Raim's POV
WHO is Ifraim de Guia?
Sino nga ba ako? I will answer that question without exaggerations. Magbi-base lang ako sa totoo at sa pagkakakilala ko sa aking sarili. And let's starts with my physical outlooks.
Tall.
Flawless.
Handsome.
Pamilya kami ng matatangkad kaya lumaki ako na taglay ang asset na ito.
During my high school and college days ay varsity ako ng campus basketball league. I love that sport and I enjoy playing it. Kung sineryoso ko nga ay isa na sana akong PBA player ngayon. Pero hindi naman iyon ang pangarap ko dahil simpleng tao lang ako, despite of being rich and from the well-known clan in our province, the de Guia's.
Hindi sa pagyayabang pero dahil nga mayaman kami ay sagana ang aming buhay. Kumpleto ako sa mga pangangailangan at wala akong ginustong bagay na hindi naibigay.
Palibhasa'y unico hijo ako kaya sunod sa layaw. Pero hindi ko inabuso 'yon. Lumaki akong mabuting tao at may respeto sa mga magulang ko, na totoo namang napakabait at mapagmahal.
Sina Daddy Zaldy at Mommy Hilda ay tipo ng mga taong igagalang mo talaga dahil mabubuting ihemplo. Talagang abusado na lang ako kung sa kabila ng lahat ay magiging problem child pa ako.
Wala na akong mahihiling pa kung tutuusin. Masarap ang buhay ko at ipinagpapasalamat ko sa Diyos ang bagay na iyon.
I'm really lucky to born with a silver spoon in mouth. Bagay na alam kong pinapangarap ng lahat ng tao. Iyon nga lang, hindi sila sinuwerte na kagaya ko.
Idagdag pa ang katotohanang masarap at masustansiya ang mga pagkaing kinakain ko. Marami at iba't-ibang uri ng vitamins ang iniinom ko. Kaya kung kutis ng balat ang pag-uusapan, I'm proud to say na flawless ako. Makinis at maputi. Malaking points para maragdagan ang pagiging handsome ko.
Yaph! Guwapo ako. Artistahin. Hindi ko itinatanggi iyon pero hindi ko rin ipinagmamalaki. Nagsasabi lang ako ng totoo. The conformity with fact or reality is obvious. In fact, naririnig naman ang papuring iyan sa lahat ng tao sa aking paligid. Iyong iba pa nga ay nagtatanong kung bakit hindi daw ako nag-artista?
They are just suggesting para daw hindi masayang ang biyayang ibinigay sa akin ng langit.
Naisip ko rin iyan noong teenager ako kaya sinubukan ko. Minsan na akong nagkaroon ng TV commercial pero hindi na nasundan pa.
Ako na rin ang umayaw dahil hindi ko nagustuhan ang mga experience ko during the tapings.
Mayaman naman ang parents ko at kahit hindi ako magpakahirap ay nagkakaroon ako ng pera, na sobra pa sa hinihingi ko.
So, tinanggihan ko ang mga dumating pang commercial offers dahil alam ko na magiging magulo lang ang buhay ko.
It against my will. Really. I do not want my life to be complicated. Hangga't maaari ay gusto ko iyong smooth sailing life. Iyong magagawa ko ang lahat ng bagay na gusto kong gawin na walang sagabal. Malaya. A reason why my girlfriend got mad of me and she asked her freedom. Dahil isa siyang papasikat na modelo ay hindi ko masakyan ang life style niya. Madalas na kaming nagtatalo at hindi magkasundo lalo na kapag marami siyang commitment regarding her career.
May mga pagkakataong hindi ako pumapayag sa activities niya o sa mga bagay na dapat niyang gawin at daluhan.
Kaya nakipag-break siya.
It's really hurt for me because I loved her and I don't like to loss her. Pero mapilit si Janelle at gusto na talaga niya akong hiwalayan.
Pagod na daw siya. Hirap na hirap na daw siyang makisama sa akin.
Siguro nga. Baka unti-unti na ngang nawala ang pagmamahal niya sa akin dahil sa bagay na iyon.
Kaya lately ay naramdaman ko na rin ang panlalamig niya sa akin. Wala na 'yong sweetness. Hindi ko na maramdaman 'yong lambing niya kapag magkasama kami.
At nami-miss ko iyon. I'm pretty sure na hahanap-hanapin ko iyon kapag tuluyan na siyang nawala sa buhay ko. Kaya hangga't maari ay ayoko sanang i-accept ang break-up na hinihingi niya.
"JANELLE, I'm sorry. Give me another chance. Please!"
Ang diin nang pagkasabi ko sa word na 'please' the last night na nag-usap kami.
"Sisikapin kong magbago at unawain ka from now on, 'wag mo lang akong i-break."
Umiling siya.
"Decided na ako, Raim. Ayoko na. Please, try to understand my decision. It's for us... it's for the better."
Nang iwan ako ni Janelle ng gabing iyon ay wala akong nagawa kundi ihatid na lang siya ng tanaw.
Gusto ko siyang habulin at pigilan pero naisip ko din naman ang sarili ko. Ang pride ko. Ang ego ko. Hindi madali para sa akin pero ginawa ko na ang magpakababa. Ang makiusap. At sa ngayon ay sapat na iyon. Immaterial na habulin ko pa siya at maglumuhod sa kanya.
Kalabisan na iyon.
Kahit sobrang ayokong maputol ang relationship namin at mawala siya sa buhay ko ay tinanggap ko.
Break na kami. But I haven't totally close the door. Sa ngayon ay nanahimik muna ako at hindi ko siya inaabala. Bibigyan ko siya ng time na makapag-isip and hoping that one day ay ma-realize niyang mahal niya ako at hindi rin niya kaya na mawala ako sa buhay niya. At sana lang, huwag magtagal ang araw na iyon.
I'm willing to wait but not in a long time.
And to ease myself, I decided to go to Mabitac for a vacation. Lilibangin ko muna ang sarili sa province kung saan naroon ang parents ng father ko. At ang ilan pa naming kamag-anak, na hindi na-engganyong mamuhay sa Manila.
Matagal na din akong hindi nakadalaw kina Lolo Guiller at Lola Sylvia. Ang tanda ko ay binatilyo pa ako noon.
Fifteen years old? Maybe. Doon kami nag-celebrate nang pagsalubong ng new year ten years ago.
Ten years? Ang tagal na nga pala. Marami na sigurong nagbago sa lupain ng grand parents ko. And hopefully, magagandang pagbabago iyon.
Siyempre, changes tungo sa pag-unlad. Iyong tipong higit na naging fruitful ang mga pananim nila sa farm at dumami ang mga alagang hayop.
I smiled while still driving my car. Bigla kong na-miss ang mga bagay na naranasan ko sa lugar ni Lolo Guiller noon. And I saw a lot of memories in my mind.
All memories that I will never forget.