"E-Ethan Caleb?" -gulat na sambit ko. Ngumisi siya. Tinalikuran niya ako at nag lakad palayo. Naka pamulsa ang isa niyang kamay. At ang isa naman ay Naka hawak sa hawakan ng bag, N-Nang.. G-gitara
Kinuwento ko ang nang yare kay Hailey. Nagulat siya sa mga sinabi ko. Hindi siya makapaniwala na narinig ko nang kumanta si Ethan. "Hindi ka ba talaga naniniwala sa mga sinabi ko hailey?" -tanong ko.
Nag lalakad kami ngayon pauwi. Mas pinili kong mag lakad para maExercise naman mga matataba kong binti jusko. Kaya 'di na kami nag pasundo sa driver ni Hailey.
"Hindi ako maniniwala sa'yo kung walang pruweba!" Ngumisi siya. Akala niya siguro wala akong proof dito. Buti pala narecord ko. Pinakinig ko sakaniya 'yung record. Nasa kalagitnaan na nang kanta nang may lumapit sa'min na lalaki.
Nakita ko ang ekspresyon ni Hailey. Napanganga siya. At nakikita ko sa mga mata niya ang tuwa.
"Si Ethan 'yung kumakanta diba?" -malamig na tanong niya. "Ahm.. O-o" -nanginginig kong tanong. Natatakot ako na baka ipa delete niya sa'ken 'yung record. Nakoo h'wag naman po sana lord! "a-ahm.. 'Wag mo 'to ipadelete sa'ken please! p-promise h-h-hindi ko 'to iuupload sa social media" -pag mamakaawa ko. Tumawa siya. Natawa ata siya sa sinabi ko e? Bumaling siya kay Hailey. Na hanggang ngayon ay nakanganga paren. Kinurot ng lalaki ang pisngi ni Hailey.
"Ang cute mo!" -sambit nang lalaki kay hailey. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Akmang mag rereklamo sana ako sa ginawa nang lalaki nang kinurot ako ni Hailey. "Ah..ray!" -bulong ko. Nakita ko kung pa'no kiligin si Hailey sa ginawa ng lalaki. 'Yung ngiti niya abot langit. Mukhang ambait bait niya sa lagay niyang 'yan. "Alas sais na a? Ba't ngayon palang kayo uuwi?" -tanong nang lalaki. Ako na ang sasagot kasi ngiting ngiti pa ren si Hailey dun sa lalaki.
"ah- eh.. Kas-" -naudlot ang pag sasalita ko nang mag salita si hailey. "g-Galing kasi kami sa Clinic eh" -sagot ni hailey. Uminda pa siya kuno na masakit daw ang paa niya sabay humawak sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. n-Nag papabebe sa lalaking ito ang babaeng kaibigan kong si Hailey C. Araque? Sino ba kasi 'tong lalaking 'to?? "a-Are you okay?" -nakita ko ang pag aalala sa mukha nang lalaki. Nakita ko naman ang pag tango nang kaibigan kong nag aarte sa lalaking 'to. "Kaya mo pa ba? Kasi kung hindi ipaPasan nalang kita para hindi na mapuruhan ang paa mo"
Nakita ko'ng napangiti dun si Hailey. Pero hindi siya nag pahalata sa lalaki. Namumula 'yung mga pisnge niya hanggang ngayon.
"Ayoko sanang mapagod ang isang Sean Kyle Vetries k-kaso ansakit talaga e" -arteng tugon ni hailey. Nanlaki ang mata ko sa pangalang itinawag niya sa lalaki "Sean Kyle Vetries? Siya 'yung crush-" -'Di ko natuloy ang sasabihin ko nang kurutin niya ulit ako. Pero this time mas masakit! Tumalikod si Sean kay Hailey. Nag Squat si Sean. Sumapan naman sa likod si Hailey sa likuran ni sean. Ngayon ko lang nakita na sobra sobrang masaya si Hailey. Tuwing lumilingon ako kay Hailey. Abot langit parin ang ngiti niya at hindi 'yun nawala hanggang sa malapit na kami sa bahay nila hailey.
"Sean!" -tawag nang isang babae. Lumingon naman sakaniya si Sean. "Girlfriend mo 'yung naka sapan sa'yo?" -tanong nito. Nakita ko ang unti unting pag wala nang ngiting kanina'y abot langit. "Oo" -sabay ngiti si Sean sa babae. Malungkot na umalis 'yung babae. Nanlaki ang mga mata namen ni hailey sa sinabi niya. Agad namang bumalik ang abot langit niyang ngiti. Mas lalong namula ang mga pisnge nito. "Ahm.. Hailey sorry sa sinabi ko a" -malamig na boses ni sean. "Ha? Eh okay lang naman 'yun no! HAHAHA okay na okay nga e!" -masayang tugon ni Hailey. Ngumisi naman si Sean sakaniya. Alam kong sobrang masaya si Hailey dahil sa mga nangyayare. Buti pa siya
Ilang linggo na ren ang lumipas.
"Hails hindi ka nanaman ba sa'kin makakasama sa foodpark?!" -iritado kong tanong. "Sorry Max hindi e madami pa'kong kailangan tapusin sorry" "Sabay nalang tayo Maxcoleen" -anyaya ni Gelian. Tumango nalang ako.
Masaya den palang kasama 'to si Gelian. Madaldal siya. Habang nag dadaldalan kami nabanggit niya sa'ken 'yung nanliligaw sakaniya na kaibigan nila Ethan at Sean. "So ano bang gusto mo?" -tanong ni Gelian. "h-Huh?" -me. "My treat" -she smiled.
Napalunok ako sa sinabi niya. Nakakahiya naman kung ipapabili ko sakaniya 'yung lagi kong kinakain. So 'yung paborito ko nalang 'yung Royal Oreo nang Dairy Queen. Habang nag lalakad kami ni Gelian. Isang lalaki ang nahagip nang paningin ko. Napatigil ako sa pag lalakad. Tumindig ang balahibo ko.
"E-Ezekiel?"
Napahinto den si Gelian. At tumingin sa'ken na nag tataka. "Ah si Ezekiel —— ba?" -tanong ni Gelian. Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Gelian. Nakatulala paren ako at nakaawang ang panga. Hindi ako makapaniwala lumipat den si Ezekiel dito sa Violexia mygoshh!!Tumatalon sa tuwa ang puso kooooo sa tuwaaaa
"Alam mo mabait 'yan si Ezekiel" -gelian. "a-Ah oo mabait talaga 'yan si Ezekiel! Hindi siya gaya nang iba jan Snobber!" "Si Ethan Caleb ba tinutukoy mo?" -she asked. Tumango ako sakaniya habang titig na titig pa ren kay Ezekiel. May lumapit sakaniya na dalawang lalaki. Nang makita ko ang mukha. Si Jonathan tsaka si Geric lang pala. May isa pang lumapit kila Ezekiel na lalaki. 'Di ko siya kilala. Gwapo ,Maputi ,Matangos ilong ,Matangkad at mejo kahawig niya 'yung Mr.Savior ko "Gelian kilala mo ba 'yun?" -sabay turo dun sa lalaki. Lumingon naman siya dun. "Ah si Brandon 'yan! First son of the owner of this school" -paliwanag niya. Tumango nalang ako.
"Crush mo?" -tanong niya.
I shaked my head to say NO. Loyal kaya 'to kay Mr.Ezekiel Calley!
"Hailey sorry hindi ako makakasabay sainyo ha" -maxcoleen. "Bakit naman?" -tanong niya. "Gusto ko lang sana mapag isa" -sagot ko. Tumango siya. Sabay yakap sa'ken.
Nag lalakad ako pauwi habang iniisip si Ezekiel. Hindi ako makapaniwala na nag aaral na ren siya sa Violexia Westwood.
Biglang sumagi sa isip ko si Xenndra Roswell ang matalik kong kaibigan. Correction lang Ms.Collins "Ex Best friend"! Hindi pa naman kasi ako sobrang naFall kay Alexander so mabilis akong naka get over. Pero nagagalit ako kasi sila na pala ta's nilihim pa nila sa'ken. Atsaka nagagalit ako kay Alexander dahil kailangan niya pa akong pafallin! Nakakainis!
Tatawid sana ako sa kabilang kalsada nang may humarang sa harap ko na sasakyan.
Black Lamborghini Kay Ethan 'tong car a? Bumukas nag pintuan sa may Driver's seat. Iniluwa nun ang isang Matangkad at Gwapong lalaki. Pero una talaga nakakapukaw nang atensyon ko lagi ang buhok niyang perpekto sa mga mata ko! Naka Black bandana siya. Mas lalo siyang gumwapo sa bandana na naka suot sa ulo niya. Inilagay niya ang mga kamay sa bulsa. At lumapit sa'ken. Habang papalapit siya sa'ken ay mas lalong bumibilis nang bumibilis ang pintig nang puso ko. Nag wawala ito. Na parang may gustong kumawala sa loob. Ewan ko. Kinakabahan ako habang papalapit siya. Napa atras ako nang bahagya nang masyado na siyang malapit sa'ken. Inilapit niya ang mukha niya sa'ken. Nanlaki ang mga mata ko sa nang yayare. Kaya napaurong naman ang mukha ko.
Masyado na siyang malapit! Sasabog na ang puso ko 'pag nag patuloy pa ang pag lapit niya. Unti nalang mag bebending na'ko neto! Wala naman akong gusto kay Ethan pero bakit gan'to ang pakiramdam ko. Napaatras ako nang bahagya. May bato! Dahilan nang 'pag hulog ko! Ay mali! Hindi pala ako nahulog! Hawak ako ni Ethan! Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Kung makatitig 'to kala mo may past kami! Kala mo talaga malapit kami sa isa't isa e!
Hindi porke gwapo ka e... Mahuhulog ako sa'yo kagad dahil sa mga titig mo! Napaawang ang bibig niya. Feeling ko may gusto siyang sabihin pero may pumipigil. Nagulantang kami sa busina nang sasakyan. Halos mapa talon ako sa gulat. Napa ayos kaming dalawa nang tayo.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Hinatak niya ako papunta sa Car niya. Nanlaki ang mata ko nang isarado niya na ang pinto. Umupo siya sa driver's seat at nag maneho.
"Hoy Mr.Caleb hindi porke Gwapo ka! Pwede ka nang mang hatak nang mga babae kung kelan mo gusto! Atsaka saan tayo pupunta?! Ba't mo'ko isinakay dito sa Car mo? OMG! Masyado pa'kong bata para dalhin mo sa isang hotel or iRape mo! Please itigil mo'to gusto ko pa makapag tapos nang Virgin pa! a.. Atsaka 'tong virginity ko ibibigay ko lang sa lalaking pinakasalan ako! HELPPPPP! r****t 'tong kasama ko!!!" -sigaw ko. Ngumisi siya. "'Yan ba talaga ang tingin mo sa'ken? Sa tingin mo papatol ako sa kagaya mo?" -Humalakhak siya. Inirapan ko siya. "Ansakit mo mag salita!" -sigaw ko. "Ako pa pala ang masakit mag salita sa'ting dalawa?" -naging cold 'yumg boses niya. Natahimik ako.
Ewan ko ba't gan'to ko. Natahimik nalang ako buong byahe. Hindi ko parin alam kung saan kami papunta. Nawala ang kaba ko sa malamig niyang boses kanina. Ewan pero parang sure ako na wala siyang gagawin sa'kin na masama.
Tumigil ang sasakyan. Bumaba siya. At napalingon naman ako sakaniya. Pinag buksan niya 'ko nang pinto.
"Andito na tayo" -he smiled.