"Max are you okay?" -bungad sa'kin ni Ethan. "Yes i'm okay na" -max. "Buti naman okay kana!" -pag susungit ni Ate Maxinne. Ano'ng problema neto ni Ate? "Hails ano'ng nangyare?" -i asked.
"H'wag mo nang isipin 'yun" -she smiled. Lumapit sa'kin si Hailey saka hinawakan 'yung kamay ko. "Max ako na pumili ng Gown mo. I'm pretty sure magugustuhan mo 'yun" -halatang masaya siya sa tono niya palang. "Patingin!" -max. Sabay tayo sa higaan. Susunod sana sa'min si Ethan. "Hep hep! Bawal mo makita!" -sita ko. "Bakit?" -he asked. "Ay basta!" -max. Padabog siyang umupo nalang sa sofa. Para siyang bata hayst! Natawa ko dun sa reaction niya.
Inilabas ni Hailey ang isang Long gown na galing sa isang kahon. Natulala 'ko sa long gown na hawak niya. Hindi ako makapaniwala na eto ang susuotin ko bukas sa prom. Purple long gown with butterflies na design. Mejo dark na 'yung pababa ng gown. Ang ganda niya sobra. "Hindi mo ba nagustuhan max?" -hailey. "Sobrang ganda Hails" Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa ganda. Niyakap ko siya ng mahigpit. Tanda ng pasasalamat ko. "Thankyou hailey"
"Max.."
"Yes?" "Hindi kasi sa'kin 'yan galing" Napa taas 'yung kilay ko sa sinabi niya. "Huh? Kay mommy siguro or kay ate—" "Kay Ethan galing 'yan. Pinagawa niya 'yan sa Sikat na nag gagawa ng gowns.
Andun ako habang namimili siya ng designs andami niya ngang naReject na designs kasi ampanget daw. 'Yan lang 'yung pumasa sakaniya. Favorite mo daw kasi 'yung purple" -she explained. Natulala nanaman ako. Pero bakit? Bakit parang may nag sasaya sa loob ko? It's just Ethan. Am i VIP? Para gawin niya 'yun? nakakahiya naman kay Brandon hayst! "Hindi ko pa siya pinaakyat dito sa kwarto.
E sakaniya naman pala 'to galing hayst! Hailey.. Hailey!" -napa iling nalang ako. "Sorry max" -sabay tawa hayst! "Sa'n ka pala mag papaayos bukas?" -hailey. "Hindi ko pa alam" -max.
Nakapag paayos na kami ni Hailey. Naka Green long gown si Hailey. At ako suot ko 'yung galing kay Ethan. Ilang sandali lang at dumating na 'yung car ni hailey. Maaga 'kong umalis sa bahay kahit 7:00pm. Pa ng gabi 'yung prom. 6:45 nang nakarating kami sa Venue ng event which is sa loob lang den ng school. Malawak at malaki ang Violexia so hindi ko na kailangan magulat na merong gan'tong malaking space para sa Prom. Nag kasya sa'kin 'yung gown. BTW hindi na'ko gaya ng dati. Ilang buwan akong nag diet and naging maganda naman ang resulta. Sexy na'ko yes. Hindi na rin ako gaya ng dati na dugyutin at maraming pimples. Walong lalaki ang naging inspirasyon ko para mahalin ang sarili ko. BTS thought me how to love my self. 'Yung pang walo.. Si Ethan.
Nang makapasok kami. Sinalubong kaagad kami nila Gelian at Stephenie. Si Gelian naka Red long gown at Si Stephenie Blue long gown. Bumagay lalo sakanila 'yung gown nila dahil maputi den sila. "Sobrang ganda mo Maxcoleen!" -papuri sa'kin ni Gelian at Stephenie.
"Thanks!" May 15min. Pa naman kami para mag chikahan. Sinuot na namin 'yung mask namin. Kami kami palang naman nakakakita ng mukha namin. Tsaka nasa CR kami. Sabay sabay na kaming lumabas ng CR. "Sakto mag sisimula na" -gelian. "Araque sino kaDate mo?" -Gelian. "Si Sean" -hailey. Lalong namula 'yung pisnge niya nang sabihin 'yun. "Hindi nga? Si Sean Kyle Vetries?" -gelian. "Oo totoo 'yun" -hailey.
"Maganda naman si Hailey a! Ba't parang 'di ka makapaniwala jan Johnson?" -natatawa kong tanong. "Baka naman niligawan mo kasi kaya napa-OO mo na maging kadate niya" -humalakhak si gelian. "Grabi ka kay Araque!" -sabay tawa den ni Stephenie. "E ikaw Yexzan?" -gelian. "Si Calix lang naman" -stephenie. Proud niyang sinabi. "Naks! 'Yung mag ka'kaibigang 'yun date nio" -max. "Leche Maxcoleen! Si Ethan Caleb nga Date mo!" -napalakas 'yung boses niya. Pero pabiro parin 'yung tono niya. Dahil sa lakas ng boses niya. May mga babaeng nag lapitan sa table namin. Hindi ko sila makilala dahil sa mask na suot nila. "Sino 'yung kaDate ni Ethan?" "May kaDate na si Ethan?" mga tanong ng mga babae. "A-Attend si Ethan?" -tanong pa ng isang babae. "Oo" -ani ko. "OMG!!" -halata ko sa tono niya ang tuwa. "Girls balik na kayo sa table niyo. Baka hinahanap na kayo ng mga kaDate niyo" -stephenie. Isa isa na silang nag alisan. Sadami ng tanong nila'y wala kaming sinagot. "Malamang aattend si Ethan dahil school nila 'to!" -max. "Laging may Event dito sa Violexia. Pero si Ethan hindi siya pumupunta. Eto palang 'yung kaunaunahang makikita namin siya sa prom. Nung Grade9 kami may prom den nun. Andaming nag hahangad na maging kaDate siya. Marami den nag aaya sakaniya na maging kaDate pero ayaw niya" -Hailey. Bakit kaya? Ngayon palang siya aAttend ng prom dahil wala siyang mapili na kaDate? Ilang sandali lang may tatlong lumapit sa'min na lalaki. Isa isa silang tumabi sa mga kaibigan ko. Si Sean Kyle Vetries ,Kian Calix ,William Worseford 'yung tatlong Lalaki. Nag pakilala sila kaya nalaman namin. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali na parang may hinahanap ako.
Nag simula nang mag sayaw ang mga studyante. Andun na rin 'yung mga kaibigan ko. Naka salung baba lang ako dito. Wala 'kong date. Siguro nga tama si Hailey. Hindi talaga uma-Attend sa mga gan'to si Ethan. Automatic na tumaas ang kilay ko ng may nag lahad sa'kin ng kamay. "Pwede ba kitang isayaw Ms.Collins?" hindi na nga ata dadating si Ethan. Sumang ayon na kaagad ako. Agad kaming pumunta rin dun sa gitna. Hindi ko siya makilala dahil sa maskara. Hahawakan niya na sana ang baywang ko ng may pumigil. What the heck? Sino nanaman 'to? "She's mine" -ani ng lalaki. Tumingin sa'kin 'yung lalaking nag aya sa'kin para sumayaw. Hinawakan niya ang kamay ko. Inilagay niya 'yun sa balikat niya. Ang isa niyang kamay ay pinadausdos niya sa baywang ko. At ang kamay namin ay mag kahawak.
Infairness malambot ang kamay niya At mabango siya. Hindi parin ako mapakali. "Hindi na kaya siya darating?" -bulong ko sa sarili. Parang pamilyar boses neto. Hindi ko maalala. Tumigil siya. Hinawakan niya 'yung maskara niya. "Teka teka baka pagalitan ka h'wag mong hubarin 'yan" -awat ko. Ngumisi siya kaya nag taas ako ng kilay. "Being with you is a best feeling ever" "Being with me?" -tanong ko. "Yup!" Gusto ko na talagang ipatanggal 'yung mask niya para makita ko na siya kasi bawal daw hanggat hindi pa sila nag sasabi hayst! "Feliz Cumpleaños Maxcoleen" -ani niya. Huh? Ano daw? Pelis kumpleaniyos? Ano 'yun? Baka edad 'yung aniyos? "Ano'ng sabi mo? Tinatanong mo ba kung ano'ng edad ko na?" -i asked. "Happy birthday! It's Feliz Cumpleaños in Spanish max!" -natatawa siya habang pinaintindi sa'kin.
"Andami mo naman kasing alam babatiin mo nalang ako ng happy birthday!" Birthday ko pala? Pa'no niya nalaman? "Sino ka ba kasi? Pa'no mo nalaman birthday ko? Tingin nga ng itsura mo!" hinawakan ko 'yung mask niya pero napatigil ako ng bigla niya akong hinalikan. Feel something strange with his kiss. Like electricity. And there's this sinking feeling in the pit of my stomach, like thousands butterflies erupted and decided to do a circus performance. Natulala lang ako sakaniya. Hindi ako maka galaw. Naistatwa na ata ako dito. "You're so Beautiful! But you're still pretty even without makeup. That's why i really like you" -sabi niya pa. He kissed my forehead before letting go.
Bumalik na'ko sa table namin nila Hailey. Andun na silang lahat ako nalang wala. Wala parin si Ethan. What the hell Maxcoleen! Lintek! Nag paKiss ka sa hindi mo kilala? Aurgh!!! s**t! "Uy Maxcoleen Happy Birthday!" -bati ni Hailey. Bumati na rin sa'kin sila Gelian tsaka Stephenie pati na rin mgs kaDate nila. "Nag kita na ba kayo ni Ethan?" -Sean. Bumaling ang atensyon ko sakaniya. "Hindi pa. Alam mo ba kung nasaan siya?" "Nasa Soccer field siya ayaw niya daw dito"