"Uncle I love you too, kaya nga nang makita ko kayo ni__" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan ako ni Reiner.
Ay nang maghiwalay ang aming mga labi.
"Panghawakan mo ang salitang iyan kasi walang makakapagpabago diyan" wika ni Reiner.
Nginitian ko lang si Reiner, kung ganun totoo nga na ako ang mahal niya hindi ang dating Rumina. Masaya na ako kung ganun.
"Tara na umuwi na tayo" aya sa akin ni Reiner.
"Uncle paano yung babae kanina?"
"Pinauwi ko na saka hindi siya importante, ikaw ang importante para sa akin"
Namula naman ako sa sinabi niya, kahit basa na kami ng ulan ramdam ko ang init ng pisngi ko. Hinubad ni Reiner ang coat niya saka niya pinandong sa ulo ko, hawak ito ni Reiner habang takbo at lakad ang gawa namin marating lang ang company.
Nang marating ang gate ng company, bumungad sa amin si manong guard
"Hala master Reiner, lady Rumina" tarantang wika ng guard habang binubuksan ang gate.
"Andyan paba si Bridget?" tanong ni Reiner
"Opo master"
"Pauwiin mo na, bukas ayokong makikita siya diyan, huwag na din papasukin ng company kapag pumunta muli bukas" utos ni Reiner
"Masusunod master, ay heto po master payong"
"Sige salamat, tara" aya muli sa akin ni Reiner.
Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya, nang marating ang parking lot agad niya ako pinapasok sa kotse.
"Uncle si Jeremiah nandito din sa parking lot hindi pa niya alam na magkasama tayo"
"Ganun ba sige"
Nagsimula hanapin ni Reiner ang sasakyan kung saan nandun si Jeremiah. Hindi naman nahirapan si Reiner sa paghahanap dahil agad niya ito nakita saka tinungo para kausapin si Jeremiah.
Naka headset si Jeremiah nang silipin ni Reiner sa kotse kaya imbis na tawagin ay kinatok nalang nito ang windshield.
Napalingon si Jeremiah sa bintana para tingnan kung sino ang kumakatok sa bintana laking gulat nalang nito ng makita si Reiner.
Nang maibaba ang windshield "Master" wika ni Jeremiah.
"Uuwi na tayo sumunod ka nalang" utos ni Reiner
"Opo master"
Naglakad na pabalik ng kotse si Reiner, nang makarating at makapasok sa sasakyan, wala na ito pinalampas na oras agad pinatakbo nito ang sasakyan dahil madaling araw na din.
Mabilis ang naging byahe namin dahil walang trapik at kakaunti lamang ang sasakyan sa kalsada.
3:00 am
Nakarating kami sa mansiyon, patay na ang lahat ng ilaw at tanging ilaw nalang sa labas ng mansiyon ang nagliliwanag. Pagpasok ay pina ayos ni Reiner ang sasakyan kay Jeremiah. Saka kami tumungo sa kwarto para makaligo.
Nauna akong maligo, habang nagbababad sa tubig sa bathtub iniisip ko mga nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na si uncle, oo nga kasal na kami pero kanina parang iyon ang senyales nang pag-uumpisa namin muli bilang Reiner at Amara na ako ang nasa katauhan ni Rumina.
Nakangiti ako habang nakaupo sa bathtub at parang baliw na kinikilig.
Natapos akong maligo at sumunod si Reiner, nagboblower ako ng buhok ko nang mapatingin ako sa balcony, ang lakas pa din ng buhos ng ulan.
Sa antok humiga ako para makapagrelax, hindi naman nagtagal ay natapos na din si Reiner maligo.
Nakapantulog na robe lang ito nang tunguhin niya ang kama, gaya ko humiga na din ito saka nagkumot. Nagtagpo ang aming mga mata nang sabay naming lingunin ang isa't isa.
Ngumiti lang si Reiner sa akin saka hinawakan ang aking pisngi sabay halik sa aking noo.
"Goodnight" wika ni Reiner.
"Goodnight din" sagot ko
Kinabukasan 7:00 am
Nagising ako ng may maramdaman akong matigas sa baba ni uncle. Napamulat ako ng bahagya para tingnan si uncle pero tulog ito. Iniangat ko ang kumot saka ko nakita ang bundok sa baba ni uncle.
Napabalikwas ako ng upo sa gulat at kaba kasi may sakit si uncle.
Umupo si uncle ng dahan dahan habang pupungas pungas pa.
"Ano 'yun Rumina?" tanong sa akin ni uncle.
"Uncle!" bigla ko inihiga si uncle kasi may sakit ito.
Kita ko ang pagkabigla kay uncle nang itulak ko ito pahiga.
"Uncle may sakit ka po kailangan mong magpahinga" wika ko
"Sakit?" tanong ni uncle sa akin.
"Opo uncle huwag ka po mag-alala ako na po bahala" seryoso kong tugon kay Reiner.
"Ako may sakit? ano sakit ko? doktor ka naba ngayon para malaman kung may sakit ako oh wala?" pagtatakang wika ni Reiner habang nakahiga.
"Oo ito oh" sabay hawi ko ng kumot ni uncle, lumantad ang p*********i ni Reiner na kahit naka boxer short at robe, bakat naman ang p*********i nito.
Namula si Reiner sa kinilos ng asawa kaya napapikit nalang ito at iniisip ang sasabihin sa asawa.
"Uncle ako na bahala huwag ka mag-alala"
Hindi na ako inintindi ni uncle nanatili itong nakapikit habang nakahiga.
"Heto na!" sigaw ko saka sinimulan ang karate technique.
"Chop! ayah! ayah!" sigaw ko habang ginawang chopper ang kamay ko na tumatama sa hita ni Reiner.
"punch! ayah chachaaayah!" sigaw kong muli para gumaling na si Reiner.
Nang mapansing wala nang bundok sa baba ni Reiner "Ayos uncle wala nang bundok magaling kana!"
Umupo bigla si uncle saka hinawakan ako sa balikat. Nagulat nalang ako nang iniikot ako nito pailalim kaya siya ngayon ang nasa ibabaw ko.
"Tingin mo ba na maiibsan ang sakit ko sa ibaba ko kapag iyan ang ginawa mo? hindi magagamot ng chop chop mo ang sakit ko" paliwanag nito sa akin
"Gusto mo dalhin kita sa doctor uncle?" tanong ko kay uncle.
"Hindi ito kaya ng doctor Rumina. Ikaw lang makakagamot nito" wika ni uncle.
"Pero paano uncle?" tanong ko habang nakatingin sa kanya
"Gusto mo malaman?"
Tumango lang ako bilang sagot kay uncle dahil para kapag alam ko na eh ako na ang mag-aalaga kay uncle. Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto.
"Magbihis kana" utos nito sa akin sabay alis sa ibabaw ko para ayusin ang suot nitong robe saka tinungo ang pintuan.
"Oh Jeremiah bakit?" tanong ni Reiner kay Jeremiah.
"Master ngayong araw po ang dadaluhan niyong kasal ng inyong kaibigan"
"Oo nga pala nalimutan ko, salamat"
Pagkasara ng pintuan, bumalik si uncle sa pwesto ko.
"Nakalimutan ko sabihin na aattend nga pala tayo ng kasal ngayon kaya magbihis kana" utos muli sa akin ni Reiner.
Agad kaming nag-asikaso para makaabot sa oras ng kasal ng kaibigan ni Reiner.
Nauna si Reiner sa kotse hindi ko alam bakit iniwan nalang ako nun at sabihing sumunod nalang ako. Parang galit na naman si Reiner sa akin.
"Lady Rumina tapos na po ba kayo? pinatatawag na po kayo ni master" sigaw ni Chelsea
"Oo lalabas na" sigaw ko kay Chelsea.
Pagkabukas ko ng pintuan bumungad si Chelsea,
"Wow lady Rumina ang ganda niyo" puri ni Chelsea sa akin.
Suot ko ngayon ay Sky blue chiffon off shoulder style na binili namin noon ni Reiner.
"Tara na Chelsea" aya ko sa kaibigan at sinamahan na ako papunta sa kotse ni Reiner.
Panay kwento ni Chelsea habang naglalakad kami. Sarap kausap talaga ni Chelsea tatawa ka nalang ng tatawa kapag nag-kwento na ito.
Nakarating ako sa baba, saka dumeretso sa kotse ni Reiner. Pagkapasok ko ng kotse.
"Ang tagal mo" inis na wika ni Reiner.
Tiningnan ko lang si Reiner at pinakiramdaman ito kung sisigawan ako oh hindi. Hindi ko na ito inintindi humarap nalang ako sa bintana para tingnan ang paligid na madadaanan.
"Hays grabe talaga itong babaeng ito. Karatihin daw ba ang p*********i ko para lang mawala ang bukol hayss" wika ni Reiner sa isip, napangiwi ang labi ni Reiner sa inis habang nakatingin sa bintana ng kotse dahil hindi ito makapaniwala sa ginawa ng asawa kanina.
Nang makarating sa venue halos hindi pa nag-uumpisa ang seremonya, hinawakan ni Reiner ang kamay ko saka kami naglakad papasok sa venue. Pagkapasok namin halos sa amin nakatingin ang mga tao sa paligid, at nasa venue din si Nicole?
"Uncle sino ikakasal?" tanong ko kay Reiner
"Employee ng company" sagot ni Reiner sa akin.
"Master Reiner salamat po at nakarating kayo" wika ng lalaking naka white toxido.
"Congrats nga pala" sagot ni Reiner
"Salamat master yung asawa ko po eh nasa dressing room kaya hindi ko maipakilala sa inyo."
"Ok lang, oo nga pala ito si Rumina asawa ko"
"Ang ganda niya master ah, nice to meet you po lady Rumina salamat po at nakarating din kayo"
"Kinagagalak ko din at congrats sa inyo" wika ko
"Dito po ma'am and Sir, maya maya aalis na po tayo at tutungo sa simbahan"
wika ng lalaki.
"Siguro mas maganda kung pupunta na kaming simbahan doon nalang magkita" suhuwestyon ni Reiner.
"Pwede naman po master sige po"
"Tara" aya ni Reiner sa akin.
Inakbayan ako ni Reiner saka kinuha ang hawak kong maliit na bag.
"Kahit inis ako sayo kanina, pasalamat ka mahal kita" wika ni Reiner habang naglalakad kami palabas ng pintuan.
"Ano sabi mo?" tanong ko hindi ko kasi narinig.
"Wala ang sabi ko ang cute mo pero bingi ka" pang-aasar sa akin ni Reiner
"Inaasar mo ba ako?"
Ngumiti lang si Reiner sa akin hanggang sa narating namin ang kotse. Hindi naman namin namalayan na nakabuntot pala si Nicole sa amin.
"Master Reiner saan po ang tungo niyo?" tanong ng Nicole sa amin.
Nagkatinginan kami ni Reiner
"Sa simbahan, why?" tanong ni Reiner
"Ah wala naman po natanong ko lang po master Reiner"
"Okay then shall we go?" aya muli ni Reiner sa akin.
Sumakay na kami ni Reiner sa sasakyan, hindi nagtagal ay umalis din kami agad naiwan si Nicole na may galit sa mukha.
"May araw ka din sa akin Rumina" galit na wika ni Nicole sa mahinang boses.