"...Jin." sambit ko sa pangalan nung taong nasa harapan namin. Seryoso lang syang nakatingin samin--i mean kay Jeremy pala. Teka! Bat kay Jeremy 'to nakatingin? O___O Hala!! Baka bakla 'to? Oopps! Hindi maari. Masasayang ang lahi ng Bermudez pag nagkataon.
"Oh Jin, anong ginagawa 'mo dito?." biglang tanong ni Jeremy
Seryoso pa din ang tingin ni Jin kay Jeremy bago nya tuluyang ilipat ang tingin nya sakin. Nang magtama ang mga mata namin, hindi ko napigilan ang sarili kong kilabutan..Mygahd! My heart and brain knows how much i missed this man in front of me.
At ngayon na nasa harap 'ko sya, anytime parang gusto ko syang yakapin. Pero kelangan 'kong pigilan ang sarili 'ko. Hindi ko na sya pagma-may ari ngayon, dahil kay Clarisse na sya.
"Pasensya na. Naka-istorbo ata ako." matabang 'nyang sabi habang diretso pa din ang tingin sakin. Teka ngaa! Galit ba sya? Parang nakakamatay yung tingin nya eh! psh!
"Uhm medyo lang naman Jin. Pero bakit ka pala nandito?." tanong ulit ni Jeremy na may mapang-asar na ngiti sa mukha. Loko talaga 'tong lalaking to! Makangiti wagas! Pag to napainit ang ulo ni Jin, i'm sure wasak ang kagwapuhan nito tsktsk.
"Susunduin 'ko lang si Zenaiah. Pinag-utusan lang ako ng Mama nya." Anito bago naglipat ng tingin sa paligid. Nagtaka naman ako nun, Si mama? Pinapasundo ako ni Mama? Bakit? parang ilang minuto pa lang nung umalis ako sa bahay ah? Yung totoo?
.
May isa pa namang nagpapagulo sa utak ko kaya di ko napigilang magtanong." Ah eh... Ba-bakit ikaw ang n-nagsundo sa a-akin?." Gosh! Why am i stammering?.Huhu! Fail ka ZEN!!
"Nasa bahay 'nyo ang pamilya ko dahil nag-aya ang papa mo na sa inyo na kami kumain ng tanghalian. " sagot nito habang nakatingin pa rin sa kawalan. Oh gosh! Another revelation? Bakit nasa bahay ang pamilya nila?
---Ay oo nga pala! Makiki-kain! Yun lang pala 'yun.Ano bang ini-expect 'ko tss.
Napatigil ako sa panenermon sa sarili ko nang magsalita ulit si Jin. "Pero 'kung ayaw mo pang umalis okay lang. Ako nang magpapaliwanag. " Sabi pa nito bago tuluyang tumalikod at nagsimula nang magalakad paalis. Agad naman akong napatayo 'nun at nagpaalam kay Jeremy. Nakita 'ko pa kung gaano kalawak ang ngiting 'yun ni Jeremy di ko lang ma-gets kung bakit? Tsaka bigla na lang syang nag-mouthed ng 'goodluck' Seriously??
Nang makalapit ako ng onti sa kinaroroonan ni Jin habang naglalakad eh huminto na ako. Ayoko namang sabayan sya sa paglalakad . Awkward eh!
Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa huminto sya kaya agad din akong napahinto. Nakita 'kong lumingon sya sa direksyon 'ko kaya napayuko na lang ako. Wala naman syang ginawa nuon sa halip nagpatuloy sya ulit sa paglalakad so ganun din ang ginawa ko.
Ngunit ilang minuto lang din eh huninto sya ulit kaya tumigil na naman ako at yumuko. akala ko, magiging katulad nung nauna ang mangyayari pero nagkamali ako dahil bigla syang nagsalita.
"Bat ba ayaw mo 'kong sabayan maglakad? May sakit ba akong nakakahawa?." mahinahong tanong nito. Tinignan ko ito sandali at nang makitang seryoso sya eh nagmadali akong naglakad palapit sa pwesto nya. At ngayon... naglalakad na kami ng magkasabay. Woah! Ang sarap sa feeling na maging malapit sa kanya.
Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla itong nagsalita." Ang tagal na din simula 'nung masabayan kita sa paglalakad." anito naging dahilan para tignan ko sya. Nakita kong nakatingin pa rin eto sa harapan kaya bumalik na lang ako sa dati kong tingin..Mabuti na lang walang tao dito sa may street sa village namin.
"Oo nga eh." sagot 'ko. Eh sa yun na lang ang naisip 'kong sabihin eh.
"Nakakamiss din pala ." Rinig 'kong sabi pa nito kaya muli akong napa-angat ng tingin sa kanya. At kung kanina hindi sya nakatingin sakin, ngayon nagtama na muli ang mga mata namin. 'Yung ekspresyon na ipinapakita nang mata nya, ngayon ko na lang ulit ito nakita. Huling kita ko na ganito sya nung iniyakan nya ako sa room namin. Ibig sabihin ba nito, unti-unti nang bumabalik za kanya ang lahat?
"Nakakamiss ka pala talaga." Anito na mas lalong nagpalito sakin. Kasunod nun ang naglalakasang t***k ng puso ko.
Dug.Dug.Dug.Dug.
Gosh! What is happening? Bat nagwawala ang heart ko? Umaasa sila? Pero mali eh! Wala lang yung sinabi nya. Wala lang..
WAAAHHH! PERO BAKIT PATI AKO HINDI CONVINCE AT UMAASA DIN? WAAAHHH!!! T_____T
Kung kanina sa harapan sya nakatingin, ngayon nakaharap na sya sakin. " Kahit anong layo pala ang gawin mo, kahit anong tapang pa ang gawin mo ,at kahit ganu pa katigas ang puso mo, pag nakita mo ulit yung taong mahal mo hindi mo maiiwasang lumapit, sumuko at palambutin ang puso mo para dito. At ganun ang nararanasan ko ngayon. " Aniya pa na naging dahilan para mas magwala ang mga nerve cells ko. Juskolord! Ano itooo???
I'm not ready for this. WAAAHHHH!!
Napatigil ako sa pagsigaw sa isipan 'ko nang bigla nyang hawakan ang baba ko para mapatingin sa kanya. Sa hawak nya, nakuryente na agad ako. Waahhh!! Spark yun !!!
Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagka-miss. Omg! Miss nya nga ako ! Ka-touch! Waahhh!!
"...Talagang kahit anong pilit 'ko hindi kita nakalimutan. Ang hirap mo kasing alisin dito eh *turo sa heart* , ang hirap mong kalimutan. Ilang beses mo na akong nasaktan pero hindi pa rin ako natuto. Ewan ko ba! Siguro tanga lang talaga ako. Kasi kahit alam kong hindi ka magkaka-gusto sakin eh umaasa pa din ako. Pero sa tingin 'ko ngayon kaylangan na talaga kitang sukuan, dahil alam kong may iba ka nang mahal. At hindi ako yun." Sabi pa nya na ikina-awang ng bibig ko. Wait ! What is he saying? Kilala nya kung sino ang mahal ko? --ay mali! Hindi nya kilala kasi sinabi nya sa dulo na 'hindi sya yun' Ang lakas din maghinala nitong lalaking 'ito eh noh? Mali! Aish!
"Hoy Mr. Jin Peter Bermudez , hindi ko maindihan ang sinasabi mo. Ang lakas mo ding mag-conclude eh noh? Panu mo nasabing may mahal ako? Manghuhula ka ba?." Saad ko pa at tinarayan sya..Tsk! Lakas kasi manghula eh!
"Hindi ako nanghuhula. Hindi pa ba sapat na dahilan at pruweba 'yung nakita ko kanina? Nakipag-yakapan ka sa isang lalaki kaya alam 'kong si Jeremy ang mahal 'mo." anito pa. Hindi ko alam pero napapangiti ako. Ibig sabihin ba nun? Selos sya? Yiee!
//*-*//
"Huh? Mali ka! Yung yakapin namin ni Jeremy yakap pang-kaibigan lang 'yun. Sa totoo pa nga 'nyan may iba nang mahal 'yung mokong na yun eh." Sabi ko at nagulat ako nang gulat na gulat syang nakatingin sakin. "Huh? Totoo ba yang sinasabi mo?." pag uulit nya kaya tumango na lang ako.
Pero ikinabigla ko ang sunod nyang ginawa. Bigla nya akong niyakap.
"Patawad. Pasensya ka na kung naghinala ako . Mali ako. Yun ang pinakamalaking pagkakamali ko. Patawarin mo din ako sa hindi ko pagpansin sayo at pag-iwas. Pinagsisisihan ko na yun lalo na 'nung nasigawan kita..Kung alam mo lang kung ganu ko kagustong yakapin ka sa araw araw na lumalapit ka..Pero kaylangan kong pigilan dahil alam kong hindi mo naman ako magugustuhan. " Anito pa. Lalayo na sana sya at akmang tatanggalin na ang pagkakayakap nya pero agad akong yumakap sa kanya ng mahigpit.
"Tama ka! Talagang hindi ka magaling na manghuhula. Sino ba nagsabi sayong hindi kita gusto? O hindi kita mahal? Nung lumalapit ako sayo nitong mga nakakaraan ,yun ay dahil gusto kong humingi ng tawad at aminin sayo na mahal kita. Pero hindi mo ko binigyan ng pagkakataon. Nagkataon din na nagiging malapit ka kay Clarisse kaya naman mas lalo akong nawalan ng ganang sabihin sayo kasi akala mo may gusto ka sa kanya.At ngayon, Gusto kong bumawi sayo..Andami kong panahon at pagkakataon na sinayang kaya naman ngayong araw na to gusto ko nang sulitin. .. " Huminga ako nang malalim bago tumuloy sa pagsasalita." Jin Peter Bermudez, ... Mahal kita... Mahal na mahal kita... Ikaw? Ganun ka pa rin ba?." lakas loob kong sinabi at tanong.
Matagal bago sya nakasagot kaya kinabahan ako. Napaisip ako na panu na lang kung di na nya pala ako mahal? Wahh! Kakayanin ko kayang sa kanya mismo marinig? Whoot!
"Zenaiah Charm Belmonte... Mahal din kita. Sobra pa sa inaakala mo." Rinig kong sabi nya at mas hinigpitan ang yakap sakin. Napangiti ako nun at hinigpitan na din ang yakap sa kanya. Sa wakas! Sa ilang beses na tinanong ko ang sarili ko kung 'aamin ba ako' atleast ngayon nagawa ko na. Naamin ko na rin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Siguro nga nung una nagkamali ako, nasaktan ko sya perp titiyakin ko na ngayon mas pag-iisipan ko ang bawat kilos at desisyon na ginagawa ko.
"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita to the 100th power Zenaiah Charn Belmonte" Rinig kong sabi pa nya sa may tenga ko. Nakaramdam ako ng kilig nun atdi ko maiwasang mapangiti. Syempre sasagot din ako! Di yata ako magpapatalo.
"Mahal din kita to the millionth power times 10 Jin Peter Bermudez." Tugon ko at narinig kong napa-tawa sya at ganun din naman ako.
Ngayon ko lang napagtanto, talagang totoo ang second chance. Second chance ko na ito at titiyakin kong hindi ko na yun sasayangin .
Gaya nga ng sinabi ko kanina 'I love him to the millionth power times 10 "
At papangatawanan ko yun.
*The end*
Date finished: September 10 2017
Author's note! Sa lahat po ng readers na sumuporta dito at nagbasa maraming maraming salamat po. ?? Hindi po ako magaling sa pagpapaiyak at pagpapakilig dahil ang lola 'nyo ay kasapi sa samahang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH!! Hahaha! So pagpasensyahan nyo na! But for the second time. Salamat aa inyong lahat! ?