Alas singko na ng matapos sila hailey sa pag practice nila. "Pahahatid nalang kita kay zeke ,max" -alok sa'kin ni hailey. Gusto ko sana kaso nahihiya 'ko kay ezekiel. "H'wag na ayokong maistorbo pa siya hails" -pag tanggi ko. "Wala namang problema 'yun sa'kin max" -ezekiel. "Hindi na talaga. Mas gusto kong mag commute sa ngayon" -i smiled. Nag pilit parin si hailey pero nanalo parin ako.
Nasa labas na'ko at nag aantay ng taxi. Hindi ko na ren siya inabala na samahan akong mag antay. Ilang minuto na'kong nag aantay ng taxi pero walang dumating. Maya-maya pa'y may huminto na Yellow Lamborghini. Iniluwa ang isang matangkad , matipuno at gwapong lalaki. Naka sunglass pa siya. Suot niya ang isang White shirt fitted 'yun sa braso niya kaya bumakad ang muscles niya. Mejo magulo ang buhok niya. Lumapit siya sa'kin saka sumandal sa Lamborghini niya. Nasa bulsa niya ang kaniyang isang kamay at ang isa naman ay dahan dahang hinuhubad ang salamin niyang suot. "E-Ethan?" Seryoso ang mukha niya. "Let's Go!" -ethan. He grabed my wrist. Pinag buksan niya 'ko ng pintuan ng car niya. Wala na'kong nagawa kaya sumakay na'ko. Nang makapasok siya ay tinanong ko kaagad siya kung paano nia nalaman na andito ako. "I have my connections max" -ethan. Sabagay 'pag mayaman ka talaga may mga connections ka ,kaya nga 'yung iba kahit may ginagawang masama hindi nakukulong b'coz of there connections. "Pumayag ka?" -malamig niyang tono.Napa taas 'yung kilay ko nang nag tanong siya. "Saan naman ako papayag?" -pag tataka ko. "Pumayag ka bang ikaw ang magiging bida sa dance number nila?" -ethan. Lalong napataas ang kilay ko. "P-Paano mo nalaman 'yun?" Ngumisi siya pero diretso parin ang tingin sa daan. Naka ngisi siya pero seryso ang nakikita ko sa ekspresyon ng mga mata niya. Oo nga pala may mga connections siya p-pero sino dun? "May Gown ka na bang susuotin para sa Prom night?" -pag iiba niya. "Wala pa pero hahanap na kami ng perfect gown para sa prom night ni hailey" "Samahan ko na kayo" "Huwag na. Alam kong mas komportable si hailey pag kami lang" "Ba't si hailey ang iniisip mo?" "Mas comfortable ako 'pag walang kasamang lalaki" "Mag patahi ka nalang atleast gusto mo pa 'yung design ng gown mo" "Ayoko mas gusto kong mamili kasama si Hailey. Tapos!" Tumahimik na siya. "Gusto mo parin ba si Ezekiel Calley?" -malamig niyang tono. "I still like him, walang pinag bago siya parin" -diretso kong sagot. "Ano ba ang nagustuhan mo sakaniya?" "Misteryoso ang dating niya ,Seryoso siya lagi sa mga bagay ,Napaka sungit niya-" "Ako ren naman a!?" -singit niya. "Hindi kaya" Hindi na siya umimik. "Nasaan na pala 'yung lagi mong ginagamit na lambo?" -pag puksa ko sa nakakainis na katahimikan."Nasa Bahay kasama ng mga kapated niya" "Huh? Kapated?" "'Yung iba ko pang Lamborghini" Lamborghini lover talaga siya.
Kasama ko si Hailey ngayon sa Mall. "What if kumain muna tayo? Bago tayo mag hanap ng gown naten?" -hailey. Pumayag naman ako sa gusto niya. Habang kumakain kami nag chikahan kami. Nang matapos na kami ay nag libot na kami sa mall. Habang nag lilibot kami may MilkTea kaming iniinom. "So kamusta na kayo ni Ethan?" -hailey. "Huh? Wala namang kami?" -max. Ngumisi siya saka nag taas ng kilay. "Hails alam ko 'yang mga tingin mo" -max. 'Pag ganun kasi ang mga tingin ni hailey parang hindi siya naniniwala. Or May binabalak siya. Bigla naman siyang natawa. "Grabi ka naman! Wala namng masama sa tingin ko a!" -natatawa siya ng sinabi niya 'yun. Patuloy parin kami sa pag hahanap. May mga nakita na kami kasi hindi bet ni hailey. May pag ka maarte kasi siya pag dating sa mga susuotin niya. Agad naman akong nag taas sakaniya ng kilay ng huminto siya. "Hey hails! Anyare sa'yo!?" -i asked. "S-Si-" -hailey. "Sino??" -max. Nilingon ko 'yung titig niya kung saan nag mumula. "Sean Kyle Vetries?" Ngumiti siya sa'kin. "Ano'ng ginagawa mo dito?" -i asked. "Mall 'to pwede naman siguro ako dito no?" -pabiro niyang sagot. Hindi parin gumagalaw si hailey sa kinatatayuan niya. Halos malusaw na si Sean sa titig niya hayst! "Hails!" -sabay kaway. "B-Bakit?" -hindi parin maalis ang titig niya kay Sean. "Anyare sa'yo?" -bulong ko sakaniya. "Hailey!" -sean. "Yes Sean?" -mejo pabebe 'yung tono ni hailey. "Pwede bang ikaw nalang 'yung date ko sa prom?" -nahihiya pa si sean ng tanungin si hailey. "Of course pwedeng pwede!" - confident niyang sagot. Halos abot langit ang ngiti ni hailey. "Nag hahanap na ba kayo ng gown niyo?" -sean. "Ah Oo" -sagot ko. "Samahan ko na kayo?" -sean. "Ay hindi h'wag na" -max. "Hoy max ano'ng pinag sasabi mo jan?!" -galit na bulong sa'kin ni hailey. "Hails hindi tayo mkakapag hanap ng maayos kung may lalaki" -paliwanag ko. "Hayyst! Mas maganda nga mag hanap pag kasam naten si Sean duh" -hailey. "Oo na sige na hayst!" "S-Sean h'wag mong intindihin 'yan si maxcoleen pwede mo naman kami samahan anytime" -sabay pacute kay sean. Hayst! Ang harot talaga neto pag dating kay Sean. Anytime pa nais huh! Tumabi siya kay hailey. Nagulat ako sa pag dausdos ng kamay ni sean sa baywang ni hailey. Kita ko naman ang agad na pag pula ng pisnge ni hailey. Gustong gusto niya talaga si Sean a. Mejo naging OP ako sa dalawa. Kung makapag landian kala mo sila hayst! Nagulat naman ako ng bigla 'kong binangga ng babae. Alam ko kasi 'yung sinasadya saka sa hindi. Hindi ko nalang pinansin dahil ayoko ng gulo. Gusto kong humanap ng gown ko ng payapa at walang kaaway. Kinalabit ako ni hailey. "Ano'ng problema ng babaeng 'yun?" -tanong sa'kin ni hailey. "Hindi ko alam. H'wag mo nalang din pansinin" "Gusto nio ba ng ice cream?" -alok ni Sean. "Ah Oo" -max. "Bibili lang ako saglit. Wait nio lang" Umalis siya para bumili. Naiwan kami ni hailey sa food park ng mall.
Ilang sandali lang at may humawak sa wrist ko. Automatic na tumaas ang kilay ko ng makita ko ang babae. 'Yung bumangga sa'kin kanina. Ansama nang tingin niya sa'kin. "Bakit miss?" -tanong ni hailey. Napatayo kami pareho ni hailey. Binitawan na ng babae 'yung wrist ko pero masama parin ang titig niya. "I'm Fatima Anne Leoze" -she offered her hand for me to shake. I was about to take his hand when Hailey grabed my wrist. "Max h'wag kang makikipag kamay sa hindi mo pa kilala" -hailey. "Kaya nga nakikipag kilala 'ko diba?" -pag tataray ni Fatima. Bumaling naman ang tingin sa'kin ni Fatima. Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa. s**t! I hate her eyes. "Ikaw si Maxcoleen Collins right?" -tanong sa'kin ni Fatima. "Pa'no mo naman nalaman pangalan ko aber?" -sabay taas ng kilay. "Damn! Ganiyang mga tipo na pala ng babae ang gusto ni Ethan" -humalakhak siya gaya ng demonyo. Ano'ng problema neto? Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi niya. Kumirot 'yung dibdib ko. WTH! Sobrang sakit. Ayokong ipahalata sakanila 'yung sakit na nararamdaman ko dahil baka sabihin netong babaeng 'to nag papabebe lang ako hayst! Hindi ako maka hinga! Ang sakit! Kumikirot. "H-Hails halika na h'wag na naten siyang patulan" -pilit kong ibinulong kay hailey kahit nahihirapan na'ko. Tinalikuran namin 'yung babae. Pero hinatak niya 'yung buhok ko. "Aray!" -reklamo ko. Nanginginig na ang boses ko dahil pilit ko lang na reklamo 'yun kumikirot talaga 'yung dibdib ko hindi ako maka hinga. Nang mahagip ko siya. Teka hindi. Hindi siya ang humatak sa buhok ko. "T-Tracy Leoze?" "Kilala mo siya max?" -tanong sa'kin ni hailey. "Alam mo mahadera ka talaga!" -tracy. "Mahadera -Mahadera ka jan! Pinag sasabi mong baliw ka!" -hailey. "Hoy babaita tumahimik ka jan" -Fatima. "Parang wala kang alam sa mga nangyare Hailey Araque!?" -Fatima. Ano bang nangyayare. Ano'ng alam ni hailey? "Ano ba kasing problema niyo?" -pilit kong sinabi kahit nahihirapan na Teka naalala ko na'tong Fatima'ng 'to Siya 'yung "Alam mo bwisit ka! Kung hindi ka lang sana bumalik sa buhay ni Ethan ,Hindi sana siya ulit nahihirapan bwisit ka!! Edi sana tinanggap niya 'yung pinag hirapan kong cake! Kung hindi ka sana bumalik payapa ang buhay ni Ethan! Sana namatay ka nalang!" -naluluhang sigaw niya sa'kin. "Are you out of your mind fatima?" -galit na tono no hailey. "Totoo naman a? Sana namatay nalang siya! Sana hindi na talaga bumalik ang alaala niya!" -sigaw pa ni fatima. "S-Sana h-hindi nalang a-ako b-bumalik? What do you mean fatima?" -pinilit kong makapag salita kahit wala nang lumalabas na boses mula sa'kin. Nahihirapan na talaga 'ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit nag hihirap si Ethan! Ako na sana ang gusto ni Ethan! Pinansin niya na'ko one time kaso bumalik ka pa! Bakit ka pa kasi bumalik sa buhay ni Ethan maxcoleen? Andaming nag bago nung nawala ka max! Gumaan ang loob naming mga nag kakagusto kay ethan nang nawala ka! Dati naman kagaya ka lang din namin pero hindi namin inaasahan na mahuhulog sa'yo si Ethan. Hayst! Sana kasi namatay ka nalang! Sana kasi hindi kana bumalik dito sa Violexia ,Hindi ba't dun kana nag aaral sa Eastwood? Dapat dun ka nalang hindi kana bumalik sa Violexia. Halos nagunaw ang mundo namin nang dumating ka ulit sa Violexia! Sana kasi NAMATAY KA NALANG!" -galit na sigaw sa'kin ni Fatima.
Tumutulo ang mga luha niya habang sinasabi niya sa'kin 'yun. Sinugod siya ng sampal ni hailey. "Wala ka talagang magawang tama fatima ,Mahadera ka parin! Bwisit!!" -hailey. Namungay ang mga mata ko at naramdaman ko ang mga namumuong mga luha sa gilid ng mata ko. May alam siya sa naka raan ko? Kilala na nila 'ko dati pa? Hindi ko maintindihan. Bakit nahihirapan si Ethan? Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Unti unting sinasakop ng dilim ang paningin ko. Ouch! Sobrang sakit. Sobrang sakit ng ulo ko
I can't breathe.