Chapter 26 (Cheska’s POV) “More! More! More!” Sigaw ng mga tao habang nangingibabaw pa ang hiyawan sa buong bar. Hingal na hingal ako matapos kantahin ang “Marilag.” Para akong nalunod sa apoy at sabay binuhusan ng alak—nakakabaliw, nakakaadik, pero may parte rin sa akin na parang gusto nang sumabog. Nasa harap ako ng stage, hawak pa rin ang mic, habang sinasalubong ang dagat ng mukha na sumisigaw at nakataas ang mga kamay. Ang mga mata ng mga tao, nakatutok lang sa akin, parang gutom na gutom na mabusog pa sa musika. “Cheska!!!” sigaw ng isang babae sa gitna ng crowd, sabay taas ng cellphone para mag-video. “Ang galing mo!” “Isa pa! Isa pa!” sigaw naman ng grupo ng mga lalaking pawis na pawis, halos magkayakap habang sumasayaw. “Cheskaaaaa!” halos sabay-sabay na sigaw ng iba, para

