[Kaileen's POV] "Buti naman at nakasama ka sa check-up ni Kaileen, Mr. Cruz." nakangiting sabi naman ni Doc pagpasok namin sa clinic niya. "I need to be here, doc. I want to be a supportive husband and father." sagot naman niya. Napangiti naman ako dahil sa sinagot niya. Yeah, he's really trying his best para maging supportive and good husband and father sa akin at sa baby namin. Chineck na ako ni doc at binasa na niya ang ibang lab result niya. Two months na akong buntis kaya medyo may baby bump na rin ako. "Isang buwan na lang at matatapos ka na sa first trimester ng iyong pagbubuntis. 'Wag ka muna magpapakastress ah, sa trabaho 'man yan or kahit saan." bigla naman siyang tumingin kay Wren, "Kaya ikaw, 'wag mo bibigyan ng dahilan si Kaileen na mastress dahil maselan ang pagbubuntis

