Chapter17: Snow

1166 Words
"Pinakiusapan ako ni Tita na h'wag muna mag pakita sa'yo. Dahil baka 'yung iba pang nakakakilala saten madulas. Kaya nag desisyon 'yung mama mo na ilipat ka ng school. Sa Eastwood ka niya pinag aral. Hindi ko malalaman kung ano'ng mga mangyayari sa'yo sa Eastwood kaya nag bayad ako ng studyante dun na pwedeng maging mata ko sa'yo" -ethan. "S-Sino 'yung binayaran mo?" "Si Xenndra Roswell" -malamig ang tono niya Nang marinig ko ang pangalan ni Xenndra ay parang may nadurog na kapiraso sa puso ko. Kaya niya siguro ako kinaibigan para kay Ethan Nag karoon nanaman ng mga namumuong luha sa gilid ng mata ko. "One day, nag karon ng meeting ang Owner ng mga school. Nag request ako na sa Eastwood ganapit 'yung meeting. Umaasa kong makikita kita ron. Nakita kita dun sa Canteen umiiyak saka may mga pasa. Sumunod na kita naten 'yung muntik kana masagasaan parang wala ka sa sarili mo. Sinunsundan na kita lagi dahil baka balikan ka nanaman ng babaeng nambugbog sa'yo. Nalaman kong lagi ka pala niyang binubugbog. Hindi sa'kin sinabi lahat 'yun ni Xenndra kaya pinalayas ko siya sa Eastwood. Kung hindi dahil sa'kin hindi siya makakapag aral ng highschool. 'Yun lang hiniling ko sakaniya na bantayan ka niya para makapag aral siya. Mahirap lang siya kaya siya ang napili kong maging mata ko saiyo pero binigo niya 'ko—" "Ethan mabait si Xenndra lagi niya 'kong tinutulungan. Lagi siyang andjan para sa'kin. Hindi niya naman ako pinabayaan" "Pero ano 'yung nakita ko sa Canteen? Bakit waLa siyang ginagawa? Bakit pinapanood ka lang niyang nahihirapan?" "W-Wala.. Hindi siya makagalaw dahil may kutsilyo 'yung babae. Tulungan mo siya Ethan please Marami siyang pangarap sa buhay. Tulungan mo ulit siyang makapag aral please" -naiyak na'ko. Dahil sa'kin huminto nanaman siya. So ngayon taon hindi pala siya nakapag aral Kahit na ganun ang ginawa nila sa'kin ni Alexander. Gusto ko paring tulungan siya ni Ethan Wala naman talagang magawa nun si Xenndra dahil sa knife. Ako rin ang pumigil kay Xenndra na h'wag nang tumulong ayokong mapahamak siya dahil sa'kin. Naging kaibigan ko parin siya Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ethan Ginawa niya 'yun? Para sa'kin? "Tutulungan ko ulit siya. Para sa'yo" Malamig parin ang tono niya Alam kong labag sa loob niya pero gagawin niya ulit para sa'kin Ganun niya ba talaga 'ko kamahal? Kaya pala ganun nalang ang galit sa'kin ng ibang tao. Tama sila. Grabi ang pahirap ko kay Ethan "Bakit? Bakit Ethan?" "Anong bakit?" Hindi nag babago ang ekspresyon niya Malamig ang tono niya parin "Bakit mo ginawa lahat 'yun?" Naiinis ako sa sarili ko Pinahirapan ko siya Hindi siya umimik "Sana hindi mo nalang ginawa 'yun. Andami mo nang sakripisyo. Andami mo nang pag hihirap" "Sa tingin mo ba.. Gagawin ko 'yun lahat?" "Kung hindi kita mahal?" -dagdag niya. "Hindi mo parin ba naiintindihan max? Mahal kita kaya ko ginawa lahat 'yun" Tuluyan nang tumulo ang luha ko Niyakap ko siya ng mahigpit "Alam mo bang may anak na tayo?" -Ethan Nagulat ako sa sinabi niya Kaya kumalas ako sa pag yakap ko sakaniya Halos hindi ako maka galaw What? M-May anak na kami? "M-May anak tayo?" -nanginginig ang boses ko "Si Snow" Snow pala pangalan ng anak namin? So babae? "Snow come here!" -ethan Ambilis ng t***k ng puso ko Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Sobrang kabado na'ko Bumukas 'yung pinto Pero bakit walang pumasok? Kanina pa'ko nag aantay Yumuko si Ethan sa baba May kinuha siya aso Chow chow puppy Ang cute niya sobra Sobrang mabalahibo Kulay puti "Asan na si Snow?" Nag tataka kong tanong "Eto si Snow!" "Aso si Snow?" "Yup!" Gumaan ang loob ko Nakahinga na rin ako ng maayos Akala ko may anak na talaga kami e jusmiyo! Kinuha ko si Snow Ang harot neto Ang kulit kulit niya. Nakakatuwa siya Kaya siguro Snow kasi mukha talaga siyang Snow Augh! So Cute! Nakaka aliw si Snow. Napaka kulit niya talaga "Max kailangan mong pumunta ng America" -bungad niya "Ano naman gagawin ko sa America?" "Habang maaga pa kailangan mo matutunan ang pamamalakad ng business naten sa America" Masyado pa'kong bata para sa ganun a? Atsaka wala sa bokabularyo kong mag palakad ng malaking Company sa America "Pero ate—" "Max 'yun lang ang hinihiling ko sa'yo" Malamig ang boses ni ate maxinne Ate parin ang tawag ko sakaniya kahit hindi kami mag kapated. Dahil nakakatanda siy sa'kin kaya ate. "Si Tito Benedict ang tumulong sa'kin na makapag aral sa America. Kaya hindi ako galit sa'yo kahit.. Ikaw ang dahilan ng pag kamatay ng tatay ko" Nanginginig ang boses niya. Alam kong galit parin siya. Pero malaki ang utang na loob niya sa mga magulang ko. * Isang Linggo ang lumipas. Naging okay den ako kaagad makalipas ang tatlong araw kaya nakalabas na'ko ng hospital. Ngayon ang flight ko papuntang States. Halo halo ang nararamdaman ko. Nakapunta na'ko dun dati pero hindi ko nga matandaan kaya Excited parin ako. Natatakot ako dahil hindi ko alam ang mangyayari sa'kin dun. Syempre tinapos muna namin 'yung moving up. Sayang lang at hindi natuloy 'yung special number namin nung prom. Partner ko pa naman dun 'yung crush ko. Ex-Crush Natauhan na'ko. Kaya hindi ako nagalit sa kanila. Bakit kailangan kong magalit sakanila? Ginawa nila ang lahat para sa'kin Lalo na si Ethan Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagawa niya lahat ng 'yun para Sakin * Malaki pala ang bahay ng daddy ko. Ilang linggo pa bago 'ko puntahan 'yung company daw namin. Nag kwentuhanpa kami ni Ate Maxinne at medyo nabigla ko sa sinabi niya. Medyo lang kasi hindi ko naman siya maalala. Matapos daw ang aksidente. Habang naka comatose 'ko. Inatake daw sa puso si Daddy. Hindi ko kasama si Ethan dito sa States Kailangan kasi siya ni Brandon sa pag papalakad ng school at iba pa nilang business I can't believe na sa gan'to kong edad. Pag aaralan ko na ang business ng family namin. Hindi naman sa ano. Pero alam kong pag aaralan na talaga dapat namin 'to dahil Senior high. Naden naman ako. * Sampung Taon ang lumipas. Lagi kong kinakamusta si Mommy. Naka pag tapos na'ko. Kahit Sampung taon na ang lumipas. Hindi parin nawala sa puso ko si Ethan Siya parin ang mahal ko. By The Way. We're in a relationship. 10years na kami. Hindi niya 'ko niligawan thru Social Media. Sumunod siya sa'kin. Madami na kaming napuntahan. Tuwing Anniversary namin. Nag c'Celebrate kami sa iba't ibang bansa. 1st Anniv. Namin sa Korea kami mag celebrate. Alam niyang Fan na Fan ako ng BTS. Sinamahan niya 'ko sa Concert. 'Yun ang pinaka hindi ko nakakalimutan Marami pa kaming napuntahan dun sa korea. Napaka ganda talaga dun sobra. Marami na kaming napuntahan na concert ng BTS. Lagi niya 'kong sinasamahan. Kaya mas lalo pa'kong naInlove sakaniya dahil kahit alam kong hindi niya hilig ang kpop pati ang BTS ,support parin siya sa'kin. Pang 10th Anniv. Namin ginusto kong iExplore ang ganda ng pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD