Chapter 2: Zander's Courting

1308 Words
Adelaida's POV Sinundo ako ni Zander sa bahay namin at alam kong nakita ito ng boyfriend kong si Jordan. I don't think kung ano ba ang pakay ng lalaking ito sa akin at kung bakit lagi niya akong sinusundan. I know Zander is more handsome than Jordan but even, so, I don't look up to him. Wala akong ni katiting pagkakagusto sa kaniya. Mahal ko si Jordan kahit anuman ang katayuan nito sa kaniyang buhay. Naging kababata ko si Zander at matanda siya ng isang taon sa akin pero ewan ko ba parang nag-iba na ang pagtingin ko sa kaniya. Habang nasa kotse kami at nag-uusap ni Zander, napansin kong mas guwapo pala siya sa malapitan. "How's your school, Adel?" nakangiting tanong niya sa akin. "I-It's fine---" tanging nasagot ko sa kaniya. Bigla siyang tumingin sa daan at may muntik na kaming masagasaang naka-motorsiklo. "Ouch!" reklamo ko dahil muntik na ako masubsob kahit nakasuot naman ako ng seatbelt. Napatingin siya sa akin. "A-Are you okay?" pag-aalala niyang tanong sa akin. Ngumiti ako sa harapan niya. "I-I'm okay." Tanging nasagot kong muli sa kaniya. Hindi ko namalayan na nasa University na pala kami at lahat ng mag-aaral dito ay nakatingin sa puting kotse ni Zander. "Wow, napaka-rare ng car niya at ang gara," pagkamanghang wika ng kaklasi kong si Evelyn. Nang bumaba kami ng kotse nagulat si Evelyn sa nakita niya. Lahat ng tao sa university ay si Zanser ang tinitingnan nila. "Kapogi!" naririnig kong saad ng mga studyante sa school namin. Hinarap ko si Zander at kinausap ko siya. "T-Thank you pala sa paghatid mo!" Nahihiya ko pang sambit sa kaniya. "Well, see you after ng class mo. Mag-message ka na lang sa akin. See you around, Adel," malumanay at malambing na saad niya sa akin. Napansin niyang medyo nahihiya ako sa kaniya. "W-Well, k-kasama ko kasi mamaya si Evelyn at may gagawi kaming project. K-Kung gagabihin man ako, text ko na lang si Jordan." Nagulat siya at napatawa lang ito sa harapan ko. "S-Sanay ka bang sumakay sa motor niya? Sa ganda mong 'yan, baka maalikabukan ka." Lalo akong nainis sa sinabi niya at nakita kong masama ang tingin ni Jordan sa malayuan. At saka na rin umalis si Zander sa harapan namin ni Evelyn. Tinangka ko siyang puntahan pero umiwas siya sa akin. Hinabol ko siya at nagmadali na siyang pumasok sa classroom nila. "A-Anong problema ni Jordan?" pagtatakang tanong ni Evelyn sa'kin. Hindi ako nakasagot at panigurado akong nagseselos siya kay Zander. Hinintay ko siyang lumabas ng classroom nila at dahil lunch break na rin. Gusto ko kasing magkasabay kaming mananghalian. Nang lumabas na sila, nakangiti akong sinalubong siya. Hinarap niya ako at tila naiinis siyang makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" malamig at tila naiinis na tanong niya sa akin. Nagulat ako dahil ngayon lang nagkaganyan si Jordan sa harapan ko. "W-Wait, are you angry?" Huminga siya nang napakalalim at muling nagsalita. "So, nagpasundo ka pa talaga sa kaniya?" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya papunta sa abandonadong building kung saan kami nagtatambay na dalawa. Nagluto na rin ako ng baon namin para pagsaluhan naming dalawa. Habang nakaupo kami, masinsinan ko siyang kinausap at alam kong nagseselos siya kay Zander. "Kanina ka pa seryoso riyan, ah?!" pagtatanong ko sa kaniya. Nagsungit siya sa harapan ko. "K-Kasi naman, bakit ka pumayag na sunduin ka ng mukhang americanong iyon!" Napatawa ako at hinarap ko siya. "Uhm, nagseselos pala ang baby ko kay Zander." At saka ako tumawa nang napakalakas. Namula ang mukha niya at lalo siyang sumimangot sa harapan ko. "O-Oo, s-siyempre, sino ba naman ang hindi magseselos? Adel?" seryoso niyang saad sa akin. Kinurot ko ang pisngi niya at hinalikan ko ang lips niya. "Ano ka ba? Ikaw ang mahal ko, Jordan. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa na magpapakasal tayo after ng graduation natin?" Napangiti siya sa harapan ko kasabay nito ang paghimas niya sa buhok ko. "Adel, ang sarap naman sa tainga ang sinabi mo sa akin. Hindi na ako makapaghintay na gumraduate tayong dalawa. Isa pa, sana huwag mo akong pagpapalit kay Zander kasi alam mo naman na mas okay siya kumpara sa akin." Alam kong nanliliit siya sa kaniyang sarili at naiinggit siya kay Zander. Tinapik ko ang kaniyang braso at hinawakan ko nang napakahigpit ang kaniyang palad. "Kahit mas mayaman siya, para sa akin, ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko kailangan ang pera, Jordan. Alam mo kung gaano kita kamahal at alam mo iyan." Napaluha siya sa kaniyang narinig at hinalikan niya ako sa labi ko. Mahal na mahal ko si Jordan higit pa sa sarili ko. Siya rin ang nakikita kong makakasama ko habang buhay. Pero ang p********e ko ay hindi ko pa naibibigay sa kaniya, in short I am a virgin woman. At saka ginagalang ako ni Jordan. Nang hapon na umuwi na kami sa bahay at kasama ko si Jordan. Alam kong tago ang relasyon namin dahil alam ko rin na tututol sa relationship namin sina mommy at daddy. Umalis na si Jordan at biglang nagtanong si mommy sa akin na labis kong ikinagulat. "Adel, can we talk?" seryosong pagtatawag ni mommy sa akin. Lumingon dahil papasok na sana ako sa kuwarto nang tinawag ako ni mommy. "Y-Yes, mommy?" Nilapitan niya ako at parang napakaseryoso nang tingin ni mommy sa akin. "What is your relationship between you and Jordan?!" Pinilit kong magsinungaling sa harapan ni mommy. "W-We're just friends mom, why can you ask me like that?!" "Friends? Friends? Are you sure?!" pagalit na tanong muli ni mommy sa akin. "Y-Yes, mom, you know that from the beginning!" nagagalit na ring wika ko kay mommy. Dinuruan ako ni mommy at nagwika. "Subukan mong makipagrelasyon kay Jordan, Adel. Hindi ako papayag na masira lang ang pinaghirapan ko at alam mo kung saan ka lulugar!" Nagulat ako sa sinabi ni mommy at alam ko rin sa sarili ko kung hindi dahil sa kanila baka isang palaboy at patapong tao lang ako. Natatakot ako sa kanila at natatakot din akong bumalik sa bahay- ampunan. Yes, I am adopted child at kinuha nila ako roon sa bahay ampunan noong 6 years old pa lang ako. Iniwan kasi ako ng totoong mama ko roon sa bahay ampunan at sinabi niyang babalikan niya ako pero hindi na siya bumalik. Alam kong malaki ang utang na loob ko kina mommy at daddy kaya lagi ko na lang sinusunod ang mga utos nila. Napalitan ang pangalan ko at ako na si Adelaida ngayon. Hindi na pala ako si Shaine Zupas. Pumasok na ako sa kuwarto at nag-isip isip na naman. Hindi ko talaga makalimutan ang tunay na itsura ng mama ko at alam kong sumama na siya sa mayamang lalaki. Biglang may kumatok sa pinto ko at si mommy ulit. Binuksan ko ang pinto at nakangiti siya sa harapan ko. "Zander is here," nakangiting wika ni mommy sa akin. Wala akong magagawa kung hindi kausapin siya kahit labag man iyon sa kalooban ko. Nadatnan ko si daddy na kausap niya si Zander at iniabot niya ang isang boquet na bulaklak at maraming regalo sa harapan ko. "T-Thank you," gumagaralgal na pagpapasalamat ko kay Zander. "Welcome," nakangiting saad niya. End of POV Pagkatapos ng pagbibigay ng bulaklak ni Zander kay Adel, biglang dumating ang daddy ni Zander na si Don Zack Walker. May dala-dala itong brief case para sa daddy ni Adel na si Don Ernesto Morales. "So, are you ready?" tanong ni Don Zack kay Don Ernesto. "Yes, I am ready. Are you carrying the agreement?" Tanong muli ni Don Ernesto sa kaniya. Nagtaka si Adel kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa kaya't nagtanong na ito sa kaniyang mommy, Rossana. "Mom, what are they talking about?" pagtatakang tanong niya. Tumawa lang ito at hinimas ni Rossana ang mukha ni Adel. "Is for your future." Tanging nasagot niya lamang kay Adel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD