CHAPTER 4

2006 Words
Raim's POV KAHIT kasi hindi ako ipinanganak sa Mabitac ay naging bahagi na ang lugar na ito ng buhay ko. Sa Manila man ako lumaki ay madalas akong ipinapasyal ng parents ko sa probinsya. Palibhasa'y nag-iisa akong apo ay giliw na giliw sa akin ang Lolo Guiller at Lola Sylvia noong bata pa ako. Kung puwede nga lang daw sana ay gusto na nila akong maiwan sa piling nila at sila na ang magpalaki sa akin. So, ang nangyari ay parang naging playground ko na ang mansion at farm nila. Playground na may bonus pang playmate. Yaph! A girl playmate na lagi kong kalaro tuwing nagbabakasyon doon. At hinding-hindi ko siya malilimutan kahit matagal na kaming hindi nagkita. Si Caress. Napangiti ako nang makita siya sa aking isip. Kumusta na kaya siya ngayon? Gumanda na kaya siya? Napatawa ako ng mahina. "Makulit din ang Caress na 'yon. Dalagita na siya noon pero wala pa ring pakialam sa mga tao sa paligid niya. Kapag ayaw magtali ng buhok ay hindi talaga gagawin kahit na mukha siyang witch!" Ganoon talaga si Caress, ang apo ng mayordoma nina Lolo Guiller, na ang tawag ko ay Lola Minda. Actually, hindi naman talaga siya pangit. Pero hindi rin masasabing may hitsura. Maganda lang siyang tumindig at may hubog ang katawan. Ang the best sa kanya ay iyong pair of legs niya. Sexy ang shape, maputi at makinis. Hindi ko nga malilimutan ang ginagawa kong pagtitig sa mga legs na iyon kapag nakatalikod siya. Oo, naaaliw akong titigan ang mga binti niya. Kapag kasi ginagawa ko iyon noon ay naglalaro sa isip ko na napakaganda niyang babae.  Napabuntung-hininga ako. "Kumusta na kaya siya?" Ewan ko ba. Bakit ba bigla ko siyang naalala? Bigla akong na-excite na makita siyang muli after ten years. Hindi bale. Ilang oras na lang at makikita ko na uli siya. Malalaman ko na ang sagot sa tanong ko. UNANG araw namin sa mansion ni Lolo Guiller noong summer vacation at pumasyal kami sa Mabitac. Seven years old ako ng panahong iyon. Nang bigla kong naalala ang mayordomang si Lola Minda, na lola ni Caress. Napakabait niya sa akin. Siya ang tumatayong yaya ko kapag narito kami. Bagay na ikinatutuwa ng totoo kong yaya, na matiyagang nag-aalaga sa akin kapag nasa sarili kaming bahay sa Manila. Nakakapag-pahinga daw kasi siya sa aking kakulitan at kalikutan kapag narito kami sa probinsiya. "Lola," sabi ko na tiningala si Lola Sylvia habang buhat ako at nakaupo siya sa sofa sa living area ng mansion. "Where's Lola Minda? I want to see her." "Maybe, she's in the kitchen and busy to her work. Do you want to go there to see her, apo?" "Opo, lola. I miss her too." Tumawa sina Lolo Guiller, Daddy Zaldy, Mommy Hilda at yaya Sabel, na kasama namin ni Lola Sylvia ng sandaling iyon. "Napaka-good boy talaga ang apo ko," Lolo Guiller said. "Ganyan nga, Raim. Maging mabait ka sa kapwa mo dahil ugali natin 'yan. Sige, puntahan mo na si Minda." Mabilis akong bumaba mula sa pagkakabuhat ni Lola Sylvia. Tumingin ako kay yaya Sabel at sinabi ko na huwag na niya akong samahan. "Sabel, hayaan mo na siyang mag-isa," sabi ni daddy. "Sige, anak, puntahan mo na si Lola Minda." Masaya at nagmamadali akong pumunta sa kusina. Pero hindi ko siya nakita roon. Kaya nagtanong ako sa dalawang maid na abala sa pagluluto roon. Ang sabi nila ay baka daw pumasok sa kuwarto para puntahan si Caress. "S-si Caress po?" "Oo. May sakit kasi siya ngayon. Baka paiinumin na siya ng gamot ng lola niya." "Sige po. Pupunta na lang ako sa room ninyo. Bye po." Nagtatakbo ako papunta sa servant's quarter, na nasa dulong bahagi ng malawak na kusina. Dahil nakasarado ang pintuan niyon ay kumatok ako. "Lola Minda, are you there?" Walang sumagot mula sa loob. Napasimangot na ako. Pero muli akong kumatok at tinawag ang mayordoma. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Para akong binulaga ng batang babae, na namumutla ang mukha at namumula ang mga mata. Sobra akong nagulat sa kanya dahil nakabuhaghag ang mahabang kulot na kulot na buhok, na inakala ko ay isang aswang. Napasigaw ako. Saka nagtatakbo pabalik sa living room. Dahil nagulat sina lolo, lola, daddy at mommy at maging si yaya Sabel ay sinalubong nila ako. Labis silang nag-aalala sa akin. "Anong nangyari, apo?" "Bakit takot na takot ka, anak?" Wala akong naintindihan sa sabay-sabay nilang tanong dahil pakiramdam ko'y sasabog ang ulo ko sa tindi nang pagkagulat. Hindi rin ako halos makapagsalita habang itinuturo ang kusina, kung saan ay nasa dulo niyon ang servant's quarter -- na kinaroroonan nang nakita kong batang 'aswang'. "Anak, anong nangyari?" tanong ni mommy. "My God! Namumutla ka!" Umupo sa tabi ni mommy ang daddy ko at hinagod ang aking likod. "Calm down, Raim." Nang ituro ko muli ang bandang kusina ay tumingin din ako sa gawi roon. Naibulong ko ang pangalan ni Lola Minda nang makita ko siyang nagdudumali sa paglapit sa amin. SABAY-SABAY na tumingin sa lumapit na mayordoma sina lolo, lola, daddy, mommy at yaya Sabel. Agad siyang humingi ng paumanhin sa amin. "Ano bang nangyari, Minda?" "Don Guiller, ang apo ko po kasi ang nagbukas ng pinto ng kuwarto namin," sabi niya na tumingin sa akin. "Sir Raim, ano ho bang ginawa ni Caress at sumigaw kayo?" "S-si Caress po 'yong..?" Napakamot ako sa ulo. "May ginawa ho bang masama sa inyo ang apo ko, sir Raim?" Nahihiya akong umiling. Saka sinabing natakot ako kay Caress dahil akala ko ay isa siyang batang aswang. Ang lakas ng kanilang tawanan. "Ilang araw na ho kasing may sakit si Caress kaya medyo maputla siya at mapula ang mata." Paliwanag ng mayordoma. "Ganoon ho kasi talaga siya kapag nagkakasakit. Pasens'ya na, sir Raim, kung natakot kayo sa apo ko." Ginusot ni Lolo Guiller ang buhok ko. Pagak siyang tumawa. "Ito talagang apo. Si Caress lang pala ang katapat mo." Humingi nang paumanhin kay Lola Minda ang parents ko. Saka ako sinabihang humingi rin ng sorry kay Caress. Pero tumanggi si Lola Minda. Huwag na raw akong mag-sorry sa apo niya. Sa musmos kong isip ay nabuo ang sarili kong desisyon. Hindi ako nagpapigil sa kanila ng kusa akong bumalik sa servant's quarter at kinausap si Caress. Thank God. Nakapusod na ang buhok niya ng muli kaming nagkaharap. TUWING pumupunta kami sa Mabitac ay nagkakasama kami ni Caress. Puro paglalaro ang ginagawa namin noon at sa ilang araw naming pag-i-stay doon ay hindi kami nagsasawa sa isa't-isa. Kung tutuusin ay pareho kaming nakukulangan sa pinagsamahan namin. Kaya halos ayaw ko pang umuwi sa Manila kapag tapos na ang bakasyon. Ewan ko nga ba kung bakit naging ganoon kami ka-close ni Caress. Kahit babae siya at bata sa akin ng dalawang taon ay magkasundung-magkasundo kami. Wala kaming bagay na hindi napagkasunduan. Kung saan ako masaya ay doon din siya. Nakakatuwa na pareho kaming mababaw ang kaligayahan at sa mga simpleng bagay lang ay sulit na sa amin. Kaya tuwing nagkikita kami ay sabik na sabik kami sa isa't-isa. Naibulong ko ang pangalan ni Caress nang binabaybay ko na ang daan na sakop ng property ni Lolo Guiller. Nasa magkabilang gilid niyon ay ang malawak na palayan. Ilang sandali na lang ay mararating ko na ang mansion. Pero bago ko sapitin iyon ay dumaan ako sa niyugan. Sa mahabang lugar na iyon ay nakahilera naman ang mga puno ng niyog. Napangiti na naman ako dahil parang nakita ko roong naghahabulan kaming dalawa ni Caress. Wala talaga kaming kasawaan noon sa paulit-ulit na tayaan. "Sayang," bulong ko. "Hindi na namin magagawa ni Caress ngayon ang maghabulan sa niyugang ito." Nakadama ako nang panghihinayang. Ngayong nakapasyal uli ako sa Mabitac at makakasama si Caress ay hindi na namin magagawa ang dati. Hindi na kami puwedeng maglaro pa at maghabulan. Kunsabagay, pagkatapos namang mangyari iyong isang tagpo noon na hindi pa gaanong malinaw sa aming pareho ang totoong nangyari ay iniwasan na naming maglaro ng habulan. Tumatanggi na kasi si Caress kapag nag-aaya ako. Tapos nananahimik lang siya kapag tinatanong ko kung bakit. Caress is eleven years old then. Thirteen naman ako noon. That time ay ako ang taya kaya sa takot niyang maabutan ko ay lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Sinikap ko namang abutan siya kaya inubos ko ang lahat ng lakas para makalapit sa kanya. Nang abutan ko siya ay bigla ko siyang niyakap sa likuran kaya napatili siya. Dahil sabay kaming napatigil sa mabilis na pagtakbo ay na-out-of-balance kami kaya bumagsak kami sa damuhan. "Aray ko naman," daing ni Caress habang nakahiga kaming pareho. Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya. "Nakakainis ka, Raim. Ang sakit, ha." "Sorry, Caress," sincere kong sabi na bumangon at nag-indian sit. "Ang bilis mo kasing tumakbo. Hindi ko naman alam na babagsak tayo kapag nahuli kita. Ano bang masakit sa 'yo?" "Ang katawan ko." Bumangon siya at tuluy-tuloy na tumayo. Nakatalikod sa akin na pinagpagan niya ang suot na palda. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may bahid ng dugo sa likuran ng palda niya. Sa bandang puwet. Nakadama ako ng takot kaya hindi agad ako nakapagsalita. Naisip ko kasing nasugatan siya kaya may dugo. Tumungo ako at nag-isip kung sasabihin ko kay Caress ang tungkol doon. "Raim, may masakit ba sa 'yo? Namumutla ka." Napatingin ako sa kanya. Napalunok. Alam kong nag-alala siya kaya nagdumali sa paglapit sa akin at umupo sa tabi ko. Sinalat niya ang noo at ulo ko. "I'm okay, Caress. Walang masakit sa akin." "E, bakit namutla ka?" Napilitan akong sabihin sa kanya ang bagay na ikinatakot ko. "M-may dugo ka kasi sa likod, Caress. Nasugatan ka yata." "Huh?" Bigla siyang tumayo. Hinawakan niya ang laylayan ng suot na palda sa bandang likuran at tiningnan ang bahid ng dugo sa may puwitan niya. "M-may dugo nga." "May sugat ka?" Napalunok siya. Saka umiling. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha habang itinutupi ang bandang may bahid ng dugo. "Umuwi na tayo, Raim. Tara!" Hindi na niya ako hinintay makasagot. Malalaki ang hakbang na nauna na siya sa paglalakad pauwi. Tumayo naman ako at tinawag siya. Pero hindi niya ako nilingon kaya sumunod na lang ako sa kanya. Dahil takot talaga ako sa nangyari kay Caress ay hindi ako nagpakita kay Lola Minda. Baka kasi pagalitan ako. Kaya nagkulong ako sa kuwarto. Pero napansin ni yaya Sabel ang pagka-aburido ko kaya tinanong ako. At sinabi ko naman ang totoo. Humalakhak ang yaya ko. "Anong itinatawa mo, yaya? Natakot na nga ako pero tinawanan mo pa." "Wala naman kasing naging sugat si Caress. 'Yong dugong nakita mo sa damit niya ay simbolo na dalaga na siya. Natural lang iyon sa aming mga babae." "Po? Ano po?" "Tama na, Raim. Wala 'yon. Kalimutan mo na lang dahil okay lang si Caress. Walang masamang nangyari sa kanya kaya wala kang dapat ikatakot. Sige na, pogi kong alaga. Lumabas ka na rito sa room para ma-relax ka." "Sigurado ka po, yaya, na walang masamang nangyari kay Caress?" "Believe me and trust me." Ngumiti ako at tumango. NAPAHALAKHAK ako dahil sa alaalang iyon habang nagmamaneho pa rin. Malapit na ako dahil tanaw ko na ang mansion. Tiyak na magugulat sina Lolo Guiller at Lola Sylvia dahil hindi nila alam na darating ako. At tiyak ko na ganoon din ang magiging reaction ng lahat ng taong daratnan ko. Lalo na si Caress. "Ano kaya ang masasabi mo sa akin, Caress? Binata na ako ngayon at higit pang naging guwapo." Hoping na hindi naman ako nagmukhang mayabang. Sabi ko nga, nagsasabi lang ako ng totoo. At kung sa mga nasabi ko ay may nagturing sa aking conceited or hambog, wala na akong magagawa. May kanya-kanya naman tayong opinion at paniniwala kaya igagalang ko iyon. Basta ako, ugali ko nang sabihin ang gusto kong sabihin. Ginagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin. At masaya ako dito. Kung masasakyan mo ang mga likes and dislikes ko sa buhay, magkakasundo tayo. Ako... si Ifraim Ferrer de Guia, ang CEO ng ZRG Manufacturing Company. And you can call me Raim, for short.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD