Caress' POV
"SINO po ba ang makakalimot sa face na 'to, lola?" Ito ang itinugon ko kay Lola Minda. Sinundan ko pa ito ng mahinang pagtawa. "Plus my hair na totong kinatakutan noon ni sir Raim."
Nagkatawanan kaming tatlo.
"But seriously speaking," pagdaka'y sabi ni Raim. "Habang nagda-drive ako going here in the mansion at napadaan sa mga lugar dito ay nag-flashback sa isip ko ang mga memory namin ni Caress. We've almost explored every corner of grandpa's property because of our tireless chase!"
Sobra akong natuwa dahil hindi pa rin niya nalilimutan ang mga bagay na iyon. Hindi ko tuloy naiwasang sariwain sa isip ang masasayang alaala namin noon.
"Sir Raim, kaya mo pa kayang tumakbo sa niyugan?" tanong ko na nag-uumapaw sa dibdib ang kasiyahan. "O baybayin ang mga pilapil ng palayan na hindi ka mahuhulog?"
"We will see," tugon niyang kumindat. "One of these days ay aayain kita roon, Caress. Hindi puwedeng tumanggi."
OMG! sigaw ng utak ko. Kindatan ba ako? Raim, kita ko 'yon. Ano ang ibig sabihin ng kindat na iyon?
Na-excite ako. Sobra. Para tuloy gusto ko nang magkasama na kami ni Raim sa pagpunta sa niyugan at palayan ng lolo niya.
"Yes, sir," masigla kong tugon sa kanya. "Wala pong problema. Willing na willing po akong sumama sa inyo."
"Thank you. Papasyalan natin ang buong lugar, Caress. Babalikan natin iyong mga alaala natin." Tumawa pa si Raim. "Iyong mga kalokohan nating dalawa noon."
"No problem, sir Raim. It's my pleasure."
"Good."
"Sir Raim," sansala ni Lola Minda sa aming usapan. "Ang mabuti pa ay umakyat ka na muna sa kuwarto at magpahinga. Alam kong pagod ka sa biyahe."
"Sige, Lola Minda. By the way, nasa itaas ba sina lolo? Kukumustahin ko muna sila."
"Okay, iho. Sasamahan kita. Matutuwa sila kapag nakita ka. Miss na miss ka na nila."
"Caress, aakyat muna ako," pagpapaalam sa akin ni Raim. "Magkita uli tayo mamaya. Magpapahinga lang ako saglit."
Kung puwede ko lang sanang sabihin, na sasamahan ko sila ni Lola Minda sa taas ng mansion. Para makasama ko pa rin siya bago man lang magpahinga. Kinilig ako! Grabe. Paano ba ako magpapasalamat sa magandang pagkakataong ito?
"Bye, sir Raim," nausal ko na lamang habang inihahatid sila ng tanaw ni Lola Minda sa pagpunta sa itaas ng mansion. See you later.
Parang narinig ko pa ang huli niyang sinabi. Magpapahinga lang daw siya saglit at magkikita kaming muli. Ay! Sino bang hindi kikiligin? Para namang napaka-importante kong tao. Paglaanan ba ako ng oras?
Sige lang, Raim, hiyaw ng utak ko. Go! Rest ka na agad para magkita uli tayo at mag-usap mamaya. I miss you so much, friend.
Friend. Nag-sink-in sa utak ko ang word na iyon. Unti-unting mawala ang maluwang na ngiti sa labi ko. Tama. Kaibigan ang turing sa akin ni Raim kaya maganda ang trato sa akin. At walang special doon. Natuwa lang siya sa pagkikita naming muli after so many years. Iyon lang! Hindi ako dapat mag-expect ng ano man o higit pa roon.
"NO SPECIAL factor," bulong ko sa aking sarili saka ibinalik sa teynga ko ang earphone. Maganda ang music na narinig ko mula sa aking cellphone. Nakaka-indak at nakaka-engganyong sumayaw pero wala na akong ganang gumalaw. "Itanim mo sa iyong utak na walang factor. Caress, you're not special to Raim's life. Hindi."
May pagtutol at panghihinayang akong naramdaman sa aking naisip. Pero kailangan ko iyong tanggapin dahil iyon ang totoo.
"Huwag kang hibang, Caress," bulong ko pa. Para akong nababaliw na patuloy na kinausap ang sarili. "Tanggapin mo ang katotohanang iyon."
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagda-dusting kahit abala ang isip ko sa pagsi-sermon sa aking sarili.
Caress, lumugar ka sa tama. Never kang magugustuhan ni Raim higit pa sa isang kaibigan. Tumigil ka sa pagbuo sa isip mo na may special siyang pagtingin dahil hindi iyan mangyayari. Huwag kang assuming! Itigil mo ang pagiging ilusyonada!
I out my breath audibly as from sorrow. Affected talaga ako ng aking naisip. Nakakawalang sigla talaga. Bigla akong tinamad kumilos.
"Nakakainis!" sabi ko pang tinapik-tapik ang aking sariling pisngi. "Bakit kasi nakaisip ako ng ibang kahulugan sa mga ikinilos ni Raim? Kulang na lang ay isipin ko na mahal niya ako."
Tama bang isipin ko na dahil sa magandang pagtrato sa akin ni Raim ay nag-assume ako na espesyal sa kanya. Ang malala pa ang naisip ko na mahal niya ako.
"Maling-mali, myself. Huwag kang gaga na nagpapadala sa sarili mong isip! Umayos ka, Caress!"
Haiz! Naiinis talaga ako sa sarili ko. Ang totoo naman ay walang problema pero heto ako. Kung ano-ano ang iniisip. Kaya naman dahil sa pagbibigay ko ng ibang kahulugan sa magandang pakikitungo ni Raim ay ako rin ang apektado. Ang kinalabasan, ang maganda ko sanang araw ay biglang pumangit!
"Iiwas ako kay Raim," sabi ko pa sa aking sarili. Malungkot na iniwan ko na ang paglilinis at pumasok na ako sa kuwarto. "Ayokong mapalapit ang loob ko sa kanya dahil tiyak na ako lang ang masasaktan at mahihirapan..."
Sa guwapo ni Raim, plus the fact na mabait siya ay tiyak na mai-in-love ako sa kanya. No! Hindi puwedeng mangyari 'yon.
Raim's POV
NAKAHIGA na ako sa kama sa isang kuwarto ng mansion nina lolo at lola ay si Caress pa rin ang laman ng isip ko. Bunga niyon ay hindi ako makatulog kahit gustong-gusto ko na sanang magpahinga. Ang totoo ay hindi ko inaasahang gaganda siya. Nag-improve ang itsura niya kumpara sa dati. And just like before, I was dazzled by her beautiful legs again.
"Biruin mo," naibulong ko habang nakatitig sa kisame ng kuwarto. Minsan ko pang nakita sa isip ang magaganda niyang legs. "Nasilaw na naman ako sa legs mo, Caress."
Kung sabagay, kahit noon pa naman ay paborito ko ng titigan ang mga binti ni Caress, na lingid sa kanyang kaalaman. Pero hindi ko inaasahan na iyon muli ang mangyayari ngayon.
May boyfriend na kaya si Caress? sa isip-isip ko. Saka sumagi sa alaala ko iyong lalaking naging manliligaw niya. Nagkarelasyon kaya sila?
Tuluyan ng bumalik sa alaala ko ang tagpong namagitan sa aming tatlo ni Caress at ng manliligaw niya. Napatawa ako. Hindi ko talaga nalimutan ang kalokohang iyon.
Aminado ako na nakaramdam ako ng selos ng panahong iyon. Akala ko kasi ay ipagpapalit na ako ni Caress bilang kaibigan. Hindi ko talaga nagustuhan ang pakiramdam na maaagawan ako. Para kasi sa akin ay masarap at masayang siyang kasama kaya kahit ang magkaroon ng kahati sa atensiyon niya ay hindi ko gusto.
Lalo pa akong nakadama ng galit sa lalaking iyon ng buong pagmamalaking sinabi na hindi lang ito basta kaibigan o kakilala, bagkus ang isang manliligaw daw. Para bang natulig ako at tila isinigaw nito sa aking teynga ang katotohanang iyon.
"Naging boyfriend kaya siya ni Caress?" naitanong ko sa aking sarili. Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga. "Naging seryoso kaya siya sa manliligaw sa kaibigan ko noon?"
Tulad kanina ng kausap ko si Caress ay nakadama ako ng panghihinayang, dahil mula ng school vacation na iyon ay hindi na kami nagbakasyon pa dito sa Mabitac. Nag-celebrate na kami ng new year sa Manila, kasama sina lolo at lola ng taong iyon at ng mga sumunod pa. Bale ba'y sila na ang pumapasyal o nagbabakasyon ng ilang linggo sa aming bahay.
At mula nga noon ay nawala na rin sa isip ko si Caress. Nabuhay ako na piling ng aking mga kaibigan sa Manila. Nagkaroon din ako ng dalawang magkasunod na fling girlfriends bago ang unang serious relationship. Nagtagal din iyon ng dalawang taon, na totoong dinibdib ko nang magkahiwalay kami. Mabuti na nga lang at nakilala ko si Janelle. Sa tulong niya ay naka-move-on ako.
Muli akong nagmahal. Naging seryoso ako sa kanya at umasa nga ako na mauuwi sa kasal ang aming relasyon. Pero hindi naman nangyari. Heto nga at sa kasalukuyan ay putol ang aming relasyon. Nakipag-break siya sa akin dahil hindi na daw siya masaya sa piling ko.
Kaya nga bigla akong umuwi dito sa Mabitac para makalimot. Para kahit papaano ay malibang. At sa tingin ko naman ay mangyayari ito sa piling ni Caress.
"Yes," sabi ko sa sarili. Ngumiti ako. "Tingin ko naman ay willing si Caress na samahan ako sa pamamasyal sa buong farm ni Lolo Guiller. Huwag lang siyang hadlangan ng boyfriend niya..."
Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko gustong mahadlangan kami kung may karelasyon man siya ngayon.
Sana ay walang humadlang, sa isip-isip ko pa. Sana ay hindi siya pagbawalan ng boyfriend niya.
Muling akong huminga sa kama. Habang nakatitig ako sa kisame ay muling naglaro sa paningin ko ang hitsura ni Caress. Napangiti ako. Natutuwa kasi ako sa pagbabago niya.
Her eyes became more tantalizing. Her nose was a little pierced. Her lips that always pouty became alluring and seemed to invite a kiss. She is not beautiful but there is something strange on her face.
Matapos kong ibulong muli ang pangalan ni Caress ay nasundan ng aking pag-amin ng totoong nararamdaman. Oo, humahanga ako sa kanya. Biglang nabuhay ang lihim kong damdamin noon.
"Yes, I have a crush on you, Caress." bulong ko pa. "At ang pagka-crush ko sa 'yo noon ay nauwi na ngayon sa pagkagusto..."
WHEN someone knocked on my door, I was almost asleep because I was busy thinking about Caress. I didn't want to get up but I was forced to. Pupungas-pungas kong pinagbuksan ng pintuan ang kumatok at bigla akong napangiti ng makita si Lola Minda.
"Hi, lola," sabi kong naging masigla ang tinig. "Bakit kayo pa ang nagpaka-abalang umakyat para tawagin ako? Napagod pa kayo."
"Naku, okay lang, iho," ngiting-ngiting niyang tugon. Mabilis siyang tumanaw sa hagdanan bago muling tumingin sa akin. "Kayang-kaya ko pang umakyat. Malakas pa ako, Raim."
"Mabuti naman, lola," sabi kong tumawa. "Talagang kalabaw lang ang tumatanda."
Mas lumakas ang tawa ni Lola Minda. "At hindi ako kalabaw."
Nagduweto pa kami sa pagtawa. Saka ko tinanong kung nasaan si Caress. "May usapan kasi kami na papasyal sa farm, lola."
Parang bigla akong nakaramdam ng excitement. "Hinihintay ba niya ako?"
"Nasaan nga ba si Caress?" tanong ni Lolo Minda na napakamot sa ulo. "Kanina ko pa siyang hindi napapansin sa ibaba."
Nangunot ang noo ko. Napaisip. "Saan kaya siya pumunta, lola? Masasamahan kaya niya ako sa pamamasyal?"
"Oo, naman, Raim. Tiyak 'yon. Sa tingin ko nga ay excited siya sa pagpasyal ninyo sa farm."
"Ganoon ba, lola?" sabi ko na hindi pa rin kampante. Ang totoo ay nag-aalangan ako at may pangamba na baka hindi makasama si Caress. "Pero saan kaya siya pumunta?"
"Narito lang siya sa bahay," mabilis niyang tugon. "Baka nasa kuwarto lang siya. Hindi naman siya umaalis ng bahay na hindi nagpapaalam. Isa pa ay hindi siya lakwatsera."
"Lola Minda..."
Nag-atubili akong magtanong kay Lola Minda. Bigla akong nahiya sa kanya.
"May tanong ka pa, Raim?"
Napakamot ako sa ulo.
"Ano, iho?"
Tumikhim muna ako. Nabawasan naman ang hiyang naramdaman ko dahil doon. Naituloy ko na ang nais kong itanong sa kanya.
"Lola, may boyfriend ba si Caress?"
Nanlaki ang mga mata ni Lola Minda. "Naku, wala! Raim, ni isa ay wala siyang naging boyfriend."
Napangiti ako. Sa totoo lang ay nakaramdan ako ng tuwa. Oo. Dahil sa nalaman ko na walang naging boyfriend si Caress ay masaya ako. Tiyak kasi na walang magiging rason para hindi niya ako masamahan mamaya.
"Wala pang nabubulag sa apo ko, Raim," sabi pa ni Lola Minda. "At ikinatutuwa ko naman iyon dahil nakaiwas siya sa sakit na puwede niyang maranasan..."
"Anong ibig mong sabihin, lola?"
"Mabuti kung katulad ng lolo ni Caress ang magiging boyfriend niya. Minahal kasi ako ng asawa ko ng totoo. Hindi ako niloko. Kaya naging masaya ako kahit ganito ang hitsura ko at na hindi kagandahan."
Bumuntonghininga siya. Saka magpatuloy sa pagkukuwento.
"Raim, mas masasaktan ako para sa apo ko. Kung sakaling lokohin lang siya ng lalaking manliligaw sa kanya. Kawawa naman ang kaibigan mo kung mangyayari iyon."
Tumango ako. "Pero hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko, lola. Meron ding tapat magmahal..."
At isa na ako doon, lola!