Chapter 47 Nagpatuloy ang tensyon sa loob ng madilim na silid kung saan magkalaban na ang dalawang dating magkaibigan. Hawak pa rin ni Mr. Dark ang baril, nakatutok kay Red na nananatiling tuwid ang tindig kahit pa ramdam niyang iisa lang ang mali niyang kilos ay pwede nang matapos ang lahat. "Red," mariing sabi ni Dark, ang mga mata’y naglalagablab. "Hindi mo alam kung gaano katagal kong pinlano ang paghihiganti. At ngayong nandito na tayo—huwag mong subukan akong pigilan." Mariing ngumiti si Red, hindi upang manghamon kundi upang ipakita ang lakas ng loob. "Alam ko, Dark. Pero hindi ako papayag na si Cheska ang madamay sa lahat ng galit mo. Kung gusto mong maghiganti sa pamilya ko, gawin mo—pero sa akin, hindi sa kanya." Napasulyap si Dark sa gilid kung saan nakatali si Cheska, nangi

