CHAPTER 8

1374 Words
DAYS had passed. And i'm so thankful that nagagawa 'ko naman 'yung hiling nya. Kahit sobrang hirap na iwasan sya dahil pareho kami ng school, ng section, at magkalapit kami ng upuan. I'm still doing my best. And i hope, ma-appreciate nya yun. I love him, and making his wish true is the best that i can do. "Ma! Aalis na po ako?." Paalam 'ko . It's a saturday morning. Wala kaming pasok pero may lakad kami. Kami ni Jeremy. Yes i admit nagiging close na kami. "San ka pupunta iha?." Tanong pa nito. "Magkikita 'po kami ni Jeremy sa park na malapit. Mag-a-unwind lang po." Sagot 'ko naman. Nakita 'ko namang biglang napatigil si Mama sa pag-aayos ng kusina. "Tila nagiging malapit na 'kayo 'nung Jeremy na 'yun sa isa't isa ah. Baka sa kung saan mauwi yan anak." Ani pa nito. Napangiti naman ako nang mapait sa sinabi ni Mama." Ma! Magkaibigan lang po kami ni Jeremy. Malinaw 'na po 'yun. Wala 'po kayong dapat ikabahala." Sagot 'ko pa. "Pero anak, alam ba ni Jeremy na kaibigan lang ang tingin 'mo sa kanya? Baka umasa 'sya anak at masaktan 'mo sya, bukod sa kanya may isang tao pang nasasaktan 'nang dahil sayo. Sana maisip 'mo yan." Sabi pa nito. Napaisip naman ako sa sinabi ni Mama, pero agad din akong nalito nang maalala 'ko ang huling sinabi nya. May isa pang tao ang nasasaktan dahil sakin? --Huwaaat? Di ko gets. Malabo namang si Jin ang tinutukoy nya eh wala naman nang gusto si Jin sakin. Na 'kay Clarisse na ang buong atensyon nya eh. Tsk. Ano ba 'yan! Bigla tuloy sumama ang pakiramdam 'ko. Ugh! Makaalis na nga lang! Tsstss. Ilang minuto lang 'din akong naglakad bago marating ang park na malapit lang sa lugar namin. Tinext ko na din agad si Jeremy para itanong kung nasaan sya at hindi naman ako nabigo dahil agad syang nag-reply I'm here at the Bench malapit sa pinaka-dulo. Sa may playground. Nang mabasa 'ko yun ay agad 'ko na tinago ang phone ko at naglakad patungo sa direksyon na sinabi nya. Malayo pa lang ako ay kitang kita ko na sya na kumakaway sa akin. Dahil 'duon napangiti ako. Sino ba naman ang mag-aakala na magiging close kami nitong lalaking 'to? Eh loko-loko 'to eh. Lagi akong pinagti-tripan sa school. Minsan nga, dahil.madalas kami ang magkasama feeling 'ko sa bawat sulok na puntahan 'ko ay laging may naka-sunod saking mga fangirls nya at bigla na lang akong saktan or maybe patayin. Oh well,masyado naman 'yung patayin. Saktan na lang! Hehe. 'Nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Agad 'nya akong nginitian. Ngiting nang-aasar." Ikaw ah! Kitang kita 'ko 'yung mga tingin mo sa malayo pa lang. Sabi 'ko na nga ba may lihim ka 'nang nararamdaman sakin e. " Aniya na sobrang ikina-kunot ng noo 'ko. Naka-awang na din pala ang bibig 'ko dahil sa pagkagulat sa sinabi nya. Ilang minuto din bago ako nabalik sa realidad at dun lang ako nakahanap ng sasabihin pero agad din nya akong pinigilan sa pagsasalita. "Ooppss! Alam 'kong magde-deny ka lang kaya wag na. Pero para lang sa kaalaman 'mo ang puso 'ko ngayon ay pagma-may ari na ng iba kaya naman mas mabuti 'kong itigil 'mo na ang nararamdaman mo sakin..Masasaktan ka lang eh." Anito pa kasunod ang pagkindat sakin..Aba't! Sumosobra na itong lalaking ito ah? Dahil sa inis 'ko,nabatukan 'ko sya ng malakas to the point na napa-aww sya sa sakit." Ikaw ha! Assumero ka din eh. Baka nagkakalimutan tayo, binasted kaya kita. Feelingerong assumero 'to." Sabi ko pa bago tuluyang naupo sa tabi nito. Kabanas! Lakas ng hangin sa ulo nitong lalaking 'to ah. Tsk. Narinig 'ko namang nag-chuckle sya." Hahaha eto naman. Di ka mabiro." Aniya pa. Tinignan ko naman sya ng matalim." Mga biro 'mo kasi noh? " sagot 'ko naman. Tumawa naman sya nun. Ilang minuto kaming tahimik, naka-tingin lang ako sa mga batang naglalaro ng biglang magsalita 'yung katabi 'ko. Dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ko. "Zen." Anito "Oh?." sagot 'ko naman habang nakatingin ng seryoso sa kanya. Tinitigan 'nya naman ako pabalik at nakita 'kong sumilay ang ngiti sa labi nya." Sa tingin 'ko, naka move on na ako sayo." aniya pa. Nagtaka naman ako? move on ? Sya? Agad-agad? Woah! Bilis ah! "Really? Bilis naman ata?." pagtataka 'ko. Tinignan nya naman ako." Ewan ko nga eh! Naguluhan din ako nung una kumg bakit ang bilis pero, nung na-realize ko lahat. Naisip 'ko na baka talagang di ikaw ang dapat para sa akin." Sabi pa nya. "Huh? eh teka ayusin 'mo nga! Di kita maintindihan eh! Ayusin 'mo yung kwento mo. Daliii." Tugon 'ko pa Narinig 'ko syang tumawa." Opo kamahalan." Anito at dahil dun napa-ngiti na din ako. Hanggang sa nagsimula na syang magkwento. "Naalala 'mo nung una kitang kinausap sa room? Yung unang pag-uusap natin." Aniya. Ah yun! Oo naman! Naalala ko 'yun. Biruin mo, ang isang loner na katulad ko kausapin ba naman ng isa sa mga sikat na lalaki sa school? Wow lang kung makalimutan 'ko pa. Dahil dun, tumango lang ako. "Yun din yung araw na nakita ko ang babaeng 'yun. Na naging dahilan para maka move on ako sayo. Naaalala ko ,nung umaga pa nun ay nag-away kami dahil sa biglaan nya akong nabato ng bote ng inumin na alam ko namang di nya sinasadya. Dapat papalagpasin ko lang yun pero ewan ko ba, parang bigla akong nakaramdam ng tuwa at inasar 'ko pa sya na isusumbong ko sya management para mapaalis sa school. At dahil dun, nagtalo kami. Nung magsimula ang klase ng araw na yun, hindi mawala ang ngiti sa mukha 'ko , nung una di ko alam kung ano yung nararamdaman 'kong yun. Inisip ko na lang na baka gusto 'ko lang makahanap ng pwedeng pagkatuwaan. Naalala ko pa nga sinilip pa kita nun habang nasa dulo ka at parang may hinihintay kang dumating. Sa pag-aakala ko na si Jin ang hinihintay mo nun eh di na kita inistorbo. Pero 'nung nakita kita na hindi pa nagla-lunch , hindi ko napigilan ang sarili ko na kausapin ka. Naging ka-close kita , balak ko na mgang ligawan ka kaso basted ako agad. (tumawa) Dahil nabasted mo ako nun, malungkot akong lumabas galing sa school nun, pero di ko akalain na makikita ko ang babaeng naka-away ko at hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng tuwa. Nilapitan ko sya nun, at di ko akalain na hindi nya ako tinarayan. Sa halip, binigyan nya pa ako ng payo. Sobrang saya 'ko nun. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko na basted pala ako. At dahil dun, sinukuan na kita dahil na-realize ko na yung babaeng yun pala, ang taong mamahalin ko sa unang pagkikita pa lang namin. " Napahinto si Jeremy nun at tinignan ako ng diretsi sa nga mata." ... Alam 'kong pinaparamdam ko na sayo 'to pero mas maganda kung sasabihin 'ko vocally... Malaya ka na mula sa pagmamahal ko Zen. Pero sana 'yung pagkakaibigan natin hindi mawala. " Aniya pa. Agad akong napangiti nun at di ko napigilang yakapin sya. "Thank you Jeremy. Sa lahat lahat! Sa araw na malungkot ako pinasaya mo ako, sa oras mabigat ang pakiramdam ko pinagaan mo ang pakiramdam ko. At ngayon na nakahanap ka na ng taong deserving sa pagmamahal 'mo ,susuportahan kita dyan. Nandito lang ako palagi. Ang saya ko para sayo. Sana lang hindi ka masaktan ulit sa piling nya. Kahit papanu napamahal 'ka na sa akin. At pinapangako 'ko, walang magbabago satin. Bestfriends pa rin tayo." Sagot ko naman habang mahigpit pa rin yung yakap ko sa kanya. "....Salamat." dagdag 'ko. Naramdaman 'kong tinapik nya ang likuran ko. "...Salamat din." Rinig 'kong tugon nya. Hindi ko pa inaalis ang pagkakayakap ko kay Jeremy nang bigla kaming makarinig ng may tumikhim sa harapan namin. Agad kaming napabitaw ni Jeremy sa isa't isa at sabay na tinignan ang taong nasa harapan namin... at halos lumuwa ang mata ko si nakita ko kung sino yun.. Si.... "...Jin." sambit 'ko. Omg! What is he doing here??? Nakita nya yun? Waaahhhhh!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD