Caress' POV
BAGSAK ang mga balikat na ipinagpatuloy ko na ang paglilinis sa salas ng de Guia's mansion nang iniwan na ako ni Lola Minda. Sinikap kong kalimutan ang isipin tungkol kay Raim. Pero ewan ko ba at hindi ito maalis sa aking isip.
Raim, get out of my mind, hiyaw ng isip-isip ko habang takip ng dalawa kong kamay ang mga teynga. Patahimikin mo ako, utang na loob.
Tumirik ang mga mata ko. Saka ibinagsak ang mga kamay. Pagkuwa'y sumimangot. Inis na inis talaga ako sa aking sarili.
"Nabisto pa tuloy ako ni lola, na pinapantasya ang Raim na 'yon. Nakakahiya. Kung bakit naman kasi pumasok pa siya sa isip ko..."
Naalala ko ang ugat kung bakit pumasok sa isip ko si Raim. At iyon ay dahil sa nag-iisa kong naging manliligaw.
Carlos Davalos, sa isip-isip ko. Ikaw ang may kasalanan nito. Bigla kong naalala si Raim dahil sa 'yo.
Pumikit ako. "Ayokong isipin si Raim dahil baka lalo ko lang siyang maalala. Ang dami kasi naming memories ng lalaking 'yon..."
Biglang kong naidilat ang mga mata. Para akong gaga na biglang napangiti. Ang lalaki kasing ayaw ko na sanang isipin ay lalo pang ginulo ang isip ko. Ano pa't naglaro na sa alaala ko ang maraming masasayang sandali sa buhay naming dalawa, na mula pa sa pagkabata namin.
Imagine, nakasama ko siya hanggang sa nagdalagita ako at binatilyo siya. At ang huling pagbisita nga nila dito sa Mabitac ay noong muntik na silang magsuntukan ni Carlos.
Napatawa ako at napailing.
"Ang loko mo kasi, Raim," bulong ko. "Asarin mo ba naman si Carlos? Sino ba namang hindi mapipikon?"
Dahil hindi na naman ako nakapaglinis sa salas dahil sa pag-iisip ay nilapitan na naman ako ni Lola Minda. Muli siyang nagpa-alala sa akin.
"Apo, baka magising na sina Don Guiller at bumaba. Nakakahiyang makita ka nilang hindi pa tapos sa paglilinis dito. May patio ka pang lilinisin... baka nalilimutan mo!"
"Okay lang po ako, lola. Don't worry, malilinis ko po ang lahat ng dapat kong linisin. Salamat po sa paalala."
"Sigurado ka ba, Caress?"
"Opo, lola. Araw-araw ko naman po itong ginagawa kaya sanay na ako. Mani lang ang trabahong ito para sa akin."
"Kasi, naman," sabi ni Lola Minda na hinagod ako ng tingin. "Ngayon lang kita nakitang ganyan, apo. Sanay ako na kapag kumilos ka ay seryoso. Hindi matigil-tigil. Pero ngayon nga..."
Hinagod akong muli ng tingin ni Lola Minda.
"Iba ka, eh. Tapatin mo nga ako... ginugulo ba ang isip mo ni Raim?"
Napakamot ako sa leeg.
"Ano bang pumasok sa isip mo, Caress? Bakit ba naisip mo ngayon si Raim?"
"Ewan nga po, lola. Ang totoo po ay si Carlos ang una kong naisip. Kaso po, nagbalik sa alaala ko iyong suntukang muntik ng mamagitan sa kanilang dalawa. So, ayon po. Si Raim na ang naglaro sa isip ko."
Tumaltsak si Lola Minda saka umiling.
"Lola," pabuntonghininga kong sabi. "Ang dami po naming memories ni Raim. At hanggang ngayon po ay hindi ko iyon nalilimutan."
"Totoo iyan, apo. Bata pa kayo si Raim ay lagi na kayong magkasama kapag nagbabakasyon sila rito sa Mabitac..."
Napatawa si Lola Minda.
"Ang malala at hinding-hindi ko malilimutan ay iyong natakot siya sa 'yo."
Napatawa rin ako. "Mapagkamalan po ba naman akong batang aswang!"
Lumakas ang naging tawanan namin ni lola. Nauwi na nga ang kuwentuhan namin tungkol sa nakakatuwang nakaraan sa buhay namin ni Raim.
"ALAM mo po ba, lola, kung bakit muntik ng magsuntulan noon sina Raim at Carlos," sabi ko kay Lola Minda ng tuluyan na kaming nagkuwentuhan habang nakaupo sa baitang ng hagdanan ng mansion.
Napangiti si Lola Minda. "Bakit nga ba, Caress? Hindi ko alam ang bagay na iyan."
"Para po kasing nagselos si Raim kay Carlos!"
"Nagselos?"
"Siguro po," mabilis kong tugon kay lola. Alam ko kasing hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. "Ewan ko, lola. Pero parang ganoon po, eh."
Tumangu-tango siya. "Dahil kaibigan ang turing niya sa 'yo, apo. Kumbaga, ayaw niyang maagawan ng kalaro."
"Siguro po," tugon ko na nagkibit ng balikat. "Kasi po ng makita niyang kausap ko si Carlos ay agad niyang sinita..."
Napangiti ako. Parang nakita kong muli ang senaryong iyon. Iyong tipong maririnig ko muli ang usapan ng dalawang lalaking nag-aasaran.
Noong araw kasing iyon ay bakasyon na at walang pasok sa school. Pareho na kaming graduate ng high school ni Carlos. Actually, newly graduate kami at isang buwan palang ang nakakaraan.
Siguro ay na-miss ako ni Carlos kaya pinasyalan ako. Tinawag ako ni mang Turing, iyong dating security guard na ngayon ay patay na. Aksidente sa motor ang ikinamatay niya. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.
So, iyon nga. Dahil close si Carlos kay mang Turing dahil magkapitbahay sila ay tinawag ako sa mansion. Ako namang si girl na na-miss rin ang dating clasamate ay agad na pumunta. Masaya akong nakipag-kuwento sa gilid ng gate.
Nang bigla na lang dumating si Raim. Nagulat nga kaming dalawa ni Carlos dahil halatang galit siya.
"Apo, anong bungad ni Raim," tanong ni lola ng tumigil ako sa pagkukuwento. Obvious na sabik siyang malaman ang nangyari noong panahong iyon. "Ano ang sabi niya sa inyo ni Carlos?"
Dahil nakita ko ang reaction ni Lola Minda ay tuluy-tuloy na akong nagkuwento sa kanya. Seryoso namang siyang nakinig na ngiting-ngiti.
"ANG sarap ng kuwento ninyo," bungad ni Raim ng makita kaming dalawa ni Carlos na masayang nagkukuwentuhan sa labas ng gate ng de Guia's mansion. "Ginawa pa ninyong parke ang lugar na ito."
"Sir Raim," bulalas kong nagulat talaga. Hindi ko inaasahang darating siya sa kinaroroonan namin ni Carlos. Noong sinundo kasi ako ni mang Turing ay nasa kuwarto siya. "Si Carlos po. Kaibigan ko."
"Magandang umaga, sir Raim," sabi ni Carlos na bahagya pang yumukod. "Pasensiya na po."
"Alam mo, Caress... huwag ka namang magpapunta rito ng kaibigan mo, kung hindi rin lang kasing guwapo ko."
Napakamot ako sa batok. Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot kay Raim.
Mamula ba? sa isip-isip ko. Hindi nga direkta pero parang sinabihan mo na ring pangit si Carlos, sir Raim.
"Hindi naman ako pangit," sagot ni Carlos kay Raim. "Huwag kang mamula. Porke ba mayaman ka ay ganyan ka na?"
"Hindi ko naman sinabing pangit ka. Inamin mo lang ang totoo."
"Sir Raim, huwag ka pong mang-away. Mabait naman po si Carlos."
"Mas mabait pa ba kesa sa akin ang Carlos na ito, Caress?"
"Hindi naman po..."
"Dapat hindi ka nakikipag-kaibigan sa kanya."
"Pero--"
"Nililigawan ko si Caress," pag-amin ni Carlos. "Gusto ko siya!"
"Nanliligaw ka?" gulat na sabi ni Raim na sa akin tumingin. "Manliligaw mo pala ito, Caress?"
"Sir," anas kong nasapo ang sariling dibdib. Ramdam ko na namula ang aking mukha dahil nag-init ito. Lekat ka Carlos. Aminin pa bang manliligaw ko siya?
"Ang galing mo namang manligaw, lover boy," nakaka-insulto pang sabi ni Raim ng muling tumingin kay Carlos. Pagak pa itong tumawa. "Biruin mong ang aga-aga at dito pa sa labas ng gate..."
"Sir, sorry po," sabi ko kay Raim na gustong-gusto ko ng hilahin paalis sa lugar na iyon para maiwan na si Carlos. "Tayo na po sa loob. Hayaan n'yo na po si Carlos dito. Halika na po, sir Raim."
"Wala kang pakialam sa amin ni Caress," ani Carlos. Bagay na ikinainis ko dahil nagawa pa niyang magsalita ng ganoon. "Dito kami mag-uusap kung gusto namin."
Sinaway ko siya sa paglalapat ng aking isang daliri sa tapat ng labi. Pero parang hindi niya naunawaan at tuloy-tuloy na nagsalita.
"Hindi porke ikaw ang may-ari ng lupaing ito ay pipigilan mo na kami ni Caress. May karapatan din kami bilang tao."
"Ang kapal din naman ng mukha mo," sabi ni Raim na halatang galit na. "Magsalita ka ba ng ganyan sa harap ko? Hoy, Carlos, wala ka talagang karapatan nito dahil pag-aari ng lolo ko ang lupaing ito."
"Carlos, tama na," mangiyak-ngiyak kong sabi. "Umuwi ka na. Please. Umalis ka na."
"Huwag kang matakot sa mokong na Raim na ito, Caress. Hindi siya uobra sa akin. Banatan ko na ito, eh."
"Huwag!" Napasigaw ako ng makita kong susuntukin sana ni Raim si Carlos. Humarang agad ako sa gitna nila. "Sir Raim, maawa po kayo kay Carlos. Huwag na po kayong mag-away. Please."
"Mayabang ang manliligaw mong iyan, Caress," sigaw niyang dinuro si Carlos. "Akala mo ay kung sino."
"Mas mayabang ka, Raim," sigaw naman ni Carlos na dinuro din si Raim. "Baka akala mo ay natatakot ako sa 'yo. Hindi porke mayaman ka ay hindi kita papatulan."
"Carlos, ano ba?" sigaw ko sa kanya. Tumulo na ang luha ko dahil sa takot sa gulong ginagawa nila. "Tumigil ka na. Umuwi ka na."
"Mayabang talaga ang Carlos na ito," sabi ni Raim na pumormang manununtok na naman. "Uupakan ko na 'yan."
"Sir Raim, huwag po!"
"Sige," sigaw ni Carlos na umaktong manununtok din. "Lumapit ka lang at tatamaan ka na sa akin, Raim."
Noon lumapit sa amin si mang Turing. "Ano mang mangyayari dito, Caress?"
"Mang Turing, nag-aaway po sila," sagot ko na pinalis ang aking mga luha. "Please po, awatin ninyo sila."
Inawat nga nito sina Raim at Carlos. Pinauwi na nito ang aking kaklase. Pag-alis nito ay humingi ng pasensiya sa apo ng aming amo habang hinagod-hagod pa nito ang likod.
"Halika na po, sir Raim," anyaya ko sa kanya. "Sorry po."
"Huwag mo na ngang papupuntahin dito ang Carlos na iyon," tugon niya sa akin na nauna nang umalis. "Ang yabang!"
Mabilis akong sumunod sa kanya na patuloy na humingi ng pasensiya. Hindi naman siya umimik hanggang sa makauwi kami sa mansion. Dumiretso siya sa itaas at nagkulong sa kanyang kuwarto.
"CARESS, apo, hindi ko talaga alam iyang bagay na iyan," sabi ni Lola Minda na napakamot sa leeg. "May ganyan palang nangyari noon?"
"Opo, lola. Hindi ko na lang po ipinaalam sa inyo kasi baka pagalitan n'yo pa po ako."
"Para ngang magselos si Raim ng panahong iyon, ano? Parang hindi niya gustong magkaroon ka ng ibang kaibigan."
"Iyon nga rin po ang naisip ko. Nagalit po siya kay Carlos lalo na noong nalaman niyang nanliligaw siya sa akin."
"May nabanggit ba si Raim tungkol diyan, apo? Paano nga pala kayo nagkabati pagkatapos ng away nila ni Carlos?"
Nakangiti akong tumingin sa kawalan. Ibinalik ko sa isip ang mga sumunod pang nangyari ng panahong iyon.
Bale ba ay si Raim din ang unang bumati sa akin pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Talagang nilapitan niya ako at inaya sa hardin ng mansion.
"Nag-sorry po siya sa akin, lola. Pasensiya daw po ako at inaway niya si Carlos."
"Nakakatuwa si Raim. Ano pa ang natatandaan mo sa sinabi niya sa 'yo, Caress?"
"Ang sabi po niya... layuan ko na si Carlos dahil hindk niya gusto para sa akin. Bata pa daw po ako para magpaligaw."
"Naku, naman," natatawang sabi ni lola. "Mukhang selos nga si Raim. Parang gusto kong isipin na may lihim ding pagkagusto siya sa 'yo."
"Ang sabi po niya, lola... pag-aaral daw muna ang harapin ko at hindi ang pag-ibig. Darating daw po ang tamang panahon para dito."
"Sinabi niya iyon, apo?"
"Hindi ko po nalimutan ang sinabi niyang iyon, lola. At ang totoo po... iyon ang naging simula ng paghanga ko kay Raim. Nagkaroon na po ako ng estrangherong damdamin sa kanya, na hindi ko po naramdaman kay Carlos."
"Dalagita ka na ng panahong iyon, apo. Natural na humanga ka na nga at nag-ukol ng batang pag-ibig."
"Pero nawala rin po ang damdamin kong iyon kay Raim mula ng hindi na sila nagbakasyon nito sa Mabitac. May time lang po na naaalala ko siya at ang maraming memories namin noon."
"Tulad kanina," sabi ni Lola Minda na tuwid na tumingin sa mga mata ko. "Si Raim ang laman ng isip. Nami-miss mo siya. Tama?"
"Opo, lola. At... parang gustong-gusto ko po siyang makita muli. Gusto ko po ngayon na muli siyang makasama rito..."
"Pero hindi na siguro mangyayari pa iyon, apo. Mukhang hindi na talaga papasyal dito sa Mabitac ang pamilya niya."
Sobra akong nalungkot dahil sa sinabing iyon ni Lola Minda.