bc

More than Yesterday

book_age16+
99
FOLLOW
1.1K
READ
HE
age gap
pregnant
heir/heiress
sweet
mystery
bold
loser
campus
like
intro-logo
Blurb

Kaya mo bang mahalin ang isang tao sa loob ng 16 years? Na minahal mo siya kahit walang assurance na masusuklian niya ang pagmamahal mo?

O, kaya mong harapin ang realidad na ang taong mahal mo ay pagmamay-ari na ng iba?

Gaano ba kahaba ang pasyensiya mo na hintayin ang isang tao na balang araw ay mapapansin ka rin niya?

First love na magiging unang pagkabigo mo rin sa pag-ibig.

Francine A. Laverus, first love niya ang anak ng kaniyang ninang na si Zairyx Alkairro D. Barjo kahit anim na taon ang tanda nito sa kaniya.

Subalit hindi naman magiging kaniya ang binata, kahit na isang hindi inaasahan na pagkakataon ay may nangyari sa kanila at nagbunga ito.

Ngunit iba pa rin ang hinahanap ng puso nito at hindi siya.

Kailan kaya magigising si Francine sa kahibangan niya na mahalin ang isang tao sa loob ng 16 years?

Book cover credits to Ishie Arseia

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE MAHIGPIT ang hawak ni Khai sa braso ko na pilit kong binabawi pero hindi ko magawa, super strong niya kasi compared sa akin na maliit lang. Basang-basa ang kanyang pisngi dahil sa mga luha niya at namumula na rin ang kaniyang mata. “P-Please, let me go. . .” I uttered. Nanginig ang mga labi ko at parang may bumabara sa lalamunan ko. Bakit ba siya ganyan? Bakit ayaw niya akong bitawan? “Francine. . . W-Why?” Kitang-kita ko ang pagguhit ng sakit at lungkot sa mukha niya. “What w-why, Kai?” tanong ko at pilit kong binabaliwala ang lahat. “B-Bakit hindi mo ako hinintay? B-Bakit?” Umuga ang balikat niya at napatutop na siya sa bibig niya. Tila nanghihina na rin siya. Hindi ko na rin mapigilan pa ang mga luha ko na basta na lamang bumuhos. “B-Bakit hindi kita hinintay? K-Khai. . . naririnig mo ba ang sarili mo? Why are you asking me that kahit na in the first place ay wala kang sinabi that I need to wait for you?” umiiyak na tanong ko. Napaka-unfair no’n sa parte ko. Parang sinasakal nga ako sa leeg dahil nahihirapan akong huminga. I tried na bawiin ang kamay ko pero ayaw niyang bumitaw. “Baby. . .” “I-Iniwan mo ako, Khai. . . I-Iniwan mo kami ng anak mo. . . At wala naman akong karapatan para pigilan ka sa pag-alis mo dahil nirespeto kita,” panunumbat ko sa kaniya at pinalo ko ang dibdib niya. Dahil sa panghihina niya siguro ay nagagawa ko siyang itulak kahit na hawak pa rin niya ang siko ko. “F-Francine. . .” “Wala akong karapatan, Khai. . . Wala! Hinayaan kitang umalis noon kahit. . .ayaw ko. . . Khai. . . Kahit hindi ko kayang mawala ka. . . Actually, n-naghintay talaga ako. . . Naghintay ako sa ’yo, Khai. . . Pero dalawang taon. . . Dalawang taon kaming naghintay ng anak mo! Na ginawa mong apat na taon! T-Tapos. . . sasabihin mo sa akin ngayon, na susumbatan mo ako dahil hindi kita hinintay?” tanong ko at kumuyom ang kamao ko saka iyon tumama sa dibdib niya. “A-Ano lang ba ako sa ’yo, Khai? Ha? Wala akong karapatan sa ’yo at hindi naman kita boyfriend. Ina lang ako ng anak mo. . . Iyon lang ang role ko sa buhay mo, ’di ba?! ’Di ba, alam mo ’yan?! Kaya ano’ng karapatan mo para sumbatan ako?!” sigaw ko habang humihikbi. “Francine. . .” Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit ko pa ring binabawi ang kamay ko but he didn’t let go. “N-Napagod ako, Khai. . . Napagod ako sa paghintay na wala namang assurance. Masyado kitang minahal na nakalimutan ko na rin ang sarili ko. . . Napagod ako. . . For almost 16 years, Khai. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka. Imagine? 16 years akong nagpapakatanga sa pagmamahal ko sa ’yo. Sino ang hindi mapapagod? I don’t want to risk again, I was only 15 years old noong nasaktan mo ako nang hindi ka aware. Of course, mas importante para sa ’yo ang girlfriend mo. Kasi iyon ang mahal mo, eh. N-Noong nagkaanak naman tayo? Akala ko ay mayroon na akong pag-asa p-pero wala pa rin. . . Mas lalo lang naging komplikado ang lahat. Nagkaroon ka pa rin dahilan para iwan ako,” mahabang panunumbat ko sa kaniya at sa puntong iyon ay saka niya lang ako binitawan. Napahilamos na lamang siya sa mukha niya at umaalog ang kaniyang balikat. “Bakit ngayon ka pa bumalik kung hindi na tayo puwede? I’m already married at naka-move on na rin ako. Masaya na ako sa piling ng asawa ko ngayon at sa anak namin. Sana ikaw rin. . . Puwede mo pa rin namang makasama ang anak natin. Sa kaniya ka na lang mag-focus at mahalin mo na lang si Zaidyx.” After saying those words ay basta na lamang akong tumalikod at handa na rin sanang umalis. “Francine. . . If I could turn back the time. . . Hihintayin mo pa rin ba ako?” mahinang tanong niya dahilan na napahinto ako. “Para saan pa ang paghihintay ko kung mararanasan ko lang ulit ang masaktan, Khai?” balik na tanong ko sa kaniya. “Francine, baby. . .” Napapikit ako dahil sa pagsikip ng dibdib ko at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Nanginginig ang mga kamay at binti ko. “I’m sorry,” iyon lang ang huling sinabi ko at tuluyan ko na siyang iniwan doon. Narinig ko pa ang malakas na paghagulgol niya. Hindi na. . . Hindi na tayo puwedeng bumalik pa sa nakaraan, Khai. Dahil tapos na ang lahat kahit hindi pa tayo nagsisimula. You chose to let me go and I did the same way after 16 years of loving him. I’m just tired and I need a long break.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook