Chapter 30: Sulking CHICKEN soup ang niluto ni Khai at nagustuhan iyon ng panlasa ko kasi nakahihigop ako ng mainit na soup nito. Masarap naman kasi ang cook niya kaya gustong-gusto ko. Kami na lang dalawa ang kumain ng dinner namin. Kasi tapos na nga sina mommy ninang at Daddy Ry. Pati na iyong dalawang bata. Kung sabagay nga naman. May ginawa pa kami ni Khai sa room niya. Sa tuwing naaalala ko iyon ay hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na aabot kami sa ganoong sitwasyon, ’di ba? Na dati ay napakaimposibleng mangyari. To be honest ay wala kaming pinag-usapan about us. Iyong tungkol lang sa magiging baby namin. Ang responsibilidad niya sa amin. “Francine,” he uttered my name. Katabi ko lang siya kasi inaasikaso niya ang pagkain ko. Halos hindi

