Caress' POV SOBRA akong nalungkot sa sinabi ni Lola Minda. Hindi pa man ay gusto ko ng umiyak sa napipintong maghihiwalay namin ni Raim. Mami-miss ko siya ng sobra! Pero may puntos naman ang lola ko. Hindi na nga kami masusundan ng mga reporter sa Mabitac. Hindi na nangyayari na mai-feature pa ang nakabenta kong nasunog na mukha. Kaya napilitan akong kausapin si Raim, pagdating niya mula trabaho. Noong una ay hindi siya pumayag pero nakaunawa rin siya ng si Lola Minda na ang nagsalita. "Raim, alam kong malungkot at masakit sa iyo na umuwi kami ng apo ko sa Mabitac pero unawain mo sana. Ito ang hinihingi ng sitwasyon at ito ang ikabubuti," tumingin sa akin si Lola Minda saka nagsalita muli, "ikabubuti ni Caress. At alam kong mahalaga siya sa 'yo kaya siya ang isipin mo. Raim, nauunawaan

