Gabriela Wala na itong nagawa ng hinila na ni Liam papunta sa dining area. Pag pasok nila doon ay may nakahanda ng pagkain kaya kakain na lang sila ni Rex at hindi na maghihintay. Bahagya nakahinga si Liam ng maluwag ng naka-upo na sila at nagsimulang kumain. Samantala habang kumakain sila Liam, si Rapunzel naman ay napapangalahati na ang gamit na ililipat sa kwarto ni Liam. Pagod na pagod na ito dahil ang layo ng pagitan ng kwarto ni Gabriela at Liam. "Pag talaga hindi nilyon ang binigay sa akin ni sir. Magwawala ako rito." Huminto ito saglit sa gitna ng pasilyo, pero hindi nagtagal ay lumakad na ulit siya pabalik ng kwarto ni Gabriela. Si Gabriela naman ay nanatili pa sa kwarto niya habang naglilinis si Rapunzel. "Gusto mo bang tumulong na ako?" tanong niya rito. Napansin kasi ni

