Chapter 46

1001 Words

ABALA sa pagtingin ng mga papeles si Haven sa ibabaw ng kaniyang mesa nang may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina. Pinapasok niya ito kahit na hindi tumitingin sa pintuan. Wala namang ibang kakatok doon kundi ang isa sa mga tauhan niya sa department na iyon. “Good afternoon, Sir! Permission to report and talk to you, Sir!” bati sa kaniya ng isa sa mga tauhan niya sa departamentong iyon na si Miss Anatalee Magtani. Ang isa sa bagong naka-destino roon sa kanilang district. Mag-iisang buwan na rin itong nagtatrabaho sa kaniyang pamumuno at masasabi niyang isa ito sa magaling sa mga tauhan niya. Ibinaba niya ang kaniyang hawak na mga papeles kung saan naglalaman ng mga confidential na impormasyon tungkol sa mga kasong kanilang hawak. Sinaludo niya ang babae bilang sagot sa sinabi nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD