CHAPTER 7

2003 Words
Caress' POV NANG iniwanan na ako ni Lola Minda ay sinikap ko talagang mabura na sa isip ko ang dalawang lalaking naging bahagi ng buhay ko. Nagpaka-abala na ako sa paglilinis sa patio ng mansion. Isa pa ay isinuot ko na ang earphone ng aking cellphone para malibang sa makikinig ng magandang music. Dahil dito ay ginanahan ako sa pagda-dusting at hindi ko naiwasang sumayaw. Totoong nag-enjoy na ako sa ginagawa ko kaya wala na akong pakialam sa paligid. "Yes, Caress Alberto," sabi ko sa sarili. Natuwa na talaga ako dahil nawala na sa isip ko sina Raim at Carlos. "Enjoy your life. Magsaya ka lang!" May pagkakataong sinasabayan ko ang lyrics na aking alam kaya siguradong napapatingin ang mga kasama ko sa bahay na nakakarinig sa aking pagkanta. Ano pa't nakikita ang masaya at ganado kong pag-indak. But anyways, sanay na naman sila sa akin kaya hindi na nila ako pinapansin pa. Normal na sa loob at labas ng de Guia's mansion ang pagiging galawgaw ko. "Wow!" Dahil nakatalikod ako ay hindi ko nakita ang dumating na bisita. Sige pa rin ako sa pagsayaw na sabay sa naririnig kong music. Nakataas pa ang kamay ko na may hawak na basahan. "What a sexy pair of legs." Nakalapit na sa likuran ko ang bagong dating pero wala pa rin akong kaalam-alam. Nakangiti na pala siyang patuloy akong pinapanood habang nakahalukipkip. Iyon bang tipong naaaliw talaga sa nakikita ng kanyang mga mata. "Who's she? A new maid?" "Yes!" sigaw ko sabay pihit ng aking katawan. "My God!" Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla nang tumambad sa harap ko ang nilalang na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala. Agad na namula ang mukha ko sa malaking kahihiyan. "H-hello po," sabi ko na bahagyang yumukod bilang paggalang. "Pasens'ya na po, sir." Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sunud-sunod niyang paglunok habang namimilog ang mga mata. In his facial expression ay hindi maikakaila na tila nadismaya siya. Sigurado akong may inaasahan siyang makikita sa pagharap ko - na hindi nangyari. Gusto kong maghimutok. Hindi ko pa naririnig ang katotohanan ay buo na sa utak ko ang nasa isip niya. Malimit kasing nangyayari ang ganito. Iyong akala ng mga nakakakita sa akin ay maganda ako kasi iyon ang nakikita nila sa likod. Pero sa bigla kong pagharap ay nadidismaya dahil wala pala silang makikitang magandang mukha.  Boom!  Same old story! Mas gugustuhin na uli ng nilalang na nakakita sa aking mukha, na manatili na lamang akong nakatalikod.  "Hello po," anas ko. Atubili akong ngumiti dahil may nakita akong kakaiba sa facial expression ng lalaking ito. Sino pa siya? In fairness, napaka-guwapo niya. Parang bigla akong naasiwa sa estrangherong kaharap ko. Kasi naman ay hinagod pa niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa. Saka ibinalik ang mga mata at tumitig na naman sa mukha ko. "S-sir..?" anas ko. "Bakit po?" "Caress?" Sa wakas ay nasabi niya. "You're Caress, right?" Biglang nagliwanag sa utak ko kung sino ang taong kaharap ko ngayon. Muntik na akong mapasigaw sa sobrang katuwaan. "Ifraim de Guia? Yes, you're Raim. Sir Raim, kumusta na po?" Napatitig ako sa mukha ng nilalang na kaharap ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Oh, my God! hiyaw ng utak ko. Ang guwapo niya. Petmalu ang kaguwapuhan! "Hello," masigla ang boses na sabi niya. "How are you, Caress?" "I'm okay po, sir Raim. Kailan pa po kayo dito sa Mabitac?" "Just right now. Kararating ko lang." Nasapo ko ang aking dibdib. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig. Totoo ba ito? Si Ifraim de Guia nga ba ang nasa harapan ko? Hindi sana ito isang panaginip lang. Hindi! Ayoko! "Kumusta ka na, friend?" "A-ako po?" tanong ko na itinuro pa ang aking sarili. Ngiting-ngiti siyang tumango. "I'm fine. Okay lang po, sir Raim. Ito pa rin po ako." "My friend," anas niya na hindi maitatanggi ang kaligayahan. Bagay na talaga namang ikinatuwa ko. Imagine that? Naging masaya siya sa pagkikita naming muli. "Caress, I'm so glad that we met again." Wow! In fairness, kilala pa rin niya ako at itinuturing niya akong friend. Sa sobrang tuwa ko ay inalis ko ang pagkakapusod ng buhok ko. Just to show him na ako nga si Caress, ang kaibigan niya dito sa Mabitac.  Para namang bilanggong matagal nang sabik makalaya ang kinky hair ko na agad bumuhaghag. Napahagikhik ako nang mapa-'ow!' si Raim, kasabay ang panlalaki ng mga mata. "I'm your friend. Caress Alberto at your service, sir. Lumaki na ako pero hindi pa rin gumanda. And still, proud sa aking kinky hair, na hindi ko pa nakikita sa ibang girl." "Yaph!" sabi niyang tumawa ng mahina. "You're still Caress na kaibigan ko noon. Paano ko ba malilimutan ang buhok mong 'yan na tumakot sa akin noon?" Napahagikhik ako nang maalala ang pangyayaring iyon. Pagkamalan ba akong aswang? Kahit bata pa ako nang maganap iyon ay hindi nawala sa memory ko. And as a result, hindi ko na rin nalimutan ang lalaking nasa harapan ko ngayon, na saksakan ng guwapo. As in. OMG! Kinikilig talaga ako. Para akong may kaharap na artista. Na-starstruck ako! Pero sinikap ko na maging casual sa harap niya. I still act normally at ipakikita ko kung ano talaga ako. "Aba! Kung hindi dahil sa curly and kinky hair kong ito ay hindi tayo magiging friends and close, 'di ba, sir Raim?" "Correct," sagot niyang nag-thumb's up pa. "Kaya naman ipinagmamalaki ko ito dahil kung wala ang buhok na ito ay walang Caress Alberto sa mundo. Particular na dito sa Mabitac." "That's right, Caress," tugon ni Raim. "Pero puwede bang ipusod mo na uli 'yang hair mo? Mas maganda kang tingnan kapag hindi nakabuhaghag 'yan." "Maganda? Ako?" tanong ko saka umiling. "That's a lie, sir." Humalakhak siya. Saka napakamot sa batok. "Hindi ka nga siguro naniniwala pero para sa akin ay hindi ka pangit. Really." "Talaga po, sir Raim? Wow! Thank you." Itinuro niya ako. "I like you, Caress. Really!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. He likes me? Totoo bang sinabi niya iyon o naisip ko lang? My God... my God! Parang gusto kong himatayin. Kung totoo iyon, paanong nagustuhan ako ng isang gaya ni Raim? Addict ba siya? O wala sa sarili? Hello! Puwede bang pakilinaw? Paki-explain naman. Please! "Para sa akin ay iba ka, Caress," sabi niya na parang narinig ang sigaw ng utak ko. "I really like you, friend. Ang tagal nating hindi nagkita at nagkausap pero parang walang nagbago." "What do you mean, sir?" pigil ang kilig na tanong ko. My God! Sobrang ganda ng umaga ko. Really! "It's amazing," tumango pang sabi ni Raim. "Iyon bang tipong parang kahapon lang iyong huling visit ko rito. At kahapon ay maghapon tayong magkasama, na wala kang ibinigay sa akin kundi kasiyahan. I love it. I enjoy it." "Ah," sabi kong napatango. "'Gusto mo akong kaibigan dahil iba ako. As in pinasasaya kita. Gano'n?" "Exactly. You got my point, Caress. Parang na-miss kita. Pa-hug nga." Nanlaki na lang ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang yakapin niya ako. Haiz! Sobra na akong kinikilig. Ang suwerte naman ng umaga kong ito. Sige lang po, sir Raim, sigaw ng utak ko. Hug mo lang ako. Higpitan mo pa more! Nakagat ko ang pang-ibabang labi kasabay ang pagpikit ng aking mga mata. Pakiramdam ko kasi ay unti-unti na akong umaangat sa kinatatayuan ko. Pero aktong yayakap na sana ako sa kanya ay bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw. "Caress!" Awtomatik na naidilat ko ang aking mga mata. Nakita ko si Lola Minda na nagdudumali sa paglapit. Kasabay ng pagbanggit ko sa pangalan niya ay bumitiw sa pagkakayakap sa akin si Raim. Bigla siyang lumingon. Mas lumuwang pa ang kanyang pagkakangiti. Alam ko na agad niyang nakilala ang lola ko, na tingin ko ay hindi pa rin namukhaan ang bisita. "Good morning, Lola Minda," magalang na sabi ni Raim. "How are you?" "Sino ba ang hinayupak na ito, Caress? Bakit hinahayaan mong yakapin ka?" "Lola," sambit ko dahil hindi man lang niya pinansin si Raim at sa akin galit na tumingin. "S-si sir Raim po. Lola, siya po ang apo nina Don Guiller..." "R-Raim..?" anas ni Lola Minda na humarap sa bisita. "Raim ba 'ika mo? Si Ifraim de Guia?" "Opo, lola. Siya nga po." Tiningala niya si Raim. Bahagya pa siyang tumingkayad at tinitigan ang mukha nito. Lalong dumami ang gatla ni Lola Minda sa noo. Talagang kinilala niya ang bisitang hindi namin inaasahang darating. "Lola Minda, you didn't recognized me? Ako si Raim. The grandson of Don Guiller and Donya Sylvia." "Ay, lekat ka," mahinang hinampas ni Lola Minda si Raim sa braso. Humagikhik. "Ano'ng guwapo mong bata ka. Aba! Para kang artista, iho. Kumusta na?" "I'm fine, Lola Minda. And happy."  Nilingon ako ni Raim at nginitian. Ngumiti rin ako. Lalo akong naaliw sa kanya nang marinig ko ang sinabi kay Lola Minda matapos muling tumingin dito. "Masaya ako dahil nakita ko uli kayo ni Caress." Naman? Nagsasabi kaya ng totoo ang Raim na ito? Masaya daw siya at muli kaming nakita ni Lola Minda? Ang saya naman! sa isip-isip ko. Well, mukha namang sincere siya! "Naku, naman," sabi ni lola na hinagod-hagod ang braso ni Raim. "Nakakatuwa ka, Raim. Ang sarap pakinggan nang sinabi mo, iho. Siyempre, masayang-masaya rin kami ni Caress na nakita ka ngayon..." Imagine? Kanina ay bigla siyang pumasok sa isip ko at nahirapan nga akong burahin ang mga memories namin together. Ito pala ang rason. My goodness! Darating pala siya ngayon. At ito na nga. Nasa harap na namin ni lola at masayang-masaya. "Pero, teka," sansala ni lola. "Alam ba ng lolo at lola mo na narito ka na? Wala silang nabanggit na darating ka ngayon." Umiling siya. "Hindi pa. Actually, they have no idea that I'm coming here today. Biglaan ang pagpunta ko rito because of personal matter." Surprise visit, sa isip-isip ko. My God! Surprise talaga ito. At sobra kaming natuwa ni lola. Fortunately, it happened. Bumuntonghininga si Lola Minda. Ang sabi niya, "Nainis ako kanina. Akala ko ay kung sino ang nakayakap kay Caress. Agad na pumasok sa utak ko na kumikirengkeng na itong apo ko." "Lola," inis kong sabi kay lola. 'Kumikirengkeng' daw? "The word!" Napatawa si Raim. Tinapik niya ako sa balikat. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko tuloy ay isa ako sa kaibigan niyang lalaki na tinapik at sinabing 'okay lang iyon'. Hindi naman ako nasaktan pero nahaplos ko ang balikat na tinapik niya. "Pasens'ya na, Raim," sabi ni Lola Minda. "Mali ang naisip ko tungkol kay Caress. Hindi ganyang klaseng babae ang apo ko. Mabait siya. Disente. Ngayon ko lang kasi nakita na may lalaking nakayakap sa kanya kaya nakapagsalita ako ng gano'n ngayon." "Caress, sorry," sabi niyang humarap sa akin. "Dahil sa akin ay napag-isipan ka ng masama ni Lola Minda. Pero wala sa akin 'yon. It was just a hug from a friend who missed you." Okay lang, Raim, sigaw ng utak ko. I really like your hug. Sayang nga, e. Bitin! Lihim akong natawa sa sarili ko dahil sa kapilyahang naisip ko. I really wish na sana'y maulit pa ang yakap niyang iyon. "It's okay, sir Raim," kaswal kong sabi. "Wala 'yon. Maliit na bagay." "Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na yakapin si Caress, lola," sabi niyang kay Lola Minda naman tumingin. "Nang makita ko siya ay bigla ko siyang na-miss." Minabuti kong manahimik dahil ang totoo'y sobra akong matutuwa sa mga naririnig ko. Nakaka-proud naman. Isa ba namang Ifraim de Guia ang naririnig kong nagsasalita ng ganito. Sino ba ako? I really felt so special. Bongga! "Nakakatuwa naman, Raim," Lola Minda said. "Biruin mong hindi mo pa rin nalilimutan ang kaibigan mo dito sa Mabitac, kahit matagal na panahon ka ring hindi nakapasyal dito." Tumingin sa akin si Lola Minda.  "Apo," aniya. "Hindi ka ba natutuwa at itinuring ka talaga ni Raim na kaibigan? Hindi ka niya nakalimutan, Caress." Kung nararamdaman mo lang po ang nararamdaman ko ngayon, lola!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD