ETHAN POINT OF VIEW Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa pagkalito. Ramdam ko pa rin ang init ng dugo ko, lalo na kapag naiisip ko kung paano lumapit sa kanya ang lalaking ‘yon sa bar. Paano kung hindi ko siya nasundan? Paano kung may mas masamang nangyari? Mas lumala ang inis ko nang maalala kong hindi siya nagsabi sa akin bago siya lumabas. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang paraan ng pagtawag niya sa akin. Ninong. Para bang paulit-ulit niyang pinapaalala kung sino ako sa buhay niya, kung bakit hindi ako pwedeng magpaka-sakim, kung bakit hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong umabot sa puntong hindi ko na mapigilan. Pero tangina, paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko kung hindi ko man lang kayang bigkasin? Malamig ang simoy ng

