ETHAN POINT OF VIEW Alam kong iniwasan na ako ni Sam simula nung gabing ‘yon. Mas matipid na siya magsalita, mas madalang na ang sulyap niya sa akin, at tuwing magkalapit kami, para bang hindi niya alam kung paano umupo o tumayo ng maayos. Nakakatuwa siyang panoorin. Alam kong hindi siya komportable, pero alam ko rin na hindi niya ako matatakasan. Kaya naman ngayong umaga, habang nag-aalmusal siya, tahimik lang akong nakaupo sa harapan niya. Pinagmamasdan kung paano siya pilit na hindi tumitingin sa akin. Tsk. Pilit pa, Sam? Parang gusto ko siyang subukan. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin. Habang iniinom niya ang kape niya, sinadya kong dumaan sa likod niya. Bagal na bagal ang kilos ko. At nang eksaktong nasa likuran niya na ako, inilapit ko ang mukha k

