Chapter 17
Bumaba na ako ng kotse, pagkababa ko pa lang ay siya ng malakas na sigaw ni mommy na inaantay talaga akong bumababa. "You ungrateful child!!" Sigaw niya na parang ikinabingi ko.
Here is she again, stress at galit na naman sa akin. I really can't stand it, sigawan niya pa lang ako ay parang gusto na agad tumulo ng luha ko. I saw anger in her face though.
"I'm here for Jayten gift mom..." sagot ko. Halos Hindi ko na kayang magsalita dahil sa sakit ng pagsigaw niya. "not for your languages" Sabi ko at nilagpasan siya.
Hindi ko siya pinansin at naglakad papasok ng bahay, pero alam kung nakasunod siya sa akin. Alam kung galit na galit siya kaya sinusundan niya ako.
"Hey, Cheska!" Sabi niya at nakasunod lang ito. Naglakad ako ng mabilis papasok ng bahay, and there I saw Lolo talking to dad, with Tita fea, fritzelle and Lola "CHESKAA!"
Napahinto ako dahil sa sigaw niya. Kasabay din ng pagpukaw ng atensyon nila sa amin. Magmumukha nanaman akong masama, lalo pa't narito sila. I saw dad, he look at me with worried eyes.
Hindi ko magawang maitapak uli ang paa ko. Hindi ko magawang pumunta sa taas para tumakbo sa kwarto. Hindi ko kontrolado ang buong katawan ko! Kaya naman si Mommy at nag step sa may harapan ko. She was really angry.
"Your trending!" Sabi niya at parang kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili niyang buhok! "Wala ka ba talagang dadalhin na maganda sa pamilyang to!?"
Gusto kong maging matapang, nakatingin lang ako sa mga galit na mata niya, ayaw kong ipakita sa kaniya na umiiyak ako, pero hindi ko na kaya.
I slowly feel my hot tears in my face, ang sakit, sinisigawan niya ako ew harap nila. Sa harap ng pamilya namin.
"Alam mo naman na isang masamang galaw mo lang ay masisira Ang reputasyon ng kompanya!" Sabi niya "Akala ko ba matalino ka!? Akala ko ba magbabago ka na!?"
Sawang sawa na ako sa galit na boses niya, sawang sawa na ako sa trato niya. Sawang sawa na ako sa lahat. Hindi ko na mapigilan ang bibig ko! And my tears, nag uunahan na silang tumulo mula sa mga mata ko.
"Stop questioning my worth!!" Sigaw ko na ikinagulat nilang lahat.
"Cheska, don't talk back to your mom" Sabi ni Lola sa maamong boses. Umiling ako.
"How can't I?" Tanong ko at tiningnan siya "This woman, never deserve to be a mom!"
Galit na galit na ako, wala na ang Cheska na hindi umiimik kung pinapagalitan. Lagi nalang mali ko, kahit na kasalanan ng iba, sa huli mali ko pa rin.
"Cheska!" Sigaw ni Daddy. Pati siya sinisigawan niya na rin ako? Mas masakit pa ata ang sigaw niya kaysa Kay Mommy "I trusted you, but here again, your making messed again!"
"Dad..." Malambing at malungkot kong sabi. Halos hindi na ako makapagsalita sa subrang inis. Halos mawalan na ako ng tinig. "I also trusted the both of you, but your always busy with your works. Ewan ko ba kung bakit hindi niyo ako binibigyan ng oras"
Kita ko ang pagtataka sa mata ni Mommy "What kind of drama is that?" Tanong niya "We are talking now about your trending!"
Natawa ako. Pilit kong tumatawa kahit nasasaktan ako. "Ang mahirap sa inyo, mistakes ko lang ang nakikita niyo." Sabi ko "Hindi niyo ba ma gets? The video is cut! They insult and fronstab me first!!!"
"Pero subra yung ginawa mo!" Sabi ni Mommy. Halos idikit niya na ang palaturo niyang kamay sa pagturo sa akin. Pero pinipigilan kong hindi makapikit.
Pinipigilan kong hindi magpaapekto. It hurts me, sa totoo lang. "Anong subra dun?" Tanong ko sa kaniya. "Mom... Ano bang gusto mo? Hayaan ko lang sila na pag usapan ako ng masama? Hayaan ko lang sila na maliitin ako? Hayaan ko lang na pinagtitininginan kami ng mga tao sa cafeteria habang minamaliit ako ng dalawang mayabang na yun?"
Hindi siya nakapagsalita. Maski si Daddy ay nagulat. "I hated this life sa totoo lang. I hated that I born to be your child. At tsaka hindi ko na kayang hayaan yung dati na nagpapabugbog nalang ako sa umaaway sa akin just to protect my parents images!" Sigaw ko "Ayoko na... Pagod na pagod na po ako"
Nagulat na rin silang lahat ng nasa sala. "Ang daming bawal, ang daming dapat iwasan. Kailangan matalino, kailangan magaling... kailangan mabait, kailangan mag prusige. Bawal mag party... future heiress ng company kaya dapat hindi gumawa ng mali!" Sigaw ko "Alam niyo ba yung pagtira ko sa condo? Yun ang pinaka best moment na nangyari sa akin. Kasi wala ng pipigil sa mga gagawin ko, pwede akong gumalaw kahit na anong oras, pwede akong magkalasing magdamag, pwede akong kumanta ng kumanta sa lahat ng bar..."
Pinunasan ko ang luha ko. "Kung feel niyo naging magulang kayo sa akin, sasabihin ko na sa inyo. Hindi po, hindi po kayo naging magulang dahil all this time tanging sarili niyo lang ang iniisip niyo! Hindi niyo man lang ako isinama sa mga plano niyo... Hindi niyo man lang ipinaramdam na mahal niyo ako..." Pagkasabi ko nun ay tumawa ako. Pinunasan ko ang luha ko. "Aalis po ako maya maya, don't worry if ayaw niyo naman po sa akin, I can live with my own naman... May work na naman po ako sa gig para sa pang araw2"
"Cheska" bulong ni Daddy na kita ko ang pangiginig ng kamay niya. Ngumiti lang ako at umakyat ng kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko agad regalo ni Jayten na nasa may kama nakalapag. Kaya umupo na ako sa tabi ng kama. Nag vibrate naman ang phone ko. Napangiti naman ako ng makita kong si Quice ito.
She was the only one who care for me. Sinagot ko ito, at Hindi ko naman mapigilang manginig ang boses ko. "Qui...cee"
"Are you okay? Puntahan na ba kita, ano na Cheska?"
Author's Note: Naranasan niyo rin bang mapagalitan ng parents niyo? Ako kasi oo, yung tipong halos lahat kasalanan ko. Bawat galaw ko mali, kung wala naman akong ginagawa mali pa rin ako. Kaya kayo, if naranasan niyo yung ganito, hindi naman masamang magalit o ma disappointed. Dahil s huli sila pa rin Ang makakasama natin. Sa huli, siya pa rin ang mananatili at nakanotice kung paano tayo lumaki. Kulang lang naman talaga Ang communication dahil busy sa trabaho ang bawat isa. Gaya ng naranasan ni Cheska.