Chapter 5: The first heartbreak
“FRANCINE! Hi, sweetie.”
“Hello po, Ninang J!” I greeted my ninang and I approached her. Hinalikan ko ang cheek niya at ilang saglit pa kaming nagyakapan. Na akala mo naman ay bihira lang kami kung magkita. Eh, nasa kabila lang ang bahay namin.
Nasa living room siya at wala rin naman siyang ginagawa. Pero nasaan naman kaya si Tito Rykiel at ang mga anak nila?
“Hi, Ate Francine!” bati naman sa akin ng nakababatang kapatid ni Kuya Khai na si Seth. 10 years old pa lamang siya at ang bunso nilang si Jessey ay kaedad lang ng nakababatang kapatid ko na si Cody.
Same school din ang pinapasukan nilang dalawa. Only girl siya ng parents niya pero hindi siya spoiled na bata. Si Seth ay okay pa, spoiled siya sa kuya niya. Ilang taon din kasi ang gap nilang magkuya at talaga namang malaki ang similarities nila sa isa’t isa.
“Hello, Seth. Ang pogi mo pa rin pero mas gusto ko pa rin ang kuya mo,” aniko at sumimangot siya. Natawa naman ang mommy niya. Nang makalapit sa ’kin ay hinalikan ko ang pisngi niya. Ginulo-gulo ko pa ang buhok niya. “Nasaan si Jessey?”
“Baka na kay daddy niya, Francine. Naghahanda sila ng dinner. Dito ka na kumain, okay?” sagot ni Ninang J.
“Opo, Ninang. Si Kuya Khai po?”
“Nasa kuwarto niya. Siya na ang pakay mo, sweetie?” I nodded. “Oh, sige na. Puntahan mo na.” See? Botong-boto talaga si Ninang J sa akin.
Kahit gabi na ay pumunta talaga ako rito para makita ko ang tinutukoy ni Kuya Khai na kung nasira ba talaga ang make-up ko. Duda ako sa pinagsasabi niya, eh. Baka nga sinadya niyang gawin iyon para wala na akong dahilan pa kunin uli iyon mula sa kaniya. Sure ako riyan.
“Thank you po, Ninang!”
Tatlong beses akong kumatok sa pinto ng kuwarto ni Kuya Khai at pagpasok ko ay nanuot agad sa ilong ko ang pamilyar na amoy niya. Napaka-manly ng room niya. Maganda at sobrang linis niya talaga.
Umupo ako sa malambot niyang kama sabay hatak ko ng isa niyang pillow. Napangiti pa ako nang makita ko ang picture frame namin. Dalawa pa ’yon. Ang cute ko pa noong bata pa ako.
Nakarinig ako nang kaluskos sa banyo niya. Mukhang naliligo pa siya. May sarili ng condo si Kuya Khai. Regalo iyon ni Tito Rykiel. Pero hindi siya madalas natutulog doon dahil mas gusto niya na kasama niya ang family niya. Binata na kasi siya nang makilala niya ang daddy niya.
Akala ko ay mahihirapan akong hanapin ang make-up ko. Nakalagay na nga sa isang paperbag at nang suriin ko ito ay maayos naman. Walang nasira kahit isa.
“Ay, marunong ng magsinungaling si Kuya Khai,” naiiling na komento ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumabas siya mula roon. Nagulat pa nga siya nang makita ako. Niyakap ko agad ang paperbag sa takot na makuha pa niya ito. Akin naman ito.
Nakaputing sweater at asul na pajama siya. Ang tuwalya niya ay nakasampay sa balikat niya. Katatapos niya lang maligo at sinusuklay pa niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.
“Francine?”
“Good evening, Kuya. Kukunin ko na po ulit ang make-up ko,” nakangiting sabi ko pa at tiningnan niya ang hawak ko. Umigting ang panga niya at malalaki ang bawat hakbang niya, makalapit lang sa kinaroroonan ko.
Agad akong tumayo at patakbong nilapitan ko ang pinto. But I thought makatatakas na ako, mabilis niyang nahuli ang braso ko at malakas na hinatak niya rin ako palapit sa katawan niya. Sumubsob ako sa matigas niyang dibdib kaya mariin akong napapikit. Natatawa pa siya nang naagaw niya ulit ang paperbag.
“Not so fast, baby. Come on. May ibibigay ako kapalit nito,” sabi niya at iginiya niya ako patungo sa mini-sala niya. Sabi ko nga ay malaki ang kuwarto niya at sinigurado iyon ng daddy niya.
Pinaupo na muna niya ako sa couch. “Kuya Khai, akin naman po ’yan, eh,” aniko. Umiling siya at tinapik ang ulo ko.
“Bawal ito sa bata, Francine,” mariin na sabi niya. Tumulis ang labi ko. Bata pa rin ako sa paningin niya.
Itinago niya iyon sa drawer niya at sa pagbalik niya ay nakakuyom ang kamao niya na tila may bagay siyang hawak.
Umupo siya sa tabi ko at ipinakita niya iyon. “Hairpin?” tanong ko at hahawakan ko pa lamang iyon nang iniwas agad niya.
Nakalugay ang buhok ko kasi basa pa. Katatapos ko lang maligo kanina. Nang mahawakan niya ang buhok ko ay kumunot naman ang noo niya.
“Hindi mo pinatuyo ang buhok mo, Francine?” he asked.
“Matutuyo naman po siya mamaya, Kuya,” sagot ko.
“Make sure of that, baby. Huwag kang matutulog na basa ang buhok mo. Dahil baka paggising mo kinabukasan ay masakit na ang ulo mo,” paalala pa niya.
Muli niyang ipinakita ang hairpin at isa iyong crescent moon. Napapalibutan ito ng mumunting diamente.
“Ang ganda po,” natutuwang sambit ko at parang maraming hugis puso ang mga mata ko habang tinitingnan iyon.
“Of course, maganda ang magiging owner nito,” aniya at inipit na niya iyon sa buhok ko na sa bandang kaliwa ng aking ulo.
“Sa akin po ito?” masayang tanong ko pa na tinanguan niya lamang.
“Bagay sa ’yo. Mas gumanda ka lalo. Iyan na lang ang isuot mo araw-araw. Kalimutan mo muna ang mga make-up na para lang sa mga matatanda, okay?” Wala sa sariling tumango ako at tumayo upang lumapit sa salamin niya. Tiningnan ko ang sarili ko roon at hindi na mapigtas ang mga labi ko.
“Kuya, Ate! Baba na po kayo! Kakain na tayo ng dinner!” sigaw ni Seth na ikinagulat pa namin pareho. Natawa na lamang kami at sumunod sa kapatid niya.
Simula nang gabing iyon ay halos hindi ko na hinuhubad sa buhok ko ang hairpin ngunit iniingatan ko pa rin naman ito. Ganoon lang din ang daily routine namin ni Kuya Khai. Sabay pa rin kaming pumapasok sa school at madalas din akong naghihintay sa kaniya sa waiting shed.
“Congrats, beh! Ikaw ang champion sa art competition!” ang greetings ng best friend ko at ipinakita niya sa ’kin ang painting ko.
“The prize!” I said, cheerfully.
“Five thousand pesos!” sagot niya at napapalakpak ako.
“Hati tayo! Pambili ng cosmetics!”
“Francine, nakalimutan mo yata na pinagbabawalan ka ni Kuya Khai na gumamit no’n. Hanggang ngayon nga ay nasa kaniya pa rin ang mga iyon. Pambili na lamang natin ito ng damit mo o regalo para sa kaniya. Malapit na ang birthday niya,” suggestion niya.
“Hinihingi niya ang painting ko noong five years old pa lamang ako. Hindi na kailangan para bumili no’n,” I told her. She shrugged her shoulders. “But I heard na sa beach niya gustong i-celebrate ang birthday niya. Pumunta ka dahil invited ka ni Kuya Khai. Ipagpapaalam na lamang kita sa parents mo,” sabi ko.
“Eh, ’di bumili tayo ng bikini na susuotin mo and summer dress!”
“Hay, good idea ’yan, Vira. Pero baka pagbawalan ako ni dad. Minor pa lang ako,” nakangusong sabi ko.
“Ang daming overprotective na nakapalibot sa ’yo, beh,” Kakamot-kamot ulong saad niya.
“But subukan natin. Lumabas tayo mamaya, okay? Magpapaalam ako sa kaniya na pupunta lang tayo sa mall. Kahit doon na niya ako sunduin.”
“Game!”
Nagtipa ako sa keyboard para magpaalam kay Kuya Khai. Hinintay ko pa ang reply niya at ilang segundo lang ang nakalipas ay lumitaw ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Nagulat pa ako at bumilis pa ang heartbeat ko.
“Sasamahan ko kayo. Mabilis naman siguro kayo, right?” Iyon agad ang salubong niya.
“Opo,” maiksing sagot ko lang.
“Ano ba ang bibilhin ninyo roon?” tanong niya.
“Bibili po kami ng dress para isusuot namin sa birthday mo, Kuya,” sagot ko naman at inikot-ikot ko pa ang buhok ko sa daliri ko. Si Vira naman ay kumakain ng lollipop at pinagmamasdan niya lamang ako, na kinakausap ko naman sa kabilang linya si Kuya Khai.
“Oh, kung ganoon doon na lang tayo sa boutique ng mommy mo. Sige na, mamaya na ako tatawag, Francine.” Nang nagpaalam siya ay natigilan pa ako saglit.
“Ano raw ang sabi niya, Francine?” curious na tanong ni Vira. Kinagatan ko muna ang lollipop ko. Lumikha pa iyon nang ingay.
“Doon daw tayo sa boutique ni mommy,” sagot ko naman.
“Nice. Magpaalam na rin tayo sa mommy mo.”
Iyon nga ang nangyari. Hinatid kami ni kuya sa boutique ng mommy ko. Nandoon din ang kapatid kong si Pressy. Dalawang oras yata ang itinagal ni Vira at nagpaalam na rin siya.
Pinauna na rin ni mommy na umuwi si kuya. Nagpaalam din siya sa ’kin. Si daddy na ang kasama namin.
Ang plano ko naman sa gabi ay ipakita ang painting ko na pinalunan ko dahil balak ko rin namang ibigay ito sa kaniya. Kasi alam kong magugustuhan niya.
Nang makauwi kami ay napansin ko na wala pa sa garage nila ang car niya. Nauna na nga siyang umuwi kanina.
Hinintay ko iyon pero sobrang tagal hanggang sa sumapit na rin ang gabi at nakarinig ako nang pagbusina ng sasakyan. Dali-dali akong lumabas ng bahay namin at nadaanan ko pa si dad na kalalabas niya lang mula sa kusina.
“Saan ka pupunta, anak? Bakit ka nagmamadali?” Hindi ko na nasagot pa si dad at patakbong lumabas na talaga ako.
Tama nga ako na kotse na niya pero bakit naman kaya nagpagabi siya? Ito ang unang beses na nangyari iyon.
Nakangiti pa ako habang naglalakad na ako patungo roon at nakita ko pa ang paglabas niya. Bumagal lang ang paglalakad ko nang dumiretso siya sa passenger’s seat at binuksan niya iyon. Akala ko noong una ay kapatid niya lang na si Seth ang kasama niya. Kasi malapit din sa kaniya ito ngunit hindi.
Isang matangkad na babae ang bumaba roon na inaalalayan niya. Ingat na ingat siya masyado. Lumakas ang kabog sa aking dibdib nang magyakapan pa sila pero hindi lang iyon ang nangyari.
Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya hinalikan ang babae at ang mga braso nito ay nakapulupot sa mga bisig niya. Sobrang lapit ng katawan nila sa isa’t isa at nakasandal na ito sa hood ng sasakyan niya.
Humigpit ang hawak ko sa painting ko. Habang pinapanood ko sila mula sa kinatatayuan ko ay sumisikip ang dibdib ko at tila nadudurog ang puso ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko.
Isang eksena na napakasakit makita at hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito.
“You smells so good, babe. . .” narinig kong malambing na sabi ni Kuya Khai at nanginig ang mga kamay ko dahil hinahalikan niya ito sa leeg. Naririnig ko ang mahinang pagtawa ng babae.
“Tama na. . . Tama na. . .” Bayolenteng nagtaas-baba ang aking dibdib at pakiramdam ko ay may sumasakal sa leeg ko. Kaya nahihirapan akong huminga.
Tinuloy ko pa rin ang paglalakad ko para malapitan sila at parang kay sakit talagang malaman na may girlfriend na siya. Hindi ko matanggap dahil nasasaktan ako.
Ayoko man silang abalahin sa ginagawa nila ay kailangan ko ng confirmation. Kung kaya’t dahan-dahan pa ang paglalakad ko until nakalapit na ako sa kanila.
“K-Kuya Khai?” tawag ko sa kaniya at sabay pa silang napatingin sa direksyon ko.
“Francine. Bakit nasa labas ka?” he asked me at hindi man lang siya nagulat na makita ako kasi nahuli ko sila sa kissing scene nila. Parang balewala ang presensiya ko para sa kaniya sa mga oras na iyon.
“S-Sino po ang kasama mo, Kuya Khai?” tanong ko. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng kasama niya kahit may hint na ako.
“She’s your sister, babe?” the girl asked him. Hindi mapagkakaila na maganda nga talaga ang babae. Parang isa siyang manika at kahit gabi na ay kumikinang ang maganda niyang kutis.
“No. She’s Francine. Anak siya ng Ninang ko. Francine, this is Calystharia Divyne Carvantes, my girlfriend.” Tuluyan na ngang nadurog ang puso ko sa narinig.
Akala ko ay hihintayin ako ni Kuya Khai pero ngayon ay ipinapakilala na niya ang first girlfriend niya.
Kung sabagay walang magseseryoso sa pangako ng isang five years old at hindi rin isang babae ang tingin niya sa akin.
Isa lamang akong kapatid niya, iyon ang tingin niya sa katulad ko.