"This is for you, Adel," masayang wika ni Zander kay Adelaida habang inaabot nito ang kapirasong cake.
Si Zander Walker isa siyang binatang may mataas na pangarap, matalino, matipuno, guwapo at anak siya ng pinakamalaking pagawaan ng alak sa buong Pilipinas. Hindi mahahalata sa kaniyang hitsura ang pagiging sarkastiko ng kaniyang pag-uugali. Sa ngayon ay ika-19 ng kaniyang kaarawan at labis siyang nahuhumaling sa taglay na kagandahan ng kaniyang kababatang si Adelaida. Subalit, lingid sa kaniyang kaalaman, ang tunay na kasintahan ni Adel ay si Jordan na best friend naman ni Zander. Naroon din si Jordan sa kaarawan ng kaniyang pinakamatalik na kaibigan subalit alam ng lahat na siya rin ang anak ng tauhan ng daddy ni Zander. Lahat ay masaya sa birthday party ni Zander at naroon din ang kaniyang daddy na si Don Zack Walker at ang kaniyang mommy na si Rustica Walker.
"Happy Birthday, Señorito Zander," pagbati naman ni Joaquin na daddy naman ni Jordan.
Ngumiti na lamang si Zander sa harapan ni Joaquin at siya ang tauhan ng mga pamilyang Walker. Dumating na rin ang daddy at mommy ni Adelaida na sina Don Ernesto Morales at si Mrs. Rossana Morales. Sila rin ang may-ari ng pagawaan ng asukal sa malaking hacienda sa bayan ng San Ildelfonso.
"Happy Birthday, Zander," pagbati ng mag-asawang Morales.
Humarap si Zander sa kanilang harapan at ito'y nagmano sa kanila.
"Welcome to my party, tito and tita," masayang pagsalubong nito sa kanila na may halong ngiti sa kaniyang mga labi.
Biglang itinawag ni Don Ernesto ang kaniyang anak na si Adelaida.
"Adel, come here," tawag ni Don Ernie sa kaniyang anak.
Lumapit si Adel sa kanila at ngumiti naman ang dalaga sa harapan ni Zander. Biglang nagwika si Zander sa dalawang matanda.
"Actually tita, kanina ko pa kausap si Adel at binigyan ko siya ng cake," nakangiting saad ni Zander sa kanila.
Nagtinginan ang dalawang matanda at ngumiti sa harapan ni Zander. "Oh, yes, akala namin ay hindi ni'yo makikilala ang isa't-isa dahil 10 years din kayong hindi nagkita magmula nang pumunta ka ng States para mag-aral."
Malagkit na tingin ang iginawad ni Zander sa harapan ni Adelaida subalit sa isip ng dalaga ay naiinis ito sa kaniya.
"Yabang!" bulong ni Adelaida sa kaniyang sarili.
Umalis na muna ang dalawang matanda sa harapan ni Zander at nag-usap naman ang dalawang magkakabata.
"Ehem, masarap ba ang cake, Adel?" nakangiting wika ni Zander sa harapan ni Adel.
"Yeah, it is good," malumanay na saad naman ni Adel sa binata.
Biglang lumapit si Jordan sa kanilang dalawa at hindi alam ng binatang si Zander na magkasintahan ang dalawa. Subalit hindi pwedeng ipaalam ng dalawa na mayroon silang ugnayan dahil ayaw nilang ipaalam ang kanilang relasyon sa kanilang mga magulang.
"Welcome back, Zander," pasulyap na wika ni Jordan sa kanila.
Lumingon ang dalawa sa kinaroroonan ni Jordan at masayang nagbeso-beso ng kamao ang dalawang magkaibigan.
"It's been a long time, Jordan. How's your study here?" tanong ni Zander sa kaniya.
"Yeah, it is very fine. How's your study abroad future lawyer?" pagbibirong tanong naman ni Jordan sa kaniya.
Tumawa nang napakalakas si Zander sa harapan ni Jordan at namula naman si Adel dahil nakita niya ang magkabilang dimples ni Zander.
"Guwapo nga, mayabang naman. Parang nagbago na ang best friend ko dati," bulong muli sa sarili ni Adel habang tinititigan niya si Zander.
"Nah, I am not a future lawyer, I am a future businessman," pagbibirong tugon ni Zander sa kaniyang kaibigan.
Muling lumingon naman si Zander kay Adelaida. "Why are you quiet?"
Tumingin naman si Adelaida kay Zander. "Nothing---" tanging nasagot niya sa binata.
Nagtanong muli si Zander kay Jordan. "How are you, future educator?".
"It is very fine, actually malapit na ang demonstration teaching ko sa makalawa. Kaya todo puyat ako sa paggawa ng lesson plans ko at mga gagamitin kong teaching materials for demo. Sana nga makapasa ako ng LET exam para makapasok na ako sa DepEd, one day," pagmamayabang ni Jordan kay Zander.
"Buti at gusto mong maging teacher? Hindi ba't ang sabi mo sa akin dati, magdo-doctor ka?" tanong muli ni Zander sa kaniya.
Tumawa nang malumanay si Jordan sa kaniyang harapan. "It is not my dream, Zander. My dream is to become a teacher someday, and actually ka-school mate ko si Adel."
Nagulat si Zander sa kaniyang natuklasan na magka-school mate nga ang dalawa.
"So, edi matagal na pala kayong magkasama ni Adel?" pagtatakang tanong ni Zander sa dalawa.
"Y-Yes, pero hindi naman pareho ang shift namin. Pang-umaga ako at pang-gabi naman siya," sabad na wika ni Adel sa dalawa.
"Ah, okay, by the way, maiwan muna ko kayong dalawa," nakangiting wika ni Zander sa dalawa.
Nagtinginan naman sina Adelaida at Jordan. Pumunta naman sila sa may garden at nag-usap.
"Asus, nakita mo lang ulit si Zander hindi mo na ako pinapansin," pagtatampong saad ni Jordan sa kaniya.
Napangiti si Adelaida sa harapan ni Jordan at kinurot nito ang pisngi ng kaniyang kasintahan. "Naku, nagseselos ata ang mahal ko?"
"H-Hindi naman sa nagseselos. Ano ang panama ko kay Zander? Inaamin kong mas pogi siya sa akin at mayaman pa, hindi lang mayaman, sobrang yaman," mahinang wika ni Jordan sa harapan ni Adelaida.
"Hay, naku, mahal. Kahit na sinasabi mong guwapo 'yon, para sa akin ikaw ang pinakaguwapo sa lahat ng mga binata rito. Hello, kung sa tingin mo magkakagusto ako roon, never in my life, mahal. Kasi ikaw lang ang pakakasalan ko after ng graduation natin," malambing na wika ni Adelaida kay Jordan.
Nagyakapan ang dalawa at hinawi ni Jordan ang buhok ni Adel. "You always make me happy, mahal. Kapag nakapagtrabaho na ako sa DepEd, mabibili na natin ang gusto natin. Pangako, papatunayan ko sa daddy mo na karapat-dapat ako sa iyo, Adel."
Ngumiti lamang si Adelaida sa harapan ni Jordan at pabalik niyang niyakap ang kaniyang kasintahan. Sa ngayon, Business and Accountancy ang kurso naman ni Adelaida at kapuwa fourth year college na silang dalawa. Walang nakakaalam sa kanilang relasyon at kahit sa kanilang eskuwelahan ay alam nilang magkaibigan lamang sila. Subalit ang kanilang relasyon ay dalawang taon na. Kinabukasan, nagulat na lamang si Adelaida nang may nakaparadang magarang asul na kotse sa harapan ng kanilang bahay.
"Adel, narito pala si Zander para sunduin ka," nakangiting wika ni Don Ernesto sa kaniyang anak.
Nagulat naman ang dalaga sa pagdating ni Zander at halos hindi makapagsalita sa kaniyang harapan. Lumapit naman ang kapatid ni Adelaida na si Amelia.
"Ate, ang pogi naman niya. Mukhang artista sa pelikula," pagbibiro ni Amelia sa kaniyang kapatid.
"P-Pero hinihintay kasi ako ni Jordan, dad, eh.," nahihiyang wika ni Adel sa kaniyang daddy.
Biglang nagsalita naman si Rossana na mommy ni Adelaida. "Hay, naku, Jordan na naman. Nakakahiya naman kay Zander kung hindi ka sasama sa kaniya. Ngayon pa lang kayong muling nagkita ng kababata mo," pabulong na saad niya sa kaniyang anak.
Walang magawa ang dalaga kung hindi sumama kay Zander at pinagbuksan niya ng pinto ang dalaga habang papasakay sila ng kotse. Sa hindi inaasahan, papalapit naman si Jordan sa bahay ng dalaga at nakita niya ang pangyayaring sumakay ang kaniyang kasintahan sa kotse ng kaniyang kaibigan. Naka-motor lang ito, at umismid bigla ang mommy ni Adel sa harapan ng binatang si Jordan.