"So.. Saan mo ba gustong kumain? Ano bang gusto mong kainin rn?" -Ethan. "Gusto ng Street food lang" -sagot ko. Nag taas siya saakin ng kilay. "Tsk! First Sunday Date nga natin eh! Ta's Street food lang? Baka nakakalimutan mong si Ethan Caleb 'tong kasama mo?" -iritado niyang tono. Hinila niya ako papunta sa isang Restaurant. Nanlaki ang mga mata ko sa laki ng presyo ng mga pagkain. Shocks! Ta's unti lang naman ise-serve sa'min ,laki ng babayaran. Hinila ko siya sa upuan. Lumabas kami sa restaurant na pinasukan namin. "Saan tayo pupunta?" -iritado niyang tanong. Dinala ko siya sa Jollibee. "Mas gusto ko ang pagkain dito! Tsaka mura no 'di gaya ng restaurant na gusto mo unti lang s'serve sa'tin nun mahal pa!" -maxcoleen. "Hayst! H'wag ka ngang mamroblema sa presyo! Marami akong pera" -iritado parin siya. "At least dito sure akong masarap tsaka baka mamaya may pinalagay ka pala dun na gayuma sa pagkain ko!" Natawa naman siya sa sinabi ko. "Satingin mo naman lalagyan ko ng gayuma or something 'yung pagkain mo? HAHAHA sa gwapo ko palang na pagmumukha alam kong dito palang maiInlove kana!" -natatawa niyang pagyayabang. "Ang kapal ng mukha mo ah! For Your Information hindi ako sa mukha nag babase!" -natatawa kong sagot. Sa wakas dumating na 'yung order namin. Siguro first time niya lang kumain dito. Kanina kasi habang umoorder kami 'di niya alam ioorder niya. "Eto tikman mo'tong burger steak nila ,favorite ko 'to!" -nag slice ako sa burger steak ko saka isinubo sakaniya. Tumango tango pa siya. "Delicious!" -naka ngiti na siya. Habang kumakain nag kwentuhan at nag tawanan pa kami.
Natapos na kaming kumain. Muli niyang pinadausdos ang kamay niya sa baywang ko. "Mag Fire noodles tayo!" -anyaya ko. Napa taas 'yung kilay niya. "Fire noodles? Samyang?" -nag tataka niyang tanong. "Oo" -pabebe 'yung tono ko. "Ba't hindi ka pa ba nakaka kain nun? Maanghang 'yun eh!" -ani niya. I rolled my eyes at him. "Naka kain na'ko nun ,Gusto ko lang dalawa tayong kakain ulit nun" parang ayaw niya ,kaya nag puppy eyes ako sakaniya saka nag pacute pa. Kinagat niya 'yung labi niya. Namula 'yung pisnge niya shocks! "Oh sige na" -pilit niyang sambit. Natuwa naman ako dahil dun. "Pero.." "Huh? May pero?" -iritado kong tanong. "Punta tayo sa photo booth" -he smiled. Napa payag naman ako kaagad ,Photo booth lang pala e. Bago kami pumasok dun. Tinignan niya muna 'yung mga mata ko. May kinuha siya sa bulsa niya. Box? Mini box. Kinuha niya dun 'yung necklace na kulay Gold pero siguro rosegold lang 'to. Hindi naman soya gagastos ng malaki para sa'kin. Hinawakan niya 'yung buhok ko. At inilagay sa gilid. Pumunta siya sa likuran ko. Para.. Isuot sa'kin 'yung necklace. Natulala naman ako sa nangyayari. Nang masuot niya na sa'kin 'yung necklace. "Gorgeous" -he sweetly smiled. "Ano 'to rosegold?" -bulong ko sa sarili. "Si Ethan Caleb lang naman ang nag bigay sa'yo niyan ,Satingin mo bibigyan kita ng rosegold? Of course It's Gold!" -pag susungit niya. Talas talaga ng pandinig niya. Napa awang ang panga ko sa sinabi niya. G-Gold?
"Ethleen Maxthan" -'yun ang naka sulat sa necklace.
Ang ganda ng font. Ano'ng Ethleen Maxthan? "Ano naman 'yung Ethleen Maxthan?" -pag tataka ko. Medyo natagalan pa ang imik niya. "It means I love you" -seryoso ang tono niya. Ano naman kayang lenggwahe 'yun? Ethleen Maxthan? Means I love you? Nag katitigan kami ng mga ilang minuto. Ang mga mata niya ,bakit feeling 'ko special ako sakaniya sa mga tingin niya? Ang mga ngiting minsan mo lang makikita sa matipunong supladong 'to. Kung hindi kaya 'ko dumating sa buhay niya? Kung hindi kaya 'ko lumipat sa school nila.. May matatamis na ngiti at Masayang mukha ang taong 'to? Siguro naman meron dahil gwapo siya maraming pwedeng mag pangiti sakaniya. "Nagustuhan mo ba 'yung necklace na gift ko sa'yo?" -mahinahon niyang tanong. Ngumiti ako saka tumango "Ofcourse i like this necklace"
Pumasok na kami sa loob ng photo booth. Kung ano anong ginawa naming pose. May isang ano pa na niyakap niya ako at ang saya ng mukha namin. Ang saya niya sobrang kasama. Ang pinaka huli ay hinalikan niya 'ko sa noo at ako napa pikit. Kumuha siya ng dalawang copy ng pictures namin para tig isa kami. Sobrang saya namin habang nasa photo booth kami kanina. Pina Laminate niya 'yung picture namin para incase hindi madaling masira or mapunit
Tawa kami ng tawa dahil sa pinag k'kwentuhan namin. pabalik kami sa car niya. Pinag buksan niya 'ko ng pinto saka 'ko sumakay. "Thank you ah" -masaya niyang pasasalamat sa'kin. Ngumiti naman ako sakaniya. "Time check: It's 3:00 in the Afternoon maxcoleen" "So?" "Ihahatid na kita sainyo" "Ayoko pa! Hindi ba't mag f'Fire noodles pa tayo?" -pag papabebe ko. "Maxcoleen pwede naman natin gawin 'yan next time, Ayokong gabihin ka sa labas" -ethan. Nag simangot nalang ako. Lumapit siya sa'kin. As in sobrang lapit nanaman ng mukha niya. "What are you doing?" -gulat kong tanong. Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Easy maxcoleen lalagyan lang kita ng seat belt. I want you to be safe" "I can do it too!" -reklamo ko. "Hayst! Sa bahay niyo nalang tayo kakain ng Samyang na 'yan" -pilit ang tono niya. Nag karon ng ngiti sa mga labi ko. "Sayang Gusto ko sana makita 'yung itsura ng bahay niyo" -maxcoleen. "Pwede ka naman pumunta sa bahay any time ,welcome na welcome ka dun" -masaya niyang tono. "Baka magalit mother mo?" -i asked. "Kilala kana nun ,kaya okay lang sakaniya" -ethan. Napataas 'yung kilay ko "Paano niya naman ako nakilala?" -pag tataka ko. "K-Kinukwento kita lagi sakaniya" -he smiled. s**t! Umiinit nanaman 'yung pisnge ko! Hindi ko mapigilang mapangiti. Nangingiti na'ko pero tinatago ko lang.
"Hey max.. We're here" -naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. "Maxcoleen gising na!" -sabi niya pa. Dahan dahan ko namang inimulat ang mga mata ko. Bumungad ang isang Ethan Caleb sa paningin ko. "Finally, gising kana ren!" -he sweetly smiled at me. Namumungay mungay pa ang mga mata ko. Naka tulog pala 'ko. Inalalayan niya 'ko palabas ng car niya at papasok ng bahay. Naka tulog lang naman ako sa car niya pero ba't nahihilo 'ko? Buti nalang inalalayan niya 'ko kundi matutumba na talaga 'ko. "Are you okay maxcoleen?" -nakataas ang kilay ni Ethan pero hindi masungit ang tono niya. "Yes okay na 'ko" -i smiled. Binigyan ako ng tubig ni mommy. "Ininom mo ba 'yung gamot mo?" -tanong ni mommy. Umiling naman ako. Shocks! Nakalimutan ko 'yung gamot kong inumin. "Sorry po tita nakalimutan ko ren po na ipainom sakaniya 'yun" -Ethan. "It's okay ethan" -pilit ang ngiti ni mommy. "Mag pahinga kana max! Next time na tayo kakain ng samyang na 'yan okay?" -parang bata lang ang kausap niya ah!
Nag tagal pa sa bahay namin si Ethan. Babantayan niya daw muna 'ko. "Satingin mo Anong mas maganda Matte black beast Lamborghini or Gloss black Lamborghini?" -Ethan. "Ba't mo naman tinatanong? Bibili ka ba?" -pag tataray ko. "Oo" -ethan. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Huh? Bibili ka? Eh maganda naman 'yung Lamborghini mo ngayon ah?" -saway ko. "Tsk! Ampanget na nun eh!" para siyang bata hayst! "Parehas siyang maganda e" -ani ko. "Bibilin ko nalang silang dalawa" -masigla niyang tono. Nag taas ako ng kilay sakaniya. "Hindi porke mayaman ka ,Dala dalawa bibilhin mong Lamborghini ka'gad" -maxcoleen. "Edi ano sa dalawa?" "Yellow matte beast Lamborghini" -i smiled. "Meron na'ko nun!" -Ethan. "Meron ka na pala e! Bale dalawa na pala Lamborghini mo! H'wag ka ng bumili it's enough for you! Atsaka wala ka pang driver license. And You're only 16 years old" -i explained. Ngumiwi naman siya. Kaya nag taray ako.
Hayst! Nag p'Puppy eyes siya sa'kin. Inaamin ko he's cute. Super cute! "Hey stop!" -awat ko sa pag papacute niya. "Hindi ako titigil hanggat hindi ka namimili!" -pabebe niyang sinabi. Tumango ako sakaniya ,tanda ng pag payag . Abot langit ang ngiti niya ng pumayag ako. "'To kayang Black matte Lamborghini?" -tanong niya. "Hayyyyst! I suggest mas maganda 'tong Gloss black Lamborghini nalang"
"Okay maganda siya. Next time ko nalang bibilin 'tong black matte. Ikaw? Gusto mo ba ng car? I'll buy you" -Ethan. "Ano namang gagawin ko sa Car? I don't know how to drive and andiyan ka naman ba't kailangan ko pa nun?" "May point ka kaso pa'no kung wala na ko—" "H'wag ka mag salita ng ganiyan please!" -awat ko.
"By the way Pa'no mo nalamang may ganun sa kamay ni Ezekiel Worseford?" -diretso kong tanong. "I saw him" -naging seryoso ang tono niya. "Pwede mo ba 'kong kantahan?" -pag iiba ko. Namungay ang mga mata niya. "Ano bang gusto mong kantahin ko?" -he smiled. "'Yung kinanta mo sa theater" -diretso kong sagot. "Let go english ver.?" "Yup!" "Wait for me" Lumabas siya ng kwarto ko. Ilang minuto ang lumipas bago siya maka balik. Pag balik niya may gitara na siyang dala. Umupo siya sa gilid ko At sinimulang niya nang kalabitin ang gitara. Kasunod no'n ang mala anghel niyang tono ng pag awit.
"Let's take a step back , So everything is sweet When we meet each other again To let go of your hands now I must tell you this out loud I gotta let you know that I need to let you go Hard to say goodbye But i'm willing to try I'm ready to let go I'm ready to let go I'm ready to let go We saw the blue sky in Front of our eyes The scent of the past of the Road that we passed Please don't you ever forget—"