Chapter 46

2006 Words

Chapter 46 – Part 1 “Red?” mariing sambit ni Mr. Dark, malamig ang mga mata at halos mabalot ng dilim ang presensya niya. “Ikaw ba ang nagtatraydor sa akin?” Nanigas ang katawan ni Cheska, ramdam ang bigat ng bawat salita. Tumayo siya agad mula sa pagkakaupo, mabilis na lumapit sa pagitan nina Red at Mr. Dark. “Wala siyang kasalanan!” mabilis niyang depensa, halos sumabog ang boses sa kaba. “Ako ang dahilan kung bakit nandito siya, ako ang dapat sisihin.” Isang ngiti na puno ng panganib ang sumilay sa labi ni Mr. Dark. “Napaka-protektibo mo sa kanya, Cheska. Pero hindi ba’t mas dapat mong protektahan ang sarili mo?” Lumingon ito kay Red, ang titig ay parang tumatagos hanggang buto. “Alam mo kung gaano kabigat ang parusa sa mga traydor, Red. Kaya bago ko pa man gawin iyon—sabihin mo sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD