina. Isang babae. Isang napakagandang babae na halatang sanay sa atensyon at may kumpiyansang hindi matitinag. Matangkad, balingkinitan ang katawan, at may mga matang puno ng pangungutya nang sandaling mapansin siya. At ang pinakamasakit? Parang kilalang-kilala niya si Ethan. Sam humigpit ang hawak sa unan. Wala siyang karapatang magalit, wala siyang rason para maging ganito, pero bakit ang bigat sa dibdib niya? Nakita niyang pababa si Ethan mula sa hagdanan, hindi man lang nagmamadali. May suot pa itong puting polo na

