Hindi naman ako pinagalitan ng teacher namin dahil hinatid ako ni Ethan sa room. 'Tong mga kaklase anlalaki ng mga mata ng makitang hinatid ako ni ethan. At syempre dahil mga chismosa sila panay sila tanong saakin kung ano nangyare. Ang iba'y nag bibigay sa'kin ng papel na may tanong nila , ang iba naman nag chat sa gc namin na walang teacher at ang iba nag p'private message sa'kin. Ang gagaling nila gumawa ng paraan kahit may teacher kami basta maka sagap lang ng kwento tsk! Pero Ni isa wala akong sinagot sa mga kaklase ko pwera lang kay hailey ikinuwento ko sakaniya ang buong istorya.
It's 6:42 in the morning. Ginugusot gusot ko pa ang mga mata ko habang papuntang kitchen. "Mom?" -maxcoleen. "I'm here dear" -rinig ko sa boses ni mommy ang saya niya. Pumunta naman ako dun at "W-Why are you here? Mr.Caleb?" -nauutal na gulat kong tanong Tumingin naman siya sa'kin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi. Naka over sized shirt ako at walang short. Naka panty lang.. Kung babalik ako sa kwarto baka kung ano isipin niya? Lintek! Anong ginagawa niya dito?
Time check: 6:45 in the morning. Sobrang aga niya naman. Excited much? "Mag d'Date tayo remember?" -parang nang-aasar ang tono niya. Napa taas naman 'yung kilay ko sakaniya. Date? Anong araw na ba? Kainis naman 'to panira ng araw! "It's Sunday maxcoleen!" -naka ngiting aso parin siya. I just rolled my eyes at hindi siya pinansin. Umupo 'ko dun sa tabi ni mommy. Andaming niluto ni mommy natatakam na'ko! Nakakahiya naman kumain ng marami sa harap ng isang Ethan Caleb. "Nahihiya ka ba?" -nahahalata niya siguro sa'kin. Tinignan ko naman siya naman ng matalim. Natatawa naman siya sa ekspresyon ko. Baliw ba 'to? Naiinis na'ko sakaniya ta's may gana pa siyang tumawa diyan. Hay!! Nakakainis na talaga siya ,kung wala lang dito si mommy baka sinipa ko na 'to palabas. "Gan'yan lang ba susuotin mo?" -tanong ni mommy. "Hindi po mom! Mag bibihis po'ko" -sagot ko. "Aba'y mag bihis kana! Nakakahiya naman kay Ethan kung pag aantayin mo siya ng matagal" -mommy. Bumaling naman ang tingin ko kay ethan at nag taas ng kilay sabay ngisi "By the way mom ,Pa'no niyo po nakilala si Ethan? Nung unang punta niya po dito nawi-wierdohan po'ko sa'yo kilala niyo na agad siy—"
Hinawakan ni mommy ang kamay ko saka hinaplos haplos. Nag bago ang masayang ekspresyon ni mommy ,parang may bumalot sakaniya na kalungkutan. Si Ethan naman naging ganun den ang ekspresyon. Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha niya at pilit hindi pinapahalata 'yun. Nakita ko 'yun sa gilid ng mata ko ,hindi ko siya tinignan ng diretso kay mommy paren ang atensyon ko. "Malalaman mo ren" -mommy. "When mom?" "Not now.. ,but soon" -pilit ang ngiti niya sa'kin
Habang nasa byahe kami wala parin siyang imik. "Ethan.." Nagulat ko ata siya ,agad siyang napalingon sa'kin. "May problema ba?" -malamig ang boses niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong itanong sakaniya. "a-Ano kasi.. Na-Nakita kita kanina nangingilid 'yung mga luha mo nung nag uusap kami ni mommy. m-May problema ka ba? Ano.. Pwede ka naman mag open sa'kin eh! I'll comfort you! I'll—" "Don't ask me like that please. Ayoko ng kinakaawaan ako" -diretso niyang sagot. na tumikhim nalang ako. "Gusto ko mag enjoy ka with me. I want this our first sunday date will be memorable" -dagdag niya. I sweetly smiled at him. "I love.. Your smile" -napa-ngiti ko den siya. Simpleng smile ko lang ,nag smile na ren ang supladong lalaki pero gwapo
Lumapit siya sa'kin.. Sobrang lapit. Kinagat ang labi ko sa kaba. k'Kiss niya ba 'ko? No!!! No!!! What the hell imagination. Ang mukha niya sobrang sobrang lapit na talaga! Pinag mamasdan ko ang makinis niya mukha. Sobrang kinis talaga! Wala ni isang pimples /black heads ,ang matangos niyang at ang nakakaadik niyang mga titig . bakit ba sa tuwing naadik ako sa mgs titig niya'y feeling ko.. naf'Fall na'ko sakaniya? Tsk! Tinanggal lang pala 'yung seat belt ko. Natulala naman ako sa ginawa niya. Bumaba siya ng sasakyan saka binuksan ang pintuan ng akin
Duma usdos ang kamay niya sa baywang ko. Tumindig ang mga balahibo ko sa ginawa niya. "Andami nang tumitingin sa'tin nakakahiya" -bulong ko sakaniya. "I don't care" -seryoso niyang sinabi.
Dumiretso kami sa Cinehan. "Ano'ng gusto mong movie?" -masaya niyang tanong. "Ikaw ano bang gusto mo?" -balik ko sakaniya. "Edi 'yung gusto mo" -ang tono niya'y parang nanloloko. Medyo natawa na nainis ako sa sinabi niya kaya hinampas ko siya sa balikat. Sumama ang tingin sa'kin ng babae na nasa cashier. Nag seselos ba siya? Dahil hinahampas ko si ethan? Sabagay sino ba ang 'di mag kakagusto sa gwapong mukha ng Caleb na'to. Binigay ni Ethan 'yung bayad saka binigay ng babae 'yung dalawang ticket. Kita ko ang malanding pag bigay ng babae ng ticket kay ethan. Pasimple niyang hinaplos ang kamay ni Ethan. Pero si Ethan walang pake ,Ni hindi niya pinansin ang ginawa ng babae pati ang babae. Niyakap ko si Ethan saka nag lambing. "Love ano'ng movie panonoorin natin?" -malandi ang boses ko. Binalikan ko ng tingin ang babae. Kita ko sa mga mata niya ang inggit. Lalo pakong pumulupot at nag lambing kay Ethan nang makita ang mga babaeng malagkit maka tingin kay ethan. Feeling ko hinuhubaran nila si Ethan sa paningin nila hayyyst ang lalandi! Sa pag yakap ko kay ethan. Bumakat sa shirt niya ang matipuno niyang katawan. "6 nalang abs niya? Parang nung nakaraan 8 'to a?" -bulong ko sa sarili. "Sorry hindi ko naman kasi alam na ,alam mo ang bilang ng Abs ko" -natatawa niyang sagot. Nagulat ako sa sinabi niya. Shocks! Narinig niya pala 'ko. Talas nang pandinig neto! Bigla kong kinalas ang yakap ko sakaniya. "Tsk! H-Hindi kaya!" Tumatawa parin siya hayyst! "Nag seselos kaba?" -parang sayang saya ang tono niya. Nag taas ako ng kilay. "Ba't naman ako mag seselos? We're not couple" -diretso kong sagot. "Edi ba't hindi nalang maging tayo ul— ,maging tayo ha?" -naka ngiti parin siya lintek! Uminit ang pisnge ko. s**t ba't gan'to? "No way! May napupusuan na'kong ibang lalaki!" Hindi na siya nag salita pa.
"Ano bang movie panonoorin natin?" -tanong ko. "Amnesia love" -ngumiti nanaman siya. Lalo talaga siyang gumagwapo 'pag naka ngiti "Mahilig ka pala sa romance?" -tanong ko pa ulit. "Hindi ,ikaw ang may gusto niyan" -he sweetly smiled at me. Napa tingin naman ako sa mga mata niya. Billions of smile but why yours? Is my favorite.. Nahihiwagaan na'ko sakaniya ,pa'no niya nalaman na paborito ko ang romance? Odikaya karamihan talaga sa mga babae romance ang gusto at nabibilang na'ko. "Pero wala pa'kong sinabi" -pag tataray ko. Ngumisi siya. Ang lalo siyang gumagwapo 'pag masaya siya ,lagi nalang kasing puro pag susuplado ang alam hayst!
Nasa baywang ko paren ang kamay niya hanggang ngayon at sa pagpasok namin sa loob ng sinehan. Ganun paren maraming babae ang halatang naiinggit sa'kin
Habang nanonood kami ng 'Amnesia love' kumakain kami ng popcorn. 'Yung ulo niya komportableng naka sandal sa balikat ko. Habang nanonood hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking 'to. Pati siya sinusulyap sulyapan din ako at pasimple siyang ngingiti. Ayoko talaga nakikita ang mapupulang labi niya na naka ngiti. Sa bawat ngiti niya feeling ko unti unti na'kong nahuhulog sakaniya. Ang ganda ng movie na napili niya.
Kita ko ang awa sa mga mata niya dun sa lalaki sa movie. 'Tong babae kasi nag karon ng amnesia ta's iba ang natatandaan niyang mahal niya. 'Yung lalaki sikretong binabantayan nalang 'yung babae dahil nga mahal na mahal niya 'yun kahit naka limutan na ng babae 'yung pag iibigan nila. Pinaki usapan ng lalaki na bantayan at alagaan 'yung babaeng mahal niya dun sa taong kasalukuyang naalala ng babaeng mahal niya. Masakit para sa lalaki na mag paubaya kahit na siya naman talaga dapat ang mahal ng babae.
Palabas na kami ng sinehan. Pinadausdos niya ulit ang kamay niya sa baywang ko. Naiilang ako sa mga taong nakatingin sa'min. "Ang swerte niya naman" "Ang gwapoooo!" "Sino kaya 'yung babae" "Ang gwapo ng jowa niya" "May lalaki pa palang 'di lang sexy ang gusto" "Gusto kong mag papicture sa Lalaki" "Gosh ang pogi!!" "Ano kayang pangalan ng Lalaki" -mga bulungan ng mga nakakakita sa'min
"H'wag mo silang pansinin" -malamig niyang tono. Tumango lang ako sakaniya. "Saan mo gustong kumain?" -nag bago 'yung tono niya ,naging sweet. "Ikaw? Saan mo ba gusto?" -balik kong tanong. "Tsk! Binalik mo lang 'yung tanong" -pag susungit niya. May lumapit na babae saamin. Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Nakakainis ang tingin niya ha! Nag suplado ang mukha ni ethan saka nag taas ng kilay sa babae. "Pwede bang mag papicture kuya?" -nahihiyang tanong ng babae. Nginitian ko naman si ethan. Inabot ng babae sa'kin 'yung cellphone niya. Ano? Ako mag pipicture sKanila? Matapos niya 'kong tignan ng nakakainis. Astig ha! Tinignan ni Ethan mula ulo hanggang paa 'yung babae. Kinuha ni ethan 'yung cellphone saka inabot sa babae. "Hindi pwede." -suplado ang tono. At ang kilay niya naka taas parin. Nag lakad na si Ethan palayo sa babae. Hinatak naman ni Ethan 'yung kamay ko. 'Yung babae naiwan na naIstatwa sa kinatatayuan niya. Ang suplado niy naman! Hinarap ko siya sa'kin at inilapit ko ng sobra ang mukha naming dalawa. Nagulat siya sa ginawa ko pero mukhang masaya parin naman siya. Tumaas 'yung kilay niya na parang nag tatanong kung bakit?
"First Sunday date natin 'to dapat hindi ka mag sungit o mag suplado" -sabay tulak sakaniya. Inilapit niya ang mukha niya saakin kasing lapit ng ginawa ko kanina "You're right this is our first sunday date. Pero ayoko ng may epal sa date natin. Gusto ko sa'yo lang naka tuon ang atensyon ko" -he sweetly smiled at me.
Nag init 'yung pisnge ko dahil sa sinabi niya.