Chapter 37 (Cheska’s POV) Pagkatapos ng mahabang usapan namin ni Quice kagabi tungkol kay Jayten, pakiramdam ko ay magaan na rin somehow ang dibdib ko. Totoo, hindi madali i-handle ‘yung sitwasyon na ang best friend mo pala ay may tinatago nang damdamin sayo simula pa noong bata pa kayo. At mas lalo siyang naging kumplikado kasi artista siya ngayon, sikat, at lahat ng tao gustong mapasakanya. Pero sa akin, si Jayten ay lagi lang magiging kaibigan—pamilya na halos. Kaya kagabi, kahit nakaramdam ako ng guilt habang nire-reject ko siya, pinili kong maging totoo. Ngayon, habang nakaupo ako sa balcony ng condo, hawak ang isang tasa ng kape, iniisip ko pa rin lahat ng nangyari. Maaga pa, tahimik ang paligid, at malamig pa ang simoy ng hangin. Akala ko mapapanatag ako ng ganitong tanawin pero

