Chapter 33 – The Shadow That Guards Me Cheska’s POV Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Mr. Red sa mga nakaraang araw. Simula nang umamin siya sa nararamdaman niya at tanungin ako kung pwede ba siyang manligaw, naging iba ang ihip ng hangin sa paligid ko. Parang bawat kilos ko ay may bantay. Kung saan ako tumingin, naroon siya. Kung may tatawag sa akin, siya ang unang sumasagot ng tingin. Kung may susubok lumapit, ang tingin niyang parang nanlilisik ay sapat na para umatras ang kahit sinong tao. At oo, aaminin ko—hindi ko maintindihan kung dapat ba akong mainis o matuwa. Kanina, habang papasok ako sa university, ramdam ko na naman ang mga matang nakasunod sa akin. Lumingon ako, at hindi nga ako nagkamali. Nakasuot siya ng itim na hoodie, cap, at dark shades—pero kahit pa magt

