Unang pahina; Oktubre 10, 1996 Nakakapagod ang araw na ito. Nagtinda kami ni Inay kanina sa tiyanggi at kakarampot lamang ang aming kita. Nagkaroon pa ng gulo kaya't nagsilipana ang mga mamimili. Lumipat ulit kami ni Inay ng pwesto; sa may kalsada sa Tondo. Tirik na tirik ang araw, ngunit kahit ni isa man lang na tao ay walang bumili sa nalanta na naming panindang gulay. Inuwi na lamang namin iyon kanina saka ginawang pakbet. Habang kumakain kami ng tanghalian ni Inay ay may hinuli na namang p****r sa kalapit namin. Kaya't nagpapalitan ng mga putok mula sa mga pulis at sa mga nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot. Pagkatapos no'n ay naisipan kong magtinda ng balot kaninang ala sais nang gabi. Kalahati lamang ng basket ang naubos at umuwi na agad ako. Naabutan ko si Inay na naghaha

