SUMALUBONG agad kay Esang si Esmael nang umaga na iyon. First subject na naman kasi nila ang Filipino kaya kinakailangan na nilang mag-meeting by pair sa gagawin nilang presentation. At walang ma-isip na maganda si Esang sa mga oras na iyon, lalo na at nakuha na ng ilan nilang mga kaklase ang mga alam niyang techniques sa presentation. Iyon ang problema nilang dalawa ni Esmael. Nakatitig lamang silang dalawa sa iisang blanking papel para pagsusulatan sana ng mga naisip nilang ideya. Pero wala talagang pumapasok sa isip ni Esang lalo na at abala siya sa pag-iisip kay Haven. At mukhang napansin naman iyon ni Esmael kaya ito na ang nag-isip ng mga paraan. Huminga nang malalim si Esang saka nahihiyang tumingin kay Esmael. “Pasensya ka na, Esmael. May iniisip lang ako,” ani niya habang humi

