CHAPTER 2

1013 Words
Caress' POV HINDI ko masyadong tanda ang panahong iyon pero ang sabi ni lola ay iyak daw ako nang iyak. Lalo na nang tabunan ng lupa ang kabaong ng inay ko sa hukay. Malungkot sa part ni lola pero sinikap niyang tanggapin ang pagkawala ng nag-iisa niyang anak. Pero mula nang mawala si inay ay lalo akong minahal ni Lola Minda. At namulatan ko sa kanya ang pagiging mabuting tao. Siya ang tipong pinalalampas na lang ang mga bagay-bagay hanggang maaari para walang gulo. At napatunayan ko namang masarap mabuhay na ganito. Walang kaaway. Tahimik ang sariling buhay. Sabi pa nga niya ay hindi naman nakamamatay ang pagiging mababa ang loob. Kaya ako, I'm proud to say na naging maayos ang buhay ko sa kabila ng hindi maganda kong katangian. Nagdalaga ako na no regrets in life kaya nag-boost ang self-confidence ko. Ni minsan ay hindi ko ikinahiya ang hitsuta ko at kaya kong humarap sa sino mang tao. For me, nakatulong talaga ng malaki ang mga advice ni Lola Minda. Iyong maraming bully at pangungutya sa hitsura ko ay nag-push sa akin para matuto akong magdala ng sarili. Hindi man ako maganda pero smart ako. Maganda ang tindig at nasa ayos lagi ang galaw o pagkilos. Suwerte ko na rin dahil naging matangkad ako at nagkaroon ng white complexion. Kaya binabagayan ako ng ano mang damit na isinusuot ko. Marami nga ang humahanga sa akin kapag nakikita nila akong nakatalikod. Ang ganda-ganda ko daw kasi sa back kaya kapag humarap na ako ay shocking na. Ako daw pala ay pointed lips and kissable nose. But I'm proud. Ako lang ang may ganyang katangian. At hindi ko ipagpapalit iyan kanino man. Ang isa pang nakabuti sa pagiging pangit ko ay iyong nagkaroon ako ng pangarap sa buhay. Ayoko naman kasing mangyari na ganito na nga ang hitsura ko tapos wala pa akong tinapos. Kaya nagsikap akong mag-aral kahit hindi sagana ang buhay namin ni Lola Minda. Sinamantala namin ang pagkakataon habang kapwa kami naninilbihan sa pamilya ng pinaka-mayamang tao sa bayan namin, kina Don Guiller at Donya Sylvia de Guia. Sa malaking mansion nila kami nakatira dahil mahabang panahon na ring mayordoma si lola at ako naman ay isa na rin sa mga kasambahay doon. Naging mabait sa akin ang mag-asawa kaya pumayag sila na mag-aral ako ng college at ngayon ay binubuno ang kursong Education sa ikatlong taon. At hindi lang ako sa sarili nangako kundi kay Lola Minda na rin, na makakatapos ako at magkakaroon ng magandang kinabukasan. "Hindi ka mamalagi dito sa mansion, lola," iyon ang pangako ko sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob. "Bago ka tuluyang tumanda ay titigil ka sa pagsisilbi dito at aalagaan kita." "Salamat, apo," mangiyak-ngiyak na sabi niya. "Napakabait mo talaga. Hindi ko pinagsisihan ang pag-aalaga ko sa 'yo at pag-uukol ng pagmamahal. Sayang at maagang nawala ang inay mo. Sana'y nararanasan din niya ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon dahil sa pagiging mabait mo." "Sa iyo naman ako nagmana, lola. Ikaw po ang magandang ihimplo kaya lumaki akong mabuting tao gaya ng sinabi n'yo. Kung wala ang mga advices and good thoughts ninyo ay hindi ako magiging ganito." "Sige, apo," hinaplos niya ang pisngi ko. "Ipagpatuloy mo lang 'yan at natitiyak kong hindi ka mabibigo. Tinutulungan at ginagabayan ng Diyos ang mabubuting tao." Paano ba naman ako hindi magiging mabuti sa poder ng lola ko? 'Di ba, ang bait-bait niya at very supportive. Sobrang sama ko na lang talaga kung sa kabila ng lahat ay hindi ako magpapakabuti. Sa buong buhay ko ay never pa akong nakagawa ng bagay na ikasasama ko. O ikasisira ng pagkatao ko. Kahit may sitwasyong dapat ay mag-react ako at maging marahas ay nananaig pa rin sa akin ang pagiging mahinahon. Tulad na lang ng minsang maka-experience ako ng hindi maganda sa isang classmate ko noong fourth year high school. Guwapo pa naman siya pero napaka-ungentleman. Even in my wildest imagination ay hindi sumagi sa isip ko na gagawin niya ang bagay na iyon. Cleaners kaming pareho ng araw na iyon. Nagulat ako nang mamalayang kami na lang dalawa ang naiwan sa room. Naisip ko na baka kinuntsaba niya ang mga classmate namin kaya walang paalam at pasimpleng umalis. Then, he starts to do his bad plan. Kinorner niya ako sa isang bahagi ng aming room at tinangka niya akong halikan. "Ano bang ginagawa mo, Carlos? Lumayo ka nga..." "Gusto kita. At alam kong crush mo ako. Pa-kiss." Mabilis kong iniharang ang palad ko sa mukha niyang mas ilalapit pa sana sa mukha ko. Saka ko siya itinulak papalayo. Pangit ako at guwapo siya pero never kong pinangarap na magpahalik sa kanya. Hindi ako ganoon kababaw na tao kaya hindi ko talaga hinayaang mangyari ang gusto niya. "Pakipot ka pa," malakas siyang tumawa. Nakaka-insulto. "Ang yabang mo. Tanggihan ba ako?" "Carlos, pangit ako pero hindi ako cheap. Kaya tumigil ka na at baka isumbong pa kita sa adviser natin." "Pangit ka naman talaga. Maputi ka lang at sexy. Hindi naman talaga kita type. May pustahan lang kami ng mga co-cleaners natin na mahahalikan kita ngayon at bibigay ka sa akin." Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya pero pinigil ko ang sarili ko. Nangako ako kay Lola Minda na never akong iiyak bunga ng aking hitsura kaya paninindigan ko iyon. Imbes na makipag-away ako ay minabuti ko na lang iwan si Carlos. Sapat na iyong ginawa ko para hindi siya magtagumpay sa masamang plano. Napatunayan ko na sa kanya na mali ang inakala niya tungkol sa akin kaya immaterial na pahabain ko pa ang usapin. Bagay na naging maganda naman resulta dahil ang mga co-cleaners namin ay natameme din. Ramdam kong napahiya pa nga sila at hindi na nagawang tumingin pa sa akin. Ang nangyari, sa kanila pa nanggaling ang bulung-bulungan sa classroom na bagay daw talaga sa akin ang unique name na ibinigay sa akin ng inay ko. Sabihin pa, na kung may maganda sa akin... iyon ay ang pangalan ko. A light stroking gesture expressing affection. Ako... si Caress. Caress Mendez Alberto po in full name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD