CHAPTER 14

2077 Words
5:00 pm Nakarating kami ni Gray sa mansiyon, hindi ito nagtagal at agad ding umalis para dumeretso sa trabaho. Pagpasok ko bumungad sa akin si Jeremiah. "Hello Jeremiah" bati ko "Lady Rumina" bulong sa akin ni Jeremiah "Bakit?" Sabay turo sa lalaking nakaupo sa sala. Tumayo si Reiner sabay nagcross arms ng kamay. "Saan ka galing?" bungad na tanong nito sa akin. Sino ba siya para tanungin pa ako kung saan ako nanggaling hindi ba binabalewala na niya ako?. "Wala kana dun, hindi mo na dapat iniintindi ang mga ginagawa ko tutal iba naman na ako sayo" paninindigan kong wika kay Reiner. "Okay" wika ni Reiner saka naglakad na ito papanhik patungong kwarto nang mapansin ko ang lalayan ng kaniyang suot na polo. Hinabol ko si Reiner, halos madapa dapa akong umakyat ng hagdan maabutan ko lang siya. Tuluyan na akong natisod sa huling hakbang ko sa hagda, bigla ako hinawakan ni Reiner sa pulsuhan at isang braso niya sa baywang ko. "Ano ba ginagawa mo hindi ka nag-iingat" galit na wika ni Reiner sakin. "Uncle ang polo mo binawi mo at isinuot mo sabi na hindi mo itatapon ang mga ginawa ko" wika ko kay uncle habang may ngiti sa aking mga labi Hindi na umimik si Reiner agad nalang ako nitong binuhat saka dinala sa aming kwarto. Pagkapasok sa kwarto inihiga ako ni uncle saka siya pumaibabaw sa akin. "About sa kahapon pasensiya na sa inasal ko siguro naguluhan lng ako. At sa damit salamat kasi ang ganda ng gawa mo at inayos mo para sa akin. Ang totoo niyan hindi ko intensiyong__" naudlot ang sasabihin pa ni Reiner sana nang hawakan ko ito sa pisngi, tagal na din nang hindi ko ito natititigan sa mata at sa mukha, napakagwapo pa din niya mula pa noon. Nagulat ako nang biglang idampi ni Reiner ang labi niya sa labi ko, isang mainit na halik matapos ang mahabang oras na tampuhan na nagdaan sa araw ngayon. Alam kong hindi ito ang unang beses na hinalikan ako ni Reiner pero parang sa halik na ito para akong nanghihina. Napaka smooth ng kanyang labi. Unti-unti ko ding nararamdaman ang paggalaw ng kamay ni Reiner sa baywang ko na nagdadala ng kiliti sa akin. Habang parehas kaming naliligayahan sa salitan ng paghalik sa isa't isa. Ito naba ang sinasabi sa video na napapanood ko sa social media na tinatawag na Making Love? Umangat si uncle ng bahagya saka ako nagtanong "Uncle ito naba ang tinatawag na making love?" tanong ko. Napatitig lang sa akin si Reiner, nang matauhan agad itong umayos ng pagkaka-upo. Saka ako pinaupo dahan dahan. "Makinig ka sa akin Rumina ang ginawa natin kanina ay tinatawag na kiss, iba ang making love" "Magkaiba?" tanong kong muli. "Tingnan mo ito" utos sa akin ni Reiner Tiningnan ko naman ang hawak nitong tablet na kinuha sa table saka umupong muli sa gilid ng kama at katabi ko. "Ito ay boyfriend niya, nagkikiss sila sa lips to show love, ito naman ay kuya ng babae my magkapatid kasing sweet sa isa't isa kaya beso beso lang sila, ang beso beso ay yung magdidikit lang ang pisngi sa isa't isa same sa tatay mo beso beso din, sa kaibigan kapag sobrang close na kayo ok lang din ang beso beso pero hanggat maari huwag nalang" "Ibig sabihin ang ginagawa ba ng magboyfriend diyan uncle ay ang ginawa natin kanina?" "Oo Rumina tapos ang making love ay ginagawa hanggat maari ay kapag mag-asawa na sana pero meron kasi mapusok kaya nagagawa ang making love ng maaga para mapakita at mapadama ang pagmamahal sa isa't isa" "Mapadama ang pagmamahal, kapag hindi mo mahal hindi kayo pwedeng mag-making love?" "Oo naman" sagot ni Reiner sa akin. "Kung ganun, kung ang mahal ni Reiner ay ang totoong may-ari ng katawan na ito ibig sabihin hindi kami pwede ni uncle" wika ko sa isip Nalungkot ako bigla at bigla nalang lumabas sa bibig ko ang; "Kung ganun hindi pala tayo pwede sa making love uncle?" "Bakit? asawa kita Rumina, paano magiging hindi?" Napatingin ako sa kanyang mga mata "Kasi diba iniisip mo na hindi ako ang asawa mo, ibang tao ako? ibig sabihin ang mahal mo ay ang totoong asawa mo" "Ikaw ang asawa ko Rumina" "May__" napahinto ako bigla ng may maalala ako. "Kung aamin ba ako kay uncle maniniwala kaya ito sa akin, kung malaman kaya niya iiwan kaya niya ako?" wika ko sa isip. "Sige aamin na ako bahala na" "May ipagtatapat ako uncle about sa pagkatao ko, Ibang Rumina na kasi ang kaharap mo" wika ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Hinawakan ni Reiner ang magkabilaang pisngi ko. "I know" sagot nito sa akin "Alam mo uncle?" "Oo simula pa noong una kang nagkamalay sa hospital, you change alot Rumina, kaya nahalata kong ibang Rumina ang kaharap ko ngayon." "Ibig sabihin lahat ng care mo noon ay hindi para sa dating Rumina uncle tama ba ako?" "Oo Rumina" "Hmmf baka niloloko mo lang ako uncle" "Hahahaha nope" nakangiting wika ni Reiner. "Ang cute niya talaga" wika sa isip ni Reiner. Hinalikan akong muli ni Reiner pero isang matagal na smuck lang. 7:30 pm Nanonood ako ng TV sa sala nang bumaba si uncle galing taas, tinapos kasi nito ang paper works sa kaniyang opisina. "Rumina tara kumain na tayo" wika nito pagkababa ng hagdan "Sige uncle" tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo saka tinungo si uncle para yakapin. Hinalikan ako ni uncle sa aking noo sabay ngiti sa akin. Ngayon ko naramdaman ang gaan sa loob na kasama si uncle dahil una sa lahat nalaman ko na hindi ang dating Rumina ang mahal nito kundi ang Rumina na kilala niya ngayon. Kumain kami ng kumain ni uncle nang magring ang phone niya, tiningnan niya ito saglit saka tumayo para sagutin ang tawag. Ako naman ay nakatingin lang sa likuran ni uncle. Habang pinapakiramdaman ito. Nang makabalik si Reiner mula sa labas. "Rumina aalis muna ako pagkatapos kumain may pupuntahan lang ako" pagpapaalam ni Reiner. "Saan ka pupunta uncle?" tanong ko "Sa...sa company" sagot nito. Tumango lang ako bilang sagot kahit ayaw ko, "gusto ko siya sundan at tingnan ang ginagawa niya kapag may tumatawag sa kaniya, tama susundan ko siya" wika ko sa isip. Natapos kami ni uncle kumain bago umakyat pakwarto, agad siyang nagbihis na tila nagmamadali. Nang okay na ang lahat. "Aalis na ako Rumina" wika ni Reiner "Sige uncle ingat" Hindi nagtagal narinig ko nalang ang tunog ng makina ng kotse kung saan sakay sakay siya. Napasilip pa ako mula sa balcony habang tinitingnan ang pag-alis ng sasakyan. Nang makaalis ito saka ako nagbihis, nang okay na lahat bumaba na ako sa sala. "Jeremiah!" tawag ko. "Lady Rumina? teka saan po ang tungo niyo?" tanong sa akin ni Jeremiah. "Samahan mo po ako sa company ni uncle may aayusin lang po ako napaka importante po" pagsisinungaling ko kay Jeremiah. "Nag-away na naman po ba kayo ni master Reiner?" tanong sa akin ni Jeremiah "Hindi po" "Malakas po ang ulan lady Rumina" Napatingin ako sa labas at oo nga ang lakas nga ng ulan. "Please Jeremiah" Natahimik si Jeremiah habang nakatitig sa akin. Maya maya pa ay tumango nalang ito bilang pagsang-ayon sa akin. Umalis na si Jeremiah para kunin ang sasakyan at sunduin ako sa pintuan. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero mas lalong hindi ako patatahimikin ng utak ko kakaisip kung ano ang ginagawa ng asawa ko. 11:00 pm nang makarating kami ni Jeremiah sa company ni uncle. Sa entrance gate ng company kinausap kami ng guard. "Hello sir gabi na po bawal na po ang bisita" sabi ng guard kay Jeremiah. "Kasama ko ngayon ang asawa ng CEO si lady Rumina" sagot ng guard "Ay hello po mam sige po tuloy na po" Tumuloy na kami ni Jeremiah sa loob saka inihinto nito ang kotse sa tapat ng entrance door. "Jeremiah hintayin mo nalang ako sa parking lot" "Sige po lady Rumina" Tumungo na ako papasok ng company, pagkapasok nangangapa pa ako kung saan ko tutungo nang mapansin ang babaeng papalapit sa akin. "Hello po lady Rumina" bati nito sa akin "Hello din oo nga pala pwede mo ba ako masamahan sa opisina ni Reiner?" "Opo ma'am doon din naman po ang tungo ko" wika ng babae Sumunod ako sa babae papunta sa opisina ni Reiner. Habang naglalakad ang lakas ng kabog ng dibdib ko ewan ko kung bakit. Nang marating ang opisina hindi pamasok ang babae dumeretso ito sa table na nasa gilid saka inilagay ang bitbit na gamit. "Ah miss" wika ko "Ma'am ito po ang opisina ni master Reiner wala po kasi now si ma'am Nicole para mag-assist sa inyo baka may pinuntahan po kaya pwede na po kayo pumasok sa loob" wika ng babae sabay alis para bumalik sa trabaho niya. Iniwan na ako nang babae mag-isa sa harap ng pintuan ng opis ni Reiner. Kahit sobrang kinakabahan nilakasan ko nalang ang loob ko at inihanda ang sarili sa maaring makita. Binuksan ko ang pintuan nang dahan dahan saka sinilip kung ano meron sa loob. "Reiner tara kumain tayo sa labas" wika ng babae "Pwede ba Bridget hindi mo kailangan pumunta dito tapos tatawagan mo ko ng gabi na makakasama sa kalusugan mo" wika ni Reiner. "Tama nga hinala ko babae nga ang tumatawag kay Reiner" wika ko sa isip ko habang tuloy ang pakikinig ko sa dalawa. "E hindi ba sabi mo aalagaan mo ko, hindi ka naman napunta sa bahay" wika muli ng Bridget "Oo sinabi ko 'yun pero hindi mo kailangan na pumunta pa dito" "Akala ko kasi mag-oovertime ka eh, paano kung hindi ako umuwi?" "Mapipilitan akong kaladkarin ka palabas" "Huwag kana magalit ganito nalang samahan mo ko kumain sa labas" "Gabi na Bridget anong oras naba mag 12 na nanghatinggabi" "Edi dito nalang samahan mo ko" Hindi umimik si Reiner, kahit ako naghihintay sa isasagot niya. "Huwag kang papayag naghihintay ako sa bahay" wika ko sa aking isip. "Ano Reiner sasamahan mo ko dito magdamag?" wika ng Bridget Para matapos na ang kahibangan ni Bridget sumang ayon nalang si Reiner sa kagustuhan ng dalaga tanging pagtango nalang ang naisagot ni Reiner, wala siya magawa dahil konting galit lang nito ay nagpapalpitate na ito na siyang kinatatakot ni Reiner. Dahil kapag may nangyaring masama kay Bridget ay siya ang masisisi ng magulang nito na nasa ibang bansa. Nang makita ko ang pagsagot ni Reiner sa Bridget na iyon napapikit nalang ako, hindi ko namalayan na natabig pala ng sapatos ko ang pintuan kaya nagderetso ng bukas ito at hindi ko na napigilan pa, napalingon si Reiner sa akin, napatingin din ako sa kaniya na nanunubig ang mga mata. "Sino siya Reiner?" tanong ni Bridget Mas lalo akong nainis ng hindi agad nakasagot si Reiner ng tanungin ng babae kung sino ako. Nagsalit salitan ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko na hinintay pa na lapitan ako ni Reiner, agad akong tumakbo para makalabas agad ng kumpanya. "She's my wife Bridget! my wife, tingnan mo ginawa mo sa makasarili mong intensiyon! lumayas ka sa opisina ko ngayon din!" nangangalit na wika ni Reiner kay Bridget. Tumakbo palabas ng opisina si Reiner para habulin ako. Nang makarating ako sa baba at makalabas ng company hindi ko matandaan kung saan ang parking lot kaya tumakbo nalang ako palabas ng gate buti nalang at nakabukas ang maliit na gate na pinaglalabasan ng empleyado. Takbo lang ako ng takbo, kahit mabasa pa ako sa ulan wala akong pake. "Sabi ni uncle ako ang gusto niya pero ano 'tong nakita ko? gusto niya lang ba ako dahil gusto lang niya, ano ba talaga uncle?" wika ko habang tumatakbo sa gitna nang ulan, nang mapagod huminto ako saka napaluhod sa sidewalk. Nangmaabutan ako ni Reiner huminto lang ito at pinakatitigan ako. Parehas na kami ngayon na basa sa ulan. "Look Rumina mali ang iniisip mo, hindi ko magagawa iyon sayo" "Pero nagawa mo na" humagulgol na ako ng pag-iyak. "Ikaw pa nag explain sa akin na mag-asawa tayo" Ngumiti nalang si Reiner sa mga sinasabi ko, naglakad ito sa harapan ko saka umupo ng bahagya. "Rumina" Napatigil naman ako sa pag-iyak ng tawagin ako ni uncle. Ibinaba ko ang braso ko. Saka humihikbing humarap sa kaniya. "Ramdam ko ang pagseselos ni Rumina" wika ni Reiner sa isip. "Rumina, I love you mahal mo ba ako?" Hindi ako nakaimik sa tanong ni Reiner kaya nagkatitigan kaming dalawa habang siya ay nakangiting nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD