Raim's POV “SALAMAT," sabi ko kay Caress na may pangangako. "Asahan mong iingatan kita. Mas gagawin ko na ang lahat ng makakaya ko para ingatan ka. Trust me.” “I will, Raim. Promise, hindi na muna kami uuwi ni lola sa Mabitac. Dahil mas magiging handa akong tanggapin ang lahat ng mangyayari sa buhay ko basta kasama ka.” Dahil sa mga narinig ko ay tuluyan ng nawala ang aking kalasingan. Higit kong naunawaan ang mga bagay na sinabi ni Caress. Kaya naman napakasaya ko ngayon. Sobra! Nangako siya na hindi na muna uuwi sa Mabitac. Hindi na sila aalis dito ni Lola Minda sa bahay ko. Nang bitiwan ko si Caress mula sa aking pagkakayakap ay pinalis niya ang mga luhang bumasa sa kanan niyang pisngi. Naawa ako sa kanya dahil nagalaw niya ang may bendang kaliwang niyang mukha, na sig

