CHAPTER 5

2011 Words
Caress' POV FOURTH year high school ng magkaroon ako ng manliligaw. Hindi ko inaasahan ang bagay na iyon dahil sa hitsura ko. Kumbaga, tumanim na sa utak ko na walang magkakagusto sa akin dahil mula pa sa pagkabata ko ay nalait na ang 'beauty' ko. Pero sa kabila pala niyon ay may magkakamali pa rin. Hindi madaling paniwalaan para sa akin. Oo. Lalo pa at isang guwapong nilalang ang tila nabulag sa ugali ko. Yaph, sa ugali ko at hindi sa hitsura ko. Tanda ba ninyo iyong guy na napag-tripan ako? Walang iba kundi si Carlos Davalos, na sabi ko nga ay even in my wildest imagination ay hindi sumagi na manunuyo pala sa akin. Iyong tipong nagayuma ko at walang tigil sa pagsunud-sunod.  Magtiyaga ba ang loko? As in. It's really sounds impossible but he did. May pagkakataong sinusundo niya ako sa labas ng de Guia's mansion. Ano pa't inihahatid din ako sa pag-uwi mula sa school namin, na hindi naman kalayuan. "Carlos, bakit ba ang kulit mo?" Minsan ay tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi galing school. "Hindi ka ba titigil sa ginagawa mong pagsundo at paghahatid sa akin?" "Hindi, Caress," walang gatol niyang sagot sa tanong ko. Sunud-sunod pa siyang umiling. "Masaya naman kasi ako sa ginagawa ko, kaya huwag mo na akong pigilan pa." "Masaya ka?" natatawa kong sabi na tiningnan siya. Talagang hindi ako makapaniwala sa nangyayari. "Aba, Carlos... nakakapagod ring maglakad. Lalo na nga kung balikan pa." "Masaya ako, Caress," sabi pa niyang ngiting-ngiti na itinuro ang sarili. "Kasi... gusto kita." Nasapo ko ang aking dibdib. Nabigla talaga ako sa pagtatapat niyang iyon. Bigla kong iniiwas ang paningin sa kanya. Gusto mo ako, Carlos? tanong ko sa aking sarili. Bakit?  Tama ba na marinig ko mula sa kanya ang bagay na ito? Naisip kong bigla na baka may plano na naman siyang kalokohan na gustong gawin sa akin. Aba, teka! hiyaw pa ng utak ko. Hindi na maganda ito. Baka makatikim na siya sa akin ng sampal at sabunot kapag nagloko siyang muli. "I'm warning you, Carlos Davalos," sabi ko na tumingin sa kanya na nanlilisik ang mga mata. "Huwag ako! Hindi na ako papayag na bastusin mo pa at may paglalagyan ka na." Bigla siyang sumeryoso. At totoong nakakagulat ang sinabi niya. Pagkatapos daw kasi nang ginawa niyang kalokohan sa akin ay ilang linggo na akong hindi nawala sa isip niya.  "Gano'n?" usal ko, na medyo duda pa rin. "Paano mo ako nagustuhan?" "Iba ka kasi, Caress," tugon niya. "Sabi ko ay hindi ka maganda pero hindi ko na naiwasang magustuhan ka..." Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang sinabi niya iyon. Biruin mo iyon? Nagustuhan ako ng isang poging katulad niya? Wow! HABANG abala ako sa pagda-dusting sa living room ng mansion ay naalala ko ang kalokohang ginawa sa akin noon ni Carlos. Totoong hindi ko inaasahang magkakagusto pala siya sa akin. Naging tapat naman siya na sa ugali ko siya na-attract. Hindi man niya sinabi pero maliwanag na hindi sa hitsura, na okay lang para sa akin. Iyon naman kasi ang katotohanan. Sa ginawa niyang kalokohan sa akin ay pinalampas ko lang kaya nabaitan daw siya sa akin. Ikinatuwa niyang walang naging usapin sa school dahil nagpatawad ako. At the end of the day, Carlos truly realized that he really like me for what I am. Bukod daw sa usig ng kanyang kunsensiya ay hindi na siya natahimik dahil sa kakaibang t***k ng puso niya. Ang nangyari nga ay kinulit na niya ako at hindi na nagsawa sa pagsunud-sunod sa akin. Hanggang sa nagkataong nakilala siya ng apo nina Don Guiller at Donya Sylvia. Si Raim, na Ifraim de Guia sa totoong pangalan! Parang biglang nayanig ang pagkatao ko dahil walang anu-ano ay naalala ko siya. "My God," bulong ko na napatigil sa pagpupunas ng alikabok gamit ang aking basahan. "Why did Efraim enter my mind?" Na-miss ko siyang bigla. I'm sure, lalo na siyang naging guwapo. Kumusta na kaya si Raim? May girlfriend na kaya siya? Gusto kong mainis sa sarili. Okay lang na si Carlos ang manggulo sa utak ko at huwag na lang sana si Raim. Affected kasi ako, sa totoo lang. I'm sure na hindi na ako matatahimik. "Si Raim," anas ko. "Apektado ako dahil iba ang damdamin ko sa kanya. Hindi ko iyon naramdaman kay Carlos, kahit nanligaw siya sa akin..." That is the truth. Raim and I are so close to each other, so, I was more affected about losing him than Carlos. At dahil nga sa closeness namin ni Raim ay nakaranas si Carlos ng pang-aasar nito, nang magkakilala sila. Ano pa't muntik na silang magsuntukan dahil sa pagkapikon sa isa't-isa. NAPATIGIL ako sa paglilinis ng alikabok sa mga muwebles sa salas. Napaupo ako sa sofa at nahulog sa pag-iisip tungkol kay Raim. "Kumusta na kaya siya?" bulong ko na nangalumbaba. Wala sa loob ko na naipatong ko ang aking mukha sa basahang nasa palad ko. "Hala! Bigla ko talaga siyang na-miss? Marami na kaya siyang niligawang babae? O baka naman... kabi-kabila ang girlfriends niya?" Napasimangot ako. Naisip ko na posible ang naiisip ko. Likas ang pagiging guwapo ng isang Ifraim de Guia kaya natural lang na habulin siya ng maraming babae. Grr! Hindi ko talaga gusto ang biglaang pagpasok ni Raim sa alaala ko. Lalo na akong nanabik sa presensiya niya. "He's in Manila," bulong ko habang nanatili sa aking posisyon. "Ang layo niya at kahit gusto kong makita ay hindi mangyayari..." Lalong nagusot ang mukha ko. Tiyak na mas humaba ang pointed lips ko. "Bakit kasi binalikan ko pa sa alaala ko ang first suitor ko?" inis na bulong ko. Tuluyan ko nang sinisi si Carlos, na ewan ba kung bakit pumasok din sa utak ko. "Erase! Erase! Erase!" Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Lola Minda kaya pinuna ako. "Ano ka d'yan, apo?" sabi niyang nameywang at umiling. "Pakiramdam mo ba'y saksakan ka ng ganda at nakaupo ka pa sa mamahaling sofang iyan? Aba, Caress, nakakahiya naman kung makita ka d'yan nina Don Guiller." Bigla akong napatayo. "Sorry po, lola!" Pandalas kong pinunasan ang ibabaw ng inupuang sofa. Patuloy akong nag-sorry sa lola kong mayordoma, na super-bait at mapagmahal. "Ano bang iniisip mo?" tanong pa niya. "Pabulung-bulong ka pa. At iyang basahan mong gamit sa pagpupunas ng alikabok ay diyan mo ipinatong ang mukha mo. Naku! Puro alikabok na rin iyang maganda mong mukha." Napatawa ako. "Maganda talaga, lola? Thank you." Napatawa rin si lola. "Biro lang." Sabay kaming tumawa ng malakas. Pagkuwa'y muli siyang nagtanong kung ano ang naisip ko. Dahil wala naman akong inililihim sa kanya ay sinabi ko ang totoo. "Kumusta na kaya siya?" tanong ni Lola Minda. Bigla siyang naging seryoso. "Bigla ko ring na-miss ang batang 'yon." "Hindi na po siya bata, lola," sabi ko na napatingin sa malayo. Napangiti ako. "Tingin ko po ay super-guwapo na siyang binata..." Hindi ko naiwasang kiligin dahil tuluyan na siyang naglaro sa isip ko. Parang personal ko siyang nakita ngayong mature na at taglay ang kahanga-hanga hitsura. "Ang tagal na niyang hindi pumasyal dito sa Mabitac," sabi ni Lola Minda. "Siguro ay may sampung taon na rin." "Baka po, lola," tugon ko na tumingin sa kanya. "I'm twenty-five years old now at siya siguro ay twenty seven na. Two years po ang age gap naming dalawa. At bagay po kami sa isa't-isa." Sinundan ko ng hagikhik ang sinabi ko. Kinilig ako. Parang nakita ko sa isip ang sarili ko, na nakatabi kay Raim. OMG! While Raim was very formal in his americana suit and very handsome, I was in a Kikay-like pose wearing the uniform of a housemaid. Nanlaki ang mga mata ko. Nasapo ko ang aking bibig. "Ang sagwa!" "Ang alin, apo?" Napatingin ako kay lola na tila iiyak. Sinabi ko ang nakita ko sa aking isip.  Tumawa siya. "Hindi kayo bagay ni Raim, Caress," sabi niya. Umiling pa. "Huwag mo na siyang pangarapin. Alangan kayo sa isa't-isa." Parang gusto kong mainis kay lola. Hindi man lang ako sinuportahan sa imagination ko. Kahit man lang sana sa pangarap ay sinabi niyang bagay kami ni Raim. Natuwa sana ako kahit alam ko na biro lang iyon. Pero kung sabagay, nagsabi lang naman siya ng totoo. Ang sagwa naman talaga kung magiging partner kami ni Raim. Imagine, he was a CEO of a prominent company while I was just a housemaid. Hello! Sa isang movie lang o teleserye puwedeng mangyayari iyon! Iyon lang iyon, Caress, sabi ng isip ko. Kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon. Hindi talaga kayo bagay ni Raim! "HOY!" pukaw sa akin ni Lolo Minda ng matigilan ako dahil sa pag-iisip. "Ano na, Caress? Natigilan ka na naman d'yan." "Lola..?" anas ko saka bumuntonghininga. Bakit po kasi hindi ako ipinanganak na maganda? Kahit po sana katulong lang ako kung beauty naman ay hindi na rin alangan kay Raim. "Tama na nga 'yang pangangarap mo ng gising, apo," sabi ni Lola Minda na umiiling. Hinawakan pa niya ako sa braso. "Huwag mong kawawain ang sarili mo. Huwag ka ng umaasam sa hindi puwedeng mangyari." "Lola, naman, eh," angil ko. "Pero malay pa rin po naman natin? Baka po may himala!" "Asus! Umasa ba?" "Baka nalimutan n'yo, lola. May nagkagusto rin po sa aking guwapo noon. When I was in fourth year high school ay manligaw po sa akin si Carlos. Didn't you remember that, lola?" "Ay, iyong isa mong naging manliligaw," natatawa niyang sabi. "Iyong ni hindi nakapasok sa barukan nitong mansion." "Huwag n'yo nga pong tawanan si Carlos. Siya nga lang po ang nabulag ko, lola." "Nabulag mo pero muling nakakita ng maayos. Kaya iyon, ni hindi na muling pumasyal dito dahil natauhan na. Tuluyan nang nagtago at hindi nagpakita sa 'yo." "Sa Manila na po kasi nag-aral ng college si Carlos," sabi ko. Iyon ang totoo, na nabalitaan ko sa isa pang classmate namin na close friend ko. "Nag-working student po siya at tumira daw sa isa niyang tiyuhin. At ang huling balita ko po ay nagwu-work na siya." "Talaga? Mabuti naman kung nakatapos siya ng pag-aaral. Baka nga isa na siyang professional ngayon. Magaling." "Oo nga po, lola. Sayang nga po at hindi agad ako nag-aral sa college. Sana po ay professional na rin ako." "Ikaw kasi, apo. Nagpatumpik-tumpik ka pa. Sana ay isa ka na ngayong teacher." "Pasensiya na po, lola. Nahiya po kasi akong magsabi agad kina Don Guiller noon. Willing naman po pala silang magbigay sa akin ng scholarship." "Pero hayaan mo na, Caress. Ngayon naman ay second year ka na sa kurso mo. Tiyaga ka lang para makatapos ka rin sa pag-aaral mo." "Oo, naman po, lola. Para kahit po ganito ako ay may maipagmamalaki ako in the future." Nag-thumb's up si Lola Minda. "Goodluck, apo." Tumango ako. Pagkuwa'y muling nabuksan ang naudlot naming usapan tungkol kay Carlos.  "Batang pag-ibig lang iyong naramdaman niya sa 'yo, apo. Wala iyon. Parang laro lang. Walang halaga!" "Pero, lola... paano po kaya kung nahulog din ang loob sa akin ni Raim?" "Caress, huwag kang magagalit sa akin. Pero ang totoo ay parang sumusungkit ka ng buwan kung papangarapin mo si Raim." "Kakampi ko po ba talaga kayo, lola? O kaaway? Masyado n'yo na po akong ini-small." Nang sumimangot ako ay niyakap ako ni Lola Minda. Pagkatapos niyang mag-sorry ay sinuyo ako. Seryoso siyang nagpaliwanag sa akin na huwag na akong mag-isip ng bagay na alam ko namang mabibigo lang ako. At naunawaan ko naman siya. Talagang concern lang siya sa akin dahil ayaw niya akong masaktan sa bandang huli. Nagpasalamat ako sa kanya. Masuyo ko rin siyang niyakap. Talagang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. "Just a simple imagination lang naman po iyon, lola," sabi ko nang kinalas ang pagkakayakap sa kanya. "Huwag n'yo na pong isipin." "Sige, apo," ani Lolo Minda. "Basta trabaho lang, ha. Magsipag ka para tuloy lang ang schorlarship mo kina Don Guiller para makatapos ka ng pag-aaral." "Opo, lola," tugon ko sa kanya. "Salamat po sa reminders. Pagbubutihin ko po ang studies para maging teacher ako in the future." "Good," sabi niyang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD