"Anong nangyari sabihin mo sa akin" Sabi niya. Nasa kabilang Bahay lang siya but we always talk over the phone. Bawal na kasi siya lumabas maya maya.
Pagkarinig ko pa lang sa boses ko Hindi ko na mapigilang mangiyak nanaman "I talk back to mom... Sinagot ko siya Quice" Sabi ko "Hindi ko alam kung bakit nangyari, basta sinagot ko na lang siya."
Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko at halos maputol na ang bawat salita na binibigkas ko. "You must be so mad" Sabi niya "Okay ka na ba? Please kalimutan mo na yun"
Hindi ko kayang kalimutan yun, most of the time na pinapagalitan ako mommy ay tumatahimik ako, pero yung kanina, hindi ko man lang nagawang manahimik, hindi ko na kaya pang manahimik at hayaan lamang siya. "Pero sinagot ko siya Quice"
"Ano ba!?" Biglang putol niya sa akin. "Nakakainis ka na ah! Sumasagot din naman ako kay Mommy. Hindi naman kasi pwedeng hayaan lang natin Sila without knowing our side! Hindi naman pwede na sila na lang palaging tama!"
"I just don't understand..." Umiiyak kong Sabi "Hindi ko alma kung bakit nagsisisi ako ngayon, kung bakit... nasasaktan ako ngayon pagkatapos kung sabihin sa kanila yun."
"Normal nga lang 'yan. Sabi saying samahan na kita eh! Tigas kasi ng ulo mo!" Sabi niya
"Ayoko namang makita mo kung paano niya ako pagalitan" Sabi ko habang pilit pa ring magsalita kahit na ang dami ng luha sa mga mukha ko. "You've notice a lot, nakakahiya na"
"Tang ina sa akin ka pa nahihiya?" Tanong niya "Ano pa bang silbi ng lahat ng pinagsamahan natin diba kung mahihiya ka lang?"
"Eh kasi naman quicee" umiiyak kong sabi "Malalaki na tayo tapos na notice mo pa rin palaging nangyayari sa akin. Alam na alam mo pa rin kung paano ako pagalitan ng parents ko. Hindi pa rin nagbabago, lagi pa rin ganito yung nangyayari."
"Ano ba girl, huwag ka ngang umiyak, stop crying na.. it makes me cry too" Sabi ko at narinig ko rin ang pagbabago ng boses niya. Narinig ko na rin ang mahinang hikbi niya. She was really crying. Naaawa ba siya sa akin kaya siya umiiyak?
"Are you crying now?" Tanong ko. She was really love me that much, kasi kahit ako ang nasaktan ay nasasaktan na rin siya para sa akin.
"Ano pa ba sa tingin mo?" Tanong niya at mahinang humikbi "Ang kulit mo kasi, kung andiyan lang ako sa tabi mo mapagtatanggol sana kita!"
"Pinagtanggol ko naman sarili ko ah?" Sagot ko sa kaniya "Isn't that enough?"
"Pinagtanggol mo nga sarili mo pero nakokonsensya ka naman!!" Reklamo niya "kaya dapat ako lang ang magtanggol sayo!"
"Thank you" bigla kong Sabi. Habang nararamdaman ko na concern siya sa akin, hindi ko talaga mapigilang makapag isip na ang kaibigan ko. Si Q, ang lagi ko ng nasasandalan sa ganitong bagay.
Sa mga pangit and stormy days ko, si Q, Ang laging nasa tabi. I can't even feel my parents concern for me. I can't even feel their love for me. And most importantly, I can't even feel their presence on this house. Mag isa lang akong lumalaki.
Magsasalita pa sana ako ng may biglang kumatok. Sino naman kaya ito? "Cheska?" I heard Tita fritzelle voice. Ano namang kailangan niya? "Can I come in?"
"Quice, papatayin ko na huh? Huwag ka ng umiyak, magiging okay rin ako." Paalam ko.
"Alright" sagot niya. Pinatay ko na ang tawag.
Naglakad ako papuntang pinto, pinunasan ko Ang mga luha ko. Binuksan ko ang pinto, nakita ko naman si Tita Fea. I saw some concern in her eyes.
"Tita... what are you doing here?" Tanong ko. Pilit kong binabago at pinipigilan Ang pagkulot ng boses ko.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto. "Are you okay?" Tanong niya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap. And it melt my heart. Same features Sila ni Mommy kaya ngayon, feeling ko ay si mommy ang nakayakap sa akin.
Bigla nanamang tumulo ang luha ko. Mas lalo niya kasing pinapabigat kasi habang nakayakap siya ay tinatapik tapik niya ang likod ko. "Sorry..." Bulong niya "Sorry sa ginawa ni ate"
Para akong kumakalma sa mga salita niya.. it's my first time hearing someone apologize to me. And para talagang pinipiga ang puso ko. Hindi ko na mapigilang maigalaw ang mga braso ko sa paghikbi. "Shhh" pagpapatahan niya "I know the feeling of being leave in the luxurious and big house alone" Sabi niya "I know the feeling how to grow without someone taking some care of you"
Medyo mahaba nga pala ang age gap ni Tita Kay Mommy, mga 15 years. "You do... you really do?" Parang nabuhayan ako ng pag asa ng marinig ang tinig niya. Para akong nabuhayan ng pag asa na hindi ako nag iisa.
Humiwalay siya sa pagkakayakap at tiningnan ako. Pareho lang kami ng tangkad kaya kita ko rin ang mga luha sa mata niya. "Yes... I am" Sabi niya. Nagtaka naman ako "I born without seeing dad"
Kita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya. She was really look like mom, but a soft one. Siguro nga ay mapagkakamalan ko siyang mas anak pa ni Mommy kaysa sa akin dahil Hindi niya naman ako medyo kamukha. "Dad died Bago ako namulat sa mundo. Lumaki akong walang tatay, lumaki akong si Ate Fritzelle ang nag aalaga sa akin."
"Asan po ba si Lola?" Tanong ko sa kaniya.
"Busy sa work" Sabi niya "Tapos si Mommy mo naman inampon ni Tita Lola mo. Dun na siya tumira sa China, para makapag aral at makapagtapos" Sabi niya. Kaya pala close na close si Mommy Kay Tita Lola unlike kina Tita fritzelle at fea. "Feeling ko nun, lumaki lang rin ako na mag isa. Hindi ko naman kasi mapagkwmetuhan si Ate Fritzelle HAHAHAH"
"Bakit po?" Tanong ko
"We're opposite." Sabi niya at ngumiti "ayy tama, si kuya Jai pala inalagaan niya rin ako. Naging parang ama ko na nga siya nun"
"He does?" Tanong ko "Ba't sa akin wala?"
"Hindi mo lang siguro napapansin Cheska, but trust me, they love's you" Sabi niya at ngumiti
"They... don't" halos maputol at maubos na ang boses ko
"Narinig ko sinabi mo kanina, na you need to give up your Dream dahil ikaw ang future heiress?" Sabi niya "You can't, dahil hindi yun hahayaan ni Ate, back then, she also give up her dreams para sa amin. At alam kung hindi niya hahayaang maranasan mo ang pinagdaanan niya noon, Cheska."
"She love's you, they both love you"