Chapter 25: The parents’ Plan NAPAPAHIKAB ako sa biyahe pa lamang namin at talagang inaantok ako. Nakailang beses na rin siyang sumusulyap sa gawi ko. Ang talukap ng mga mata ko ay susuko na rin any moment. Ganito rin ako kanina sa classroom namin. Kung hindi lang ako kinukulbit ni Vira ay baka tuluyan na akong nakatulog kasi nag-d-discuss pa ang teacher namin. Napansin ko na ganito rin madalas ang mommy ko noong pinagbubuntis pa lamang niya ang baby siblings ko. Antukin din talaga siya. “Bati na ba tayo, Francine?” Nabigla naman ako sa tanong ng kasama ko. I glanced at him. “Ano’ng bati na tayo?” curious kong tanong. Focus na rin siya sa pagda-drive niya. Malamlam ang mga mata niya at ilang beses pang umalon ang adams apple niya. “Hindi ba iniiwasan mo ako at galit ka rin sa ’kin?”

