Nilalamon ng mga alon ang pandinig ko habang tinatahak ko ang dilim. Sabay nang bawat bagsak niyon ang pagsalubong sa akin nang malakas na hangin. Wala akong kahit na anong dala ngunit may kung anong tila hilang mabigat na bagay ang dibdib ko.
Kusang huminto ang yapak kong mga paa sa hangganan ng mga alon at hinayaan iyong mabasa. Wala mang makita, ramdam kong naro’n siya. Magmula pa noon, nand’yan lang siya.
Pero, “Bakit hindi ka bumalik? You promised me… naghintay ako sa ‘yo.”
Her arms slowly wrapped around my waist from my back.
“Anna…”
I held my breath for the sobs threatening to escape in between my trembling lips. Naro’n lang ako sa pampang ngunit para akong malulunod sa pagbabalik sa akin nang lahat ng alaala.
I turned around just so I could face and held her.
“Hindi dapat kita hinayaang umalis. Dapat pinigilan kita… dapat hindi ako pumayag… I shouldn’t have let you go… Anna… sorry… sorry.” Baon ang mukha sa balikat niya, niyakap ko siya nang mahigpit na para bang makakayanan kong ibalik ang nangyari.
Kung sana nga kaya ko lang ibalik ang oras. Kung sana pwede kong baguhin ang nangyari… kung sana lang…
“It’s my fate, it was meant to happen.”
“No… it’s not fair… not fair.” Mahigpit na kumuyom ang kamao ko sa damit niya mula sa likod nang mag-umpisa akong mapahagulgol.
Her palms started caressing my back. Sa nanginginig na tinig ay nahihirapan niyang sinabi ito matapos, “We can’t go back and change what happened… and even if we do, things will just and will always turn out how it’s supposed to. I’m… I wasn’t meant to stay here for a long time…”
Mas matatanggap ko pa kung lalayo siya sa amin. Ang sabi niya lalayo lang siya… na magkikita pa kami balang araw… hindi sa ganitong paraan.
Parang dinudukot ang puso ko kahit humihinga pa ako. Pakiramdam ko hinihila na ako patungong impyerno. Bakit kailangang maging ganito kasakit ‘pag nagmamahal ang isang tao? Hindi ba pwedeng mahal niya ako, mahal ko siya, masaya kami at maayos ang lahat? Hindi ba pwedeng mabuhay sa mundo ng walang sakit at pighati kundi puro kaligayahan lang?
“Binigyan ako ng second chance hindi para mabuhay pero para masamahan ka panandalian.”
Pagkasapo niya sa mga braso ko’y dahan-dahan ko siyang binitiwan. A lamppost from a few meters behind her flickered as it lit up, making her silhouette a bit clearer from the darkness.
“When someone died, the living person with the strongest attachment from them will be temporarily connected to their soul… a link that will manifest as an emotion could be grief, pain, sadness… all depending on the person they left.” Sinapo ng palad niya ang pisngi ko kasabay nang pagdapo ng isang mahinang ngiti sa labi niya. “And for me, it’s you.”
“Hindi ko maintindihan.” Umurong ang mga luha ko nang umahon sa akin ang kalituhan. “Bakit ako? If there’s someone you’re most attached to then it should it be Ian… not me.” Muling sumikip ang dibdib ko nang marahan siyang umiling, may panibagong luhang namumuo sa mga mata. “Siya ang mahal mo… ‘di ba? And that link… if that’s only an emotion then… why are you here? Bakit nakikita kita?” Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. “Bakit nahahawakan kita?”
“The link was too strong… that your soul, together with mine opened a gateway and travelled in different parallel universes while you’re asleep—those are the dreams you’re having with me. I told you I wasn’t meant to live a long life and it also goes the same with all of the other parallel universes. But I chose you in all of that except this one we’re at right now.”
Cupping my face with both hands, she looked right through me with bloodshot eyes.
“We were meant to be together… but not in here.”
Isang marahang iling ko ang sinundan ng ilan pa. “No…” Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang muli akong mapahikbi. “No.”
“A soul wanders for forty days after the body died—and that’s all the time I got to stay here with you.”
I shook my head again. Even though everything she said didn’t make any sense to me, I believe her. But, “If our link was too strong then there could be something that we could do about it—a bargain, a deal, I don’t know—but there should be something—anything that I can do!”
“Regime.” Ipinaling niyang pabalik ang mukha ko sa kaniya at maigi akong tinitigan sa mga mata, tila nakikiusap. “Mahal kita.”
Out of all the times that I dreamt of hearing those words from her, I never thought that it would hurt this much. I never knew ‘til now how such beautiful words could sink my heart in the deepest pit of a void. For what’s left for a love that’s already lost?
Umalingawngaw ang mga hikbi ko kasabay nang pagbagsak ng mga alon.
“Anna…” Dahan-dahan akong yumukod palapit hanggang sa lumapat ang labi ko sa labi niya. “Mahal din kita.”
Basa ang mga mata at pisngi ko pagkamulat sa panibagong araw. Ilang sandali akong natulala sa pagtambad sa akin ng kulay asul na kalangitan. Naninikip pa rin ang dibdib ko habang pinakikiramdaman ang labi ni Anna sa akin.
“Panaginip… ang lahat ay panaginip lang.”
Unti-unti akong umahon, naupo sa buhanginan at wala sa sariling pinalis ang mga luha gamit ang likod ng palad ko. Ang bigat na dala-dala sa dibdib ko ay hindi maibsan.
“Makikita mo siya sa mga mata mo.”
Staring absently at the reflection of my iris on the mirror, I blinked a few times in the sudden epiphany but wasn’t sure how I’m supposed to feel about it. Pagkahigit sa isang strap ng roll top ay muli na lamang akong nagpatuloy sa paglakad papasok sa campus.
Nag-umpisa ang finals. At pagkatapos nga ng linggong ito ay sem break na.
I kept thinking that Anna only had two weeks left… and how I could possibly change that or make her stay longer. Like she said, our link was strong enough to make a gateway. Then it wasn’t probably that hard to make another impossible thing to happen, was it?
“Regime!” Kalalabas ko pa lang ng classroom nang malingunan ang tumawag.
“Nellie?”
Her high school uniform was standing out as she stood by the corridor, looking like she was waiting for someone.
“Anong ginagawa mo rito?” Bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtataka. “You know my…”
“Uh, tinignan ko ro’n sa board ‘yung schedule mo.” Lumakad siyang palapit sa akin.
Nang tuluyan siyang makalapit ay saka ko lang siya napagmasdang mabuti. All of a sudden, it made sense. Her facial features resembled Anna’s so well. No wonder Ian mistook her for the latter at the hospital.
“Bakit? May nangyari ba?” Umiling siya sa tanong ko.
“May gusto lang sana akong pag-usapan.”
Hindi ko maialis ang tingin ko kay Nellie kahit pa naglalakad na kami pababa ng building. That was when it hit me: she wasn’t the girl in my hallucination—it was Anna.
“Matagal ko nang gustong itanong ang tungkol sa tinutukoy n’yong Anna. Hindi ko lang alam kung saan magsisimula.”
“Brad, hagdan ‘to hindi tambayan. Baka pwedeng ‘wag kayong humarang sa daan,” anang isang lalaking nagmamadali sa pagbaba kasama na ng ilang estudyante. Matapos akong malampasan nito ay sinundan ko si Nellie pababa ng hagdan hanggang sa ground floor.
“Anong tungkol kay Anna ang gusto mong pag-usapan?”
Gumilid at huminto siya sa gilid ng corridor.
“Ang sabi ng kapatid mo kamukhang-kamukha ko siya.”
Marahan akong tumango sa panimula niya. Bukod sa iba ang hati ng buhok nila at medyo iba ang kurba ng mga labi ay para talaga silang kambal kung pagtatabihin.
“Ten years old ako ng sabihin sa akin ni Mama ang tungkol sa nakatatanda kong kapatid. Ang totoo hindi si Tatay ang totoo kong ama. Ang sabi ni Mama, hindi raw niya alam na buntis siya sa akin ng mga panahong naghiwalay sila ng tunay kong ama. Ang sabi pa niya, nagsama lang daw sila dahil maaga siyang nabuntis sa ate ko… si Ate Anna.
“Dalawang taon nang hiwalayan niya si Papa, ipinanganak niya ako at binuhay nang mag-isa sa loob ng halos walong taon bago niya nakilala si Tatay. Hindi alam ni Papa na buntis si Mama nang maghiwalay sila kaya hindi niya alam na may isa pa siyang anak. Kaya rin hindi alam ni Ate Anna na may kapatid siya.”
Couldn’t say anything, I kept my silence and continued staring at her. Iniisip ko kung alam na ba ni Anna ang tungkol sa bagay na ‘to.
“Sinabi sa akin ni Mama na hanapin ko si Ate Anna bago siya mawala. Regime, ngayong alam mo na, pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan siya?”
I stilled. Hindi niya alam na wala na rin si Anna?
“Nellie, kasi…” Hinintay niya ang sasabihin ko. Natahimik ako sandali dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo.
“Regime?”
Huminga ako nang malalim. “I’m sorry. Kaya lang mukhang hindi mo na siya makakausap.”
Gumuhit ang pagtataka sa ekspresyon niya. “Paanong hindi na?”
“Nellie, wala na si Anna.” Halos maging bulong sa hina ang boses ko.
“Ano? Paanong wala? Umalis ba siya? Saan siya nagpunta?”
Para akong nanlambot nang pagmasdan ang lumiligid na kaba sa ekspresyon niya. Hindi rin siguro niya alam na patay na rin ang papa nila. Wala na ang buong pamilya niya…
I broke the news to her as gently as I could. “Anna passed away.”
Natigilan, namilog ang mga mata niya hanggang sa manggilid ang luha sa mga ‘yon.
“Paanong… bakit? Ni hindi pa nga kami nagkikita. Ni hindi ko pa naririnig ang boses niya. Paanong patay na siya? Hindi pwede…” Sunod-sunod ang iling niya. “Hindi pwede. Regime, ‘wag ka namang magbiro nang ganiyan…”
Sinapo niya ang nanginginig na labi nang mahinang mapahikbi. Dahan-dahan ko siyang kinabig at hinayaang sa dibdib ko umiyak para hindi siya makita ng mga taong nagdaraan.
We headed to the cemetery for Anna’s tomb afterwards. Nellie kept crying as she talked about her family and I just let her.
“Alam mo ang tungkol sa kaniya?”
Tinanguan ako ni Anna habang nakatanaw sa malawak na garden. “My father told me that my mom died of Leukemia when I was two.”
“Sinabi niyang namatay na ang mama mo nang maghiwalay silang dalawa?”
She nodded. “We were supposed to meet on the day I left but…” Trailing off, she ended it with a shrug before directing her eyes back at me.
“Hindi nila nalaman ang nangyari sa ‘yo?”
She flashed a bitter smile then nodded lightly. “I wanted so bad to meet them, you know. Kaya lang hindi na ako pinaabot.”
While sitting side by side on the bench, I extended an arm towards her. A smile rose to her lips as she scooted closer to me. My palm immediately touched the side of her head as she leaned on my shoulder.
“Can you please tell her that mom and I love her?”
“I will,” I whispered as I dropped a kiss on top of her head.
Pumunta ako sa high school department para hanapin si Nellie nang mag-uwian kinabukasan. Panay siya tawa nang ikwento ko sa kaniya ang tungkol sa una naming pagkikita ni Anna.
The talk we had about the latter eased up a part of the heaviness I felt from my chest. Having someone to talk and reminisced about her was somehow comforting. It brought me a reminder that she was real, that she’d been here with us even though her time was limited.