Sa hapagkainan sabay kami nakain ni Reiner sinubukan kong muli na silipin ang ibabang bahagi ni Reiner at mukhang magaling na talaga ito.
"Rumina mamayang hapon sasama ka sa akin, sunduin nalang kita dito hintayin mo ko" wika ni Reiner habang nasubo
"Sige uncle"
Pumasok na si Reiner sa trabaho habang ako naman ay abala sa gagawing surpresa sa kaniya
Nilabhan ko muna ang damit ni uncle sa CR, ginawa ko yung palo palo na paglalaba namin binuksan ko ang gripo para may magmistulang sapa, pagkatapos ko labhan nagpatulong ako sa isang katulong kung paano mawawala ang gusot gaya ng suot lagi ni uncle, wala kasi si Chelsea umuwi sa kanila. Tinuruan naman ako ng katulong mahirap lang kasi medyo napaso ako ng dalwang beses saka nalito ako nang kaunti. Pagkatapos nun ay nanahi na ako ng polo niyang sira sa laylayan.
"Lady Rumina, uniporme ni master iyan ano po ginagawa niyo?" wika ni Jeremiah
"Inaayos ko ang damit niyang nasira"
"Naku hindi po iyan tatanggapin
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Jeremiah nilagyan ko nalang ito ng design na tiger para hindi kita ang punit kapag tinahi. Nang matapos ay agad ko na itong tinabi para mamaya ilalabas ko nalang bilang sorpresa.
1:00 pm
Dumating si uncle para sunduin ako,
"Magbihis kana pupunta tayong company" malambing na utos nito sa akin
"Sige uncle magbibihis lang ako" masigla kong wika kay uncle.
Pagkapasok ko ng kwarto isinabit ko na ang sorpresa ko kay uncle sa gilid ng pinto para madali niya itong makita
Matapos magbihis ay agad na akong bumaba kasi naghihintay si Reiner sa akin. Habang nasa byahe medyo kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung ano ang company na tinatawag.
"Pagdating sa company huwag kang lalayo sa tabi ko" wika ni uncle
"Sige uncle"
Nakarating kami ni uncle sa company niya, ang laki nito at ilang palapag din, ang daming manggagawa kapag napapadaan kami sa pintuan nakarating kami sa pintuan na nasa gitna pagbukas isang mahabang lamesa ang bumungad sa amin at may mga nakaupo na hindi bababa sa labing limang tao.
"Goodafternoon master Reiner and lady Rumina" sabay sabay na bati ng mga tao.
"Hmmf bakit sinama ni master Reiner ang babaeng ito? bulong sa isip ni Nicole.
Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang nagngangalang Nicole. "Andito din pala ang babae na ito na dikit ng dikit sa asawa ko" wika ko sa isip.
Naupo na kami ni Reiner sa upuan saka nagfocus sa topic na nasa harapan at dahil sa hindi naman ako kasali sa meeting nila panay lang ang panood ko sa mga nagsasalita.
Nakakamangha ang mga larawang nakikita ko sa telebisyon. Hindi nagtagal naaninag ko si Nicole na panay ang sulyap sa akin hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa natapos ang unang batch na magsasalita ayon kay Reiner.
"Breaktime muna" utos ni Reiner
"Breaktime" sigaw ng lalaking nasa gilid ni Reiner.
"Aalis lang ako saglit may kukunin lang. Babalik din ako" paalam ni Reiner
"Sige" saka ko binalik ang atensiyon ko sa cellphone na hawak.
"Well well andito ang blacksheep" wika ni Nicole.
"Nicole dahan dahan ka sa pagsasalita mo asawa ni master Reiner iyan" wika ng isang lalaki
"Wala akong pake kung bakit ba kasi nabuhay itong babaeng ito edi sana ako na ang Mrs. Cervantes ngayon" paliwanag ni Nicole.
"Kung ganun hinihintay mo palang mawala ako sa mundo?"
"Oo, hetong sayo" wika ni Nicole sabay buhos sa akin ng wine buti nalang nakaiwas agad ako
Dumating si Reiner pero napahinto ito sa labas ng pintuan ng opis nang marinig na may nagsasagutan sa loob.
"Ge Nicole dahil sa kumpyansa ka na ikaw ang magugustuhan ni Reiner bakit hindi mo siya tanungin kung sino ang gusto niya at kapag ikaw ang napili niya sayo ang titulong Ms. Cervantes" hamon ko kay Nicole.
"Oppss the Tiger is comming, ang sakit ng sinabi mo Rumina" pang-aasar ni Nicole.
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Reiner parang nadismaya sa sinabi ko, hindi ko intensyon ang sinabi ko at hinding hindi ko naman ipamimigay ang apilyeding Cervantes.
Naglakad palabas ng opis si Reiner nagmamadali itong lumabas ng company.
Hinabol ko si Reiner hanggang sa sasakyan ngunit pagpasok ko ng sasakyan wala si Reiner sa tabi ko nasa unahan ito nakaupo. Napansin ko ang wallet niya na nahulog sa ilalim ng bangko niya meron din pala itong larawan sa wallet niya, larawan ng kaniyang asawa. Tama nga ang kutob ko hindi ako ang nakikita ni Reiner kundi ang totoo nyang asawa, hindi naman ako makikita ni Reiner kasi isa lng akong kaluluwang naligaw sa katawan ni Rumina.
Gabi na nang kami ay nakarating sa mansion naliligo si Reiner habang ako ay nandito sa balcony nang mansiyon at nakatanaw sa kalangitan.
Nang matapos maligo si uncle napalingon ito sa pwesto ko pero hindi ako tinawag sa halip salubong pa ang kilay nito sa inis. Napatingin ito sa gilid ng pintuan at nakita ang polong surprise ko sana sa kaniya.
"Jeremiah ano to hindi ba pinatapon ko na ito sayo? itapon mo na ang basurang iyan" utos ni Reiner kay Jeremiah sabay labas ng kwarto.
Napalingon ako sa likod ko dahil sa ingay na narinig. Nakita ko si Jeremiah na dinadampot ang polo.
"Sabi sa inyo lady Rumina hindi na niya ito magugustuhan pa, tatapon ko na po ito"
"Ang nilabhan ko, pinalantsa, at anayos, ngayon ay itatapon dahil basura hayss sige Jeremiah" wika ko saka ko binalik ang tingin sa kalangitan.
8:00 pm
Kumakain ako nang hapunan ngayon nang mag-isa,
Si Reiner ng mga oras na ito ay nag-aaliw sa bar kasama ang mga kalalakihang kakilala at ilang babae.
10:00 pm
Nasa kwarto ako nakahiga habang hinihintay ang pagdating ni Reiner
Si Reiner ng mga oras na ito ay abalang nagtatrabaho ng ilan pang naiwan na trabaho kanina dahil hindi niya nagawa nung basta nalang siyang umalis ng company
12:00 am
"Hindi ako makatulog dapat sa mga oras na ito tulog na ako, bihira sa akin mangyari ito. Asaan kaya si uncle?" wika ko sa isip ko
Si Reiner na ngayon ay nasa office ng company at doon naisipan magpalipas ng gabi ngayong araw
"Ano aasahan ko kay Rumina ako lang ba ang nag-eexpect na tatawagan ako?" wika ni Reiner sa isip, galit ang mukhang panay sulyap sa cellphone.
Kinabukasan 5:30 am
Nagising ako ng namalayang wala sa tabi ko si Reiner.
"Ibig sabihin hindi siya umuwi" wika ko sa mahinang boses.
Sa sala
"Magandang umaga master Reiner kumain muna po kayo ng almusal" wika ni Jeremiah habang nakasuot pangtulog.
"May gagawin pa ako" galit na wika muli ni Reiner.
Dumeretso si Reiner sa opisina niya sa taas, nang makarating walang inaksayang oras si Reiner agad itong gumawa ng paper works niya.
Samantala ako naman ay nagpasyang umalis ng masiyon, nagpaalam ako kay Jeremiah na magtutungo muna ako sa mall para maglibang.
Nang makarating ako sa mall sarado pa dahil maaga ako nagtungo, umupo lang ako sa labas habang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Naaalala ko ang larawan na nakita ko sa pitaka ni uncle at ang pagtatapon ng damit na ginawa ko para sa kaniya. Parang blanko tuloy ang paligid dahil tanging iyon ang iniisip ko.
Sa mansiyon
Napahinto si Reiner sa ginagawa dahil panay sulyap pa din nito sa kaniyang cellphone naghihintay na baka magmessage ang asawa.
"Makainum nga muna ng tubig" wika ni Reiner saka tumayo sa kinauupuan para tumungo sa kusina.
Pagdating sa kusina naabutan niya ang dalawang katulong na nag-uusap
"Nakakaaliw si lady Rumina no" wika ng isang katulong
"Oo nga eh nag-iba siya mula nang na comatose siya, hindi gaya ng dating Rumina lagi tayo sinisigawan" wika ng matandang katulong.
"Ano magagawa natin katulong lang tayo saka mas gusto ko ang Rumina ngayon, alam niyo po ang sweet niya kay master Reiner yung damit na pinatapon sa akin ni master Reiner kinuha sa akin ni lady Rumina kasi aayusin daw niya, nilabhan niya 'yun tapos tinulungan ko siyang magplantsa, puro paso pa nga mga daliri niya, kinukuha ko pero ayaw niya ibigay sabi lang niya kaya daw niya, pagkatapos nun tinahi na niya nilagyan pa nga niya ng tiger na design kasi 'yun daw si master Reiner, pero nabalitaan ko nalang na pinatapon ang polo na 'yun kay butler Jeremiah"
"Nakakaawa naman si lady Rumina"
Isang pagbasag ng tasa ang umalingawngaw sa kusina.
"Sino nandiyan!?" sigaw ng dalawang katulong "ahh master Reiner?"
"Ang po..polo san tinapon ni Jeremiah?" sigaw ni Reiner
"Sa labas po master" wika ng katulong
"Kumuha naba ang magbabasura?"
"Hindi pa po master"
Agad tumakbo si Reiner palabas ng masiyon saka hinanap ang polo sa basurahan.
Nang makita ito, agad niyang iniangat ito at napangiti siya nang makita ang tigre na design.
"Master Reiner hindi na po kayo dapat tumakbo palabas ng mansiyon pwede niyo naman po iutos sa katulong" wika ni Jeremiah habang naghahabol ng paghinga dahil sa pagtakbo palabas masundan lang si Reiner.
"Linisan mo to" sabay hagis sa polo nagulat pa si Jeremiah buti nalang nasalo nito ang polo.
"Isusuot ko ngayon iyan ibigay mo sa akin pag-okay na" utos ni Reiner.
"Opo master" sagot ni Jeremiah
Sa mall
Tulala akong nakaupo ng makita ni Gray.
"Rumina?" wika ni Gray mula sa aking likod.
"Ikaw pala Gray" wika ko
Umupo sa tabi ko si Gray, pinakatitigan ako nito na may pag-aalala sa mukha.
"Gusto mo gumala?" tanong ni Gray sa akin
"Saan naman?" sagot ko
"Basta sasama kaba?"
"Sige uuwi din tayo agad ah"
"Oo naman"
"Sige"
Umalis na kami ni Gray para puntahan ang sinasabi niya. Habang nasa byahe tahimik lang ako habang blanko pa din ang paligid para sa akin.
Napatingin sa akin si Gray na tila nag-aalala. Hindi ko inaasahan ang ang ginawa nito.
"Kapit lady Rumina" wika ni Gray sabay harurot sa sasakyan
"Waaaaaaa dahan dahan lang" tanging nasambit ko nalang.
Nakarating kami ng binondo bridge Halos ang ganda ng paligid dito.
"Ang ganda dito Gray" wika ko
"Oo pero mas maganda kung ilalabas mo ang problema mo Rumina"
Napatingin ako kay Gray parang natameme ako bigla.
"Pwede mo isigaw dito para mas makagaan pa loob mo, pwede ding iiyak mo lahat, tandaan mo andito lang ako dadamayan kita" dagdag pa ni Gray
Nakatitig lang ako kay Gray saka naalala ang mga nangyari kanina, hindi ko namalayan na unti unti na palang tumutulo ang mga luha ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang umiyak, humagulgol ako ng humagulgol sa tulay. Ang sakit para akong galing sa break up, lahat ng effort ko kasi binali wala ni uncle kahit ayaw kong paniwalaan na babaliwalain niya ito pero nangyayari na eh ang sakit sobra tapos dagdag pa ang larawan sa wallet ni uncle nadudurog ang puso ko sa isipin na ang tunay na Rumina ang mahal nito at hindi ang bagong Rumina which is ako. Nakakahiya man kay Gray ang makita akong naiyak eh ano magagawa ko ang bigat na sa dibdib eh.
"Ang lahat ng bagay sa mundo ay nasusulusyunan Rumina kung pag-uusapan"
"Sa..na nga Gray" wika ko habang humihikbi.
Matapos ang aking pag-iyak medyo gumaan na ang aking pakiramdam. Tama nga si Gray gagaan ang loob mo kapag binuhos mo ito sa pag-iyak.
"Alam mo bang may kapatid akong babae iyakin din siya lady Rumina." wika ni Gray
"Pambihira parang sinabi mong iyakin ako" may pag-irap na wika ko.
"Hindi halata haha" natatawang wika ni Gray
"Hmmf oh siya anong nangyari sa kapatid mo?"
"Namatay siya lady Rumina kung nabubuhay nga iyon kasing edaran mo na siya ngayon. Namatay dahil nagpakamatay siya ng dahil sa lalaki, malungkot lang dahil nasa tita namin siya noong araw na 'yun"
"Hindi niya napigilan ang emosyon niya"
"Oo lady Rumina kaya nainis ako sa kabaliwan niya, anyway anong oras naba?" wika ni Gray na napatingin sa relo "hala 1 pm na lady Rumina, uwi na tayo may pasok pa po ako sa ibang side line"
"Sige tara" wika ko
Sumakay na kami ni Gray sa sasakyan niya at talagang nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko.