Chapter 31 – Mr. Red’s Overprotective Side Cheska’s POV “Red, I told you I can handle this…” mahina kong bulong habang sabay kaming bumaba sa campus parking. Hindi na ako nagulat nang hindi niya ako pinayagang sumakay ng jeep kanina. Kahit ilang beses kong sinabi na sanay na ako, pinilit niya akong sumabay sa kotse niya—black, tinted, at parang tipikal sa isang mafia boss kung tutuusin. Kung tutuusin, hindi ko pa rin matanggap kung gaano siya naging biglang visible sa buhay ko. Noon, tahimik lang siyang anino sa paligid—yung tipong nakatayo sa sulok, tahimik na nakamasid, pero ramdam mo lagi. Ngayon, openly na siyang nasa tabi ko, at parang siya ang personal bodyguard ko. “Handle what? Yung mga titig sa’yo? Yung mga lalaking hindi makatingin ng diretso kasi natatakot sa akin pero ramda

