Liam Napahawak siya sa labi niya at tumingin sa mga mata ni Gabriela. "A...ano nasabit sa kinain ko kanina." Tinitigan iyon ni Gabriela at bahagyang lumapit sa mukha niya. Napalunok siya dahil ang lapit-lapit nito. "Bakit parang hindi naman sa pagkain 'yan?" Naningkit ang mata nito kaya nagsalita ulit siya. "Crabs kasi ang kinain ko at sumabit yung shell niya, kaya nagkasugat." Tumango-tango ito at lumingon kay Rapunzel. "Halika kain na tayo." Humarap ulit ito sa kanya. "Kakain ka ba ulit dito?" "Busog pa ako, pero sasama ako sa kwarto mo." "Sige." Mabagal na naglakad si Gabriela. Silang dalawa naman ni Rapunzel ay naka-alalay sa likod nito. Habang hinahanda ni Rapunzel ang pagkain ay lumapit muli si Gabriela sa kanya. "Gamutin natin 'yang sugat mo sa labi." "Mamaya na lang

