Chapter 14
“That girl was lucky I was in the mood.”
“Baliw ka!” Tawa ko habang nagsusubo ng fries sa cafeteria. “Umamin ka na, nainis ka kay Villaflor kanina 'no?”
“Of course not,” sagot ni Quice, sabay hawi sa bangs niya pa-ilalim ng pink niyang clip. “Nakakainis lang kasi, may ganon talagang energy siya parang gusto akong sabunutan sa mismong class discussion.”
“Hindi naman obvious na gusto mo siyang saktan,” biro ko habang tinatapik ang table. “Akala ko nga nagkakainitan na kayo ng tingin eh, parang boxing match.”
“Kung debate ‘yon, ako si Pacquiao. Siya? Shadow lang.” Kumindat siya. “Saan banda naging valid ang fermentation argument niya? We're not talking about bakeries, we're talking cellular respiration sa human anatomy!”
“Gusto mo talagang ulitin ‘yung buong recitation niyo no?” Tawa ko. “Ang intense mo kanina. Akala ko nga mapapatayo ako para palakpakan ka.”
“Nag expect nga akong sumigaw ka ng ‘Go bestie!’ pero ang ginawa mo lang, ngumanga habang tumatango.”
“Sorry na,” sabi ko, sabay sip ng iced coffee. “I was… distracted.”
Tumigil siya. “Si Mr. Red na naman ‘to ano?”
Napalingon ako. “Wala siya ngayon, okay?” Kunwaring normal lang ang tono ko pero deep inside, iniisip ko pa rin yung sinabi niyang hindi ako dapat magtiwala sa kaniya.
Hindi naman siya umimik agad. “You’re hiding something.”
“Quice…” tinapik ko siya sa kamay. “Hindi lahat ng sikreto kailangan agad ikwento, ‘di ba?”
Natahimik siya. Tapos, umiling na lang. “Fine. Pero babalik ako sa Villaflor topic. You know what’s the real reason kaya nagalit ako?”
“Enlighten me, Miss Debate Queen.”
“Ginagamit niya ang talino niya para mag-feel superior,” sabi niya, ngayon ay mas seryoso. “Alam mong mahilig akong magpaliwanag, but never to embarrass someone. Siya kasi? Gusto niyang bumida, regardless kung tama o mali.”
“Ahh... insecurity queen pala.”
“Exactly!” Napalakas ang boses niya. “Kaya ayun, sumabog ako sa recitation.”
Tumingin ako sa paligid. Tahimik na ang ilang estudyante sa paligid namin, nakikinig pala sa kwentuhan naming may kasamang expression overload.
“Hoy. Pakalma ka nga,” bulong ko, sabay tawa. “Naiingayan na ata sila sa ‘yo.”
Napahagikgik si Quice. “Sorry, sorry. I got carried away. Pero seryoso Cheska, do you think may point ba siya?”
“Hmm…” Umiling ako. “She had a point… but you had the context. Kaya ikaw pa rin panalo. And honestly? You were so hot up there.”
Napatingin siya sa ‘kin na parang may nakita siyang multo. “Hot? Talaga?”
“Ay gago, wag mo nang ulitin,” sabi ko agad, sabay takip sa bibig ko. “Basta huwag mo na akong i-friendzone if bigla akong ma-fall sa ‘yo dahil sa utak mo.”
Nagtawanan kami pareho, pero sa likod ng tawa kong 'yon, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mr. Dark — at si Mr. Red.
Parang lahat sila may alam na ako lang ang hindi.
At habang tumatawa pa rin si Quice sa harap ko, napansin ko sa salamin sa may pader ng cafeteria…
Isang lalaki. Nakaitim. Nakatayo. At naka-shades kahit sa loob.
Nakatitig sa direksyon namin.
Damn it. Umiinit nanaman ang batok ko.
“Some secrets are better left unspoken… but not unseen.”
Bigla namang lumapit si Sir Dark habang nakatingin diretso kay Quice.
“Quice, follow me,” malamig pero matigas ang boses niya, parang hindi pwedeng tanggihan.
Nagkatinginan kami ni Q. Umirap siya nang bahagya pero may kakaibang kislap sa mata niya. Hindi galit… kundi kilig na sinisikil. Tangina, ‘di ko alam kung matatawa ako o ma-ooffend sa pagkaka-vibe nila.
“Text kita mamaya,” sabi ni Q sa ‘kin sabay tayo.
Hinayaan ko na lang siya. Kasi alam ko, may something talaga sa kanilang dalawa ni Mr. Dark. Kahit anong tanggi niya, kahit anong iwas niya — hindi ako bulag.
At hindi ko rin maiwasang ma-curious.
Napalingon ako habang papalayo sila. Kitang-kita ko pa kung paano siya sinundan ni Sir Dark palabas ng cafeteria, ‘yung tikas ng katawan nito, ang lamig ng aura, parang laging may binubuong plano sa isip.
Laging seryoso. Laging parang… may tinatago.
Hindi ko alam kung may namamagitan sa kanila or ginagamit lang nila ang isa’t isa — but the tension? It’s real.
Habang ini-stir ko ang natitirang yelo sa iced coffee ko, hindi ko rin maiwasang mapansin na biglang nag-iba ang atmosphere. Kanina ang gaan ng kwentuhan, pero ngayon, parang may nagbabadya.
Gusto kong tawagan si Q para tanungin kung okay lang siya, pero knowing her? Ayaw niyang may nakikialam.
Tumingin ako sa phone ko, 2:17 PM. Tapos napatingin ako sa baso ko — isang mahinang panginginig ng mesa ang naramdaman ko.
Tumunog ang phone ko. Isang text mula sa unknown number:
> “Stop watching what’s not yours.”
Napapitlag ako.
Napatingin ako sa paligid, pero walang kahina-hinalang tao sa cafeteria. Lahat busy sa pagkain, sa usapan, pero ako? Para akong ginapang ng lamig. Parang may mga matang nanonood, pero hindi ko alam kung nasaan.
Putcha. What the hell was that?
Humugot ako ng malalim na hininga. Wala si Mr. Red, wala si Q. Ako lang mag-isa.
Pero hindi ako pwedeng magpanic. Hindi ako si Cheska kung magpapa-intimidate lang ako sa isang cryptic text.
Tinype ko ang reply:
> “Try harder, stalker. Di ako madaling takutin.”
Pero hindi ko pinindot ang send.
Dahil bago ko pa magawa ‘yon — isang lalaki ang dumaan sa harapan ko. Isang mabilis na lakad. Itim ang hoodie. Parang hindi ko siya nakita kanina. Napalingon ako... pero nawala agad sa corridor.
And I swear, he looked back.
Hindi lang pala si Quice ang may misteryo sa paligid niya.
Ako rin. At hindi ko alam kung saan ‘to hahantong.
Mr. Red: Baka want mong ulitin, pero this time kiskis lang?