Raim's POV
"RAIM, mas marami ang manloloko ngayon," sabi ni Lola Minda na tuwid na nakatingin sa mga mata ko. "Sa panahong ito ay hindi mo sigurado kung sino ang tapat o hindi."
Hindi ko siya kinontra sa sinabi niya. Pero pinanindigan ko ang aking sinabi, na hindi lahat ng lalaki ay manloloko. At gaya nga ng sinabi ng isip ko, isa ako sa mga tapat magmahal.
"Pero paano nga kung hindi isa sa lalaking katulad mo ang makilala at maging manliligaw ni Caress?"
Lola, okay lang ba sa 'yo kung sakaling ako ang manligaw sa apo mo? Tatanggapin mo ba ako?
Naikurap ko ang aking mga mata. Napalunok ako. Nagtaka ako kung bakit naglaro sa isip ko ang bagay na iyon.
"Raim?" usal ni Lola Minda. Nabasa siguro niya sa mukha ko ang tila pagka-aburido. "Bakit, iho? Ano bang naisip mo?"
"Ho?" anas ko na napalunok. "Wala, lola. Naisip ko lang si Caress. Oho. Kawawa naman ang kaibigan ko kung lolokohin lang ng magiging manliligaw niya."
"Pero pangarap ko rin namang magkaroon ng mabait na boyfriend si Caress. Iyong lalaking totoo siyang mamahalin kahit ano ang hitsura niya, para maging masaya ang buhay niya."
"Don't worry, Lola Minda," sabi kong ngumiti. Hinawakan ko pa siya sa braso. "Darating din ang lalaking magmamahal talaga ng totoo kay Caress at liligaya siya. Mark my word!"
Nag-thumb's up pa ako kay Lola Minda. Gusto kong mapanatag ang loob niya at huwag nang alalahanin ang minamahal niyang apo.
Caress' POV
"ANO bang iminumukmok mo diyan, apo?"
Alam ko na ako ang sinadya ni Lola Minda kaya siya pumasok sa maid's quarter. Inabutan niya akong nakatutok sa cellphone. Ang totoo'y bore na ako dahil wala naman akong magawa kundi ang mag-scroll down and up sa news feed ng f*******: account ko. Nagkukulong lang naman ako sa kuwarto dahil ayokong makita si Raim.
"Para pong bigla akong napagod, lola," pagsisinungaling ko. "Magri-rest muna po ako dito sa kuwarto. Tapos na naman po ang gawain ko kaya dito na muna ako."
"Nagta-tanghalian na sila. Nang bumaba si Raim ay napansin ko agad na palinga-linga siya. Naisip ko na hinahanap ka. Kanina pa kasi niya tinanong sa akin kung nasaan ka."
"Nakakainis!"
Naunawaan ni Lola Minda ang ibinulong ko. "Sinong nakakainis?"
"Po? Narinig n'yo iyon, lola?"
"Matanda na ako pero hindi pa ako bingi, Caress. Kanino ka naiinis?"
Napilitan akong sabihin ang totoo.
"Aba! At bakit mo naman kinaiinisan si Raim? Ang bait-bait nga niya. Ang ganda nang pakikiharap niya sa 'yo kanina pagdating. Sa sobrang miss nga sa 'yo ay niyakap ka pa niya."
"Iyon na nga po, lola. Naisip ko po kasi," iniiwas ko ang tingin kay Lola Minda. "Bakit ang ganda po ng trato niya sa akin?"
"Hindi ba't sinabi naman niya kanina na marami kayong pinagsamahan noon bilang magkaibigan? Dapat ka ngang matuwa dahil kahit amo natin siya ay tinatrato ka niya ng ganyan. Sino ka para bigyan niya ng espesyal na pagtrato?"
"Iyon na nga po, lola. Iyon ang ikinaiinis ko. Dahil sa kabaitan niya ay parang mahuhulog po ang loob ko sa kanya."
Hindi muna nagsalita si Lola Minda. Tingin ko ay nag-isip siya.
"Lola, napaka-guwapo po ni sir Raim at walang babaing hindi maa-attract sa kanya. Tapos kung magiging mabait pa siya ay sigurado po na kahit sino ay mapu-fall sa kanya."
"Iyon ang iniiwasan mo, apo?"
Tumango ako. "Lola, ayoko pong mahulog ang loob ko kay sir Raim."
"Pero hindi naman maganda na iwasan mo siya. Nakakahiya. Hindi lang sa kanya kundi higit sa lolo't lola niya."
"Kaya nga po naiinis ako. Namumoblema!"
Hinawakan ni Lola Minda ang braso ko. "Apo, ang isipin mo na lang ay likas na mabuting tao si Raim. Kanino pa ba naman siya magmamana? Caress, alam na alam mo kung gaano kabait sina Don Guiller at Donya Sylvia. Wala tayong masasabing masama o mairireklamo sa kanila."
Totoo ang sinabi ni Lola Minda tungkol sa mag-asawa. At walang duda na nagmana sa mga ito si Raim. Kahit kailan ay hindi namin sila nakita na nagmaltrato ng kapwa at para ngang walang masamang tao para sa mga ito. They are treating everyone free from blemish and imperfections. At iyon na lang siguro ang dapat kong isa-alang-alang.
"Mali na iwasan ko si Raim," naibulong ko. "It's act of immaturity if I'm going to hide, na dahil lang iniisip ko na mahuhulog ang loob ko sa kanya."
Napabuntung-hininga ako.
"Ang talagang dapat kong gawin ay itanim sa puso at isip ko na amo ko siya," sa isip-isip ko pa. "Pakikiharapan ko siya at pakikisamahan dahil part iyon ng duty ko bilang kasambahay sa mansion ng grandparents niya."
"Alisin mo ang inis na nararamdaman mo kay Raim, Caress," pukaw ni Lola Minda sa atensiyon ko. "Ayusin mo ang pakikitungo sa kanya. Hindi ka na makakakita ng ganyang kaibigan. Amo natin siya, tandaan mo, apo. Iyong ituring ka niyang kaibigan at itrato nang maganda ay isang malaking suwerte na. At pahalagahan mo 'yon."
"Opo, lola," I nodded. "Salamat po sa inyong paalala."
"Basta umayos ka, apo. Isipin mo na lang na hindi siya ganyan sa iba pang kasambahay dito sa mansion kaya napaka-suwerte mo."
"Opo, lola. Sorry po."
"Kaya kung plano mong iwasan o pagtaguan si Raim, huwag, apo. Bisita natin siya kaya dapat nating asikasuhin at pagsilbihan."
Pagkatapos kong pakawalan ang malalim na hiningang hinugot muli sa dibdib ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Nginitian ko si Lola Minda at nangako ako na haharapin ng maayos si Raim.
Dahil maganda ang trato niya sa akin at itinuturing akong kaibigan ay sisikapin ko na masuklian iyon.
Itatanim ko sa utak ko na magkaibigan kami. Magkaibigan. Iyon 'yon. Hanggang doon lang. Swear, sisikapin kong hindi mahulog ng tuluyan ang loob ko sa kanya dahil walang magandang kahahantungan. Para lang akong susuntok sa buwan at sa akin lahat ang bagsak ng kabiguan.
How pity?
Ayokong mangyari iyon. So, gagawin ko ang tama at dapat. Sisikapin ko na masiyahan si Raim sa pagbisita niya dito sa mansion ng lolo at lola niya.
Babalik siya sa Manila na masaya at magaan ang kalooban. Kung meron mang hindi magandang rason ng biglaan niyang pag-uwi dito ay may maganda iyong kahahantungan. Promise!
AKALA ko ay yayakapin ako ni Raim ng makita akong palabas sa may dining area. Muntik na akong mataranta dahil nasa kinaroroonan niya sina Don Guiller at Donya Sylvia. Nakakahiya naman sa dalawang matanda kung makikitang yakap niya ako.
Nasapo ko ang aking dibdib. Labis akong nagpasalamat dahil tumayo lang siya at nanatili sa kanyang kinaroroonan. Salamat at hindi nangyaring ang naisip ko.
Pero biglang namula ang mukha ko ng sabay na lumingon ang lolo at lola ni Raim. Dahil sa bigla niyang pagtayo ay natawag ang pansin ng mga ito. Obvious naman kasi sa kilos niya ang kasiyahan nang makita ako.
"Heto na pala si Caress," sabi ni Donya Sylvia. "Narito na ang hinahanap mo, apo."
"Bigla kang na-excite," natatawang sabi ni Don Guiller. "Halatang na-miss mo si Caress."
"Yes, lolo," masayang sabi ni Raim. "Lola, totoong na-miss ko ang mga memory naming dalawa."
"Good afternoon po," bati kong yumukod bilang paggalang sa dalawang matanda ng makalapit ako.
"Kanina ka pa hinahanap ng apo ko, Caress," sabi ng donya. "May pupuntahan daw kayo."
"Hi, Caress," bati sa akin ni Raim. Muli siyang umupo. "Mabuti at lumabas ka na. Akala ko ay ayaw mo na akong makita at makasama."
Napakamot ako sa batok. "Naku, hindi naman po, sir Raim. Nasa room lang po ako at nagpahinga ng konti."
"So, tuloy tayo," masaya niyang sabi. "Papasyalan natin ang mga lugar dito sa farm nina lolo at lola."
"Yes, sir," ngiting-ngiti kong tugon. "Aalis na po ba tayo?"
"Let's go," sabi niyang mabilis na tumayo. Saka nagpaalam kina Don Guiller at Donya Sylvia. "Ako na ho ang bahala kay Caress."
"Ako po ang bahala sa inyo, sir Raim," mabilis kong sabi. "Kayo po ang bisita dito kaya sisikapin kong mapasaya kayo."
"Salamat, Caress. Nakakatuwa namang marinig iyan mula sa 'yo."
"Nakakatuwa naman kayong dalawa," natatawang sabi ni Donya Sylvia. "Naku! Sure ako na mag-i-enjoy kayo sa pagpasyal ninyo sa farm."
"Huwag lang kayong maghahabulan," sabi naman ni Don Guiller. "Huwag na ninyong gagawin ang ginagawa ninyo dati sa palayan at niyugan. Baka akalain ng mga makakakita sa inyo na may mga baliw na naghahabulan."
Nagkatawaan kaming apat. Lalo pa't nagpatuloy sa pagbibiro ang lolo ni Raim. Labis akong natuwa dahil halatang masaya sila para sa kanilang apo.
"THANKS, Caress," sabi ni Raim habang naglalakad na kami papunta sa niyugan. "Akala ko'y hindi matutuloy ang pagpunta natin sa lugar na pinaglalaruan natin noon."
"You're welcome, sir Raim. It's my pleasure."
"Bakit wala ka kanina nang mag-lunch kami? Akala ko'y may pinuntahan ka at wala akong makakasama ngayon dito."
"Hindi ba sinabi ni lola na nasa kuwarto lang ako? Doon lang naman ako nag-i-stay kapag tapos na ang task ko."
"Nahiya na kasi akong magtanong sa lola mo at baka sabihing makulit ako." Mahina siyang tumawa. "Nag-stay na lang ako sa living area ng mansion para maghintay sa 'yo. Mabuti nga at sinamahan ako nina lolo. At iyon nga, natuwa ako nang makita kita."
Raim, kung alam mo lang ang sayang naramdaman ko kanina ng makita ka ulit, sabi ko sa sarili. Ang totoo'y nagtiis akong magmukmok sa room para ihanda ang sarili ko sa paghaharap nating muli. Ayoko kasing madala ng totoo kong feelings at mahalata mo iyon. Ngayon nga ay nahihirapan akong kumilos na pigil at tago ang sobrang saya dahil kasama ka.
Tumigil siya sa paglalakad ng hindi ako nagsalita. Napatigil din ako dahil tinitigan niya ako sa mukha.
Napalunok ako. Naasiwa. "B-bakit, sir?"
"Parang hindi ka masaya, Caress. Hindi ka ba natutuwa at magkasama tayo ngayon?"
"Masaya po!" mabilis kong sagot. "Sir Raim, it's really my pleasure na nakasama ka. K-kung alam n'yo lang po, sir, itong sayang nararamdaman ko ngayon..."
Muntik ko nang masapo ang bibig ko dahil nadulas ang dila ko sa totoong nararamdaman. I'm just trying my best pa naman to hide that real feelings tapos hindi ko napigilan ang aking bibig.
Halos mapunit ang sulok ng labi ni Raim sa luwang nang pagkakangiti. Obvious na natuwa siya sa narinig.
"Caress, naniniwala ka ba na na-miss kita? Ten years na hindi tayo nagkita at nagkausap kaya sabik akong makasama ka ngayon. Ang dami-dami nating pagkukuwentuhan."
"Ganyan po ba talaga ka-importante sa 'yo ang friendship natin, sir Raim? Nakaka-flattered naman po. Hindi ko po ito inaasahan."
Inihakbang niya ang mga paa. Umagapay ako sa kanya na nasa likod ang dalawang kamay.
"We have a lot of memories together, Caress," sabi ni Raim na tila ipina-aalala iyon sa akin. "Mula pa noong pagkabata natin. At nag-flashback sa akin ang lahat ng iyon habang papunta ako rito. And I'm so happy to have that memories of ours."
"Mga bata pa po kasi tayo noon, sir Raim. Mababaw pa po ang kaligayahin natin at konting bagay lang ay masaya na tayo."
Napahagikhik ako. Naglaro kasi sa isip ko ang mga kalokohan namin noon. Mga kalokohang ang sarap balikan dahil nasa tabi ko ang lalaking naging bahagi ng buhay ko.
Raim, hindi ko inaasahang babalik ka pa rito sa Mabitac. Pero sobra akong natutuwa dahil ginawa mo. At ngayon nga ay binabalikan natin ang mga alaala ng ating kabataan.
Dahil nakatuon ang mga mata ni Raim sa unahan ng niyugang binabaybay namin ay nagkaroon ako ng pagkakataong matitigan siya. Sobra! Grabe ang kasiyahang nararamdaman ko sa sandaling ito.
Lihim ko talagang hiniling na sana ay huwag na siyang umuwi. Sana ay mangyaring dito na sa Mabitac siya tumira. Kapag nangyari iyon ay ako na ang pinaka-maligayang babaing sa buong mundo.
Nang tumingin sa akin si Raim ay agad kong iniiwas ang aking mga mata mula sa pagkakatitig sa kanya. Nang binanggit niya ang pangalan ko ay saka ko siya inukulang muli ng tingin. Pero patuloy ang mabilis na t***k ng puso ko.
"Naaalala mo ba ang mga kalokohang ginagawa natin noon, Caress?"
"Oo, naman, sir Raim," tugon ko. "Hinding-hindi ko po malilimutan ang lahat ng iyon."