CHAPTER 16

2110 Words
Nakarating kami sa simbahan ni Reiner halos salubungin kami ng mga tao na nasa loob. "Ayan ang asawa ni master Reiner? abay napakaganda" wika ng ginang "Akala ko ba walang pakealam si master Reiner sa asawa niya hindi ba iyon ang kwento sa atin ni Nicole?" wika naman ng babae sa gilid "Oo nga eh kasinungalingan lang pala, umasa pa naman ako haha" biro nang kausap. Nagsimula ang seremonya lahat ay nakaupo na at nakikinig sa misa. Biglang nakaramdam ng vibrate ng phone si Reiner kaya tiningnan niya ito kung sino. "Mina dito ka muna, may sasagutin lang ako" bulong sa akin ni Reiner. Tumango lang ako bilang sagot saka muling nagfocus sa harapan para makinig sa pari. Nang makalabas ng simbahan si Reiner "Hello Leo bakit?" tanong ni Reiner kay Leo na nasa kabilang linya. "Sir si Bridget po nandito muli sa labas ng company nanggugulo gusto po pumasok." "Sige pupunta ako" at ibinaba na nito ang tawag. Muling nagdial si Reiner ng number. "Hello Gilbert paki sabihan mo mamaya after ng misa ang asawa ko na aalis ako saglit babalik din" "Sige po master" sagot ni Gilbert sa kabilang linya. Agad umalis si Reiner para tunguhin ang company habang ako naman ay panay lingon sa paligid hinahanap si Reiner. Natapos ang misa pero wala pa din si Reiner. Hinanap ko siya sa buong paligid at nang hindi ko ito makita tumungo ako sa pintuan ng simbahan na nasa gitna. Muli ko inilingon ang paningin sa paligid pero wala talagang Reiner na makikita. "Asaan na kaya 'yun?" wika ko sa mahinang boses. Nagtanong tanong na din ako sa mga tao na nandun pero hindi din daw nila napansin si Reiner. Kinakabahan na ako dahil hindi ko talaga siya makita paano ako makakauwi nito?. Lumabas na ako ng simbahan baka kasi nasa labas lang si Reiner. Samantala napansin ako ni Nicole na naglalakad palabas ng simbahan, agad nito kinuha ang kanyang phone na tila may tatawagan. Nang makita ako na nilapitan ni Gilbert, na dismaya ito dahil mukhang hindi na naman nito magagawa ang masamang binabalak. "Lady Rumina umuwi na daw po tayo sabi ni master Reiner" wika ni Gilbert "Bakit? asaan si Reiner?" tanong ko kay Gilbert "Nasa company po lady Rumina at may aayusin lang daw po dumating po kasi si Bridget kaya kakausapin lang daw po niya" "Sige" malungkot kong sagot. Naglakad na kami ni Gilbert patungong parking lot para makasakay agad. Habang nasa byahe nakalingon lang ako sa bintana ng sasakyan habang iniisip kung ano ang ginagawa nila ngayon. Pero may tiwala ako kay Reiner na hindi ito magloloko lalo pa at mag-asawa kami. Pero bakit ang sakit kapag-naiisip ko na iba kasama niya ngayon tapos hindi pa siya nagpaalam sa akin? ganun ba kaimportante ang babae na 'yun?. Nakarating kami ng mansiyon ng hindi ko namamalayan. Saka dumeretso sa pond na ginawa ko para makapag relax. Halos buong araw ako nandoon hindi ko din alam kung bakit, wala din akong tanghalian kasi nakakahiya naman kumain hindi ko naman kakilala ang kinasal wala din akong meryenda at hapunan wala kasi talaga akong gana kumain, parang pakiramdam ko nalang gusto ko, pagdating ni Reiner ay gising ako para masalubong ko siya pag-uwi kaya tumambay ako dito sa pond. 10:00 pm na pero wala pa din si Reiner, kung hindi siya makakauwi ngayon pangalawang beses na niya ito na hindi umuwi ng bahay at kasama ang babae na 'yun. Nabigla ako nang marinig ko ang pagring ng phone ko, pagtingin ko si Chelsea ang natawag. "Akala ko si Reiner na" wika ko sa isip. "Hello" wika ko "Hello lady Rumina hindi ko po kayo kayang makita na malungkot" wika ni Chelsea sa kabilang linya. Napalingon ako kung saan para makita lang si Chelsea at nang makita ko ito ngumiti lang ako ng bahagya. Lumapit si Chelsea sa akin na may dalang mainit na tsokolate. "Lady Rumina inumin mo po ito saka malamig po dito sa labas baka magkasakit kayo niyan" "Chel dumating naba si master Reiner mo?" "Hindi pa po lady Rumina" Yumuko lang ako sa narinig kong malungkot na balita. "Lady Rumina si master Reiner po ba ang problema natin kaya ka po andito?" Hindi ako sumagot at umimik kay Chelsea. "Lady Rumina alam niyo po dumarating po talaga sa mag-asawa ang problema, challenge po kasi 'yan lady Rumina. Sa bawat challenge dapat buo pa din ang loob mo sa mga pwedeng mangyari, huwag ka panghinayaan sa nararamdaman mong takot at pagdududa, kausapin mo po lady Rumina at sabihin mo ang ayaw mo na gawin niya." Lingid sa kaalaman ng dalawa ay dumating na si Reiner ng mansiyon at nakatayo lamang ito sa likod ng pintuan habang nakikinig sa usapan nila. Umalis na si Reiner sa pwesto niya saka tumungo pakwarto para makapaglinis at makapagpahinga. 11:30 pm nang gabi nang umakyat ako para makatulog na. Pagbukas ko nang pintuan ng kwarto dumeretso ako sa CR para makapaglinis saglit ng katawan hindi ko na napansin ang mga bagay sa paligid ko dahil alam kong wala naman kakaiba. Nang matapos ako makapaglinis, nagsuot na ako ng pantulog na robe lang saka tinungo ang kama. Napansin ko na parang may nakahiga sa kama at nang tingnan ko ito, nabigla ako sa nakita_si Reiner. Tumunog ang cellphone ni Reiner kaya tiningnan ko kung sino. Nakita ko si Bridget ang nagmessage, may sinend ito kay Reiner na larawan na nakaupo si Reiner sa kanyang table habang abala sa ginagawa at siya ay nakaupo sa mismong table at walang ginagawa. May message pa ito na "salamat at sinamahan mo ko Reiner" medyo inis ako sa nabasa ko kaya ginawa ko hinubad ko ang suot kong robe saka tumabi kay Reiner. Lingid sa kaalaman ko gising itong si Reiner at nagpapanggap lamang na tulog Napamulat naman siya ng bahagya para makita ang ginagawa ko. Tumabi ako kay Reiner na ang tanging suot ko lang ay underware, nang makahiga ako tinitigan ko si Reiner kung gising ba ito oh hindi, nang mapansing tulog si Reiner dahan dahan ko inilapit ang mukha ko, iniready ko na din ang camera ng phone at nang magdikit ang aming mga labi sabay click sa camera ng phone. Nang tingnan ko ang picture sinend ko ito agad kay Bridget at nilagyan ng caption na "Welcome". Napangiti ako sa ginawa ko na hindi ko akalain na magagawa ko wala man ako experience sa pakikipagrelasyon basta alam ko kapag nasa tabi ko si Reiner panatag ang loob ko. Napapikit nalang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagmulat ng mata si Reiner ng maramdamang hindi na naglililikot si Rumina sa higaan. "Iyon na 'yun?, akala ko pa naman may mas hihigit pa sa halik" wika ni Reiner na may pagkadismaya sa mukha. Natulog nalang din si Reiner para mawala ang pagkadismaya sa asawa. Kinabukasan maaga kami nagising ni Reiner dahil baka malate ako sa paaralan. Napansin ako ang biglang pagtahimik ni Reiner, siya pa talaga ang hindi namamansin samantalang siya itong my kasalanan sa akin kahapon. Ginantihan ko ang hindi pagkibo nito sa akin, hindi ko din siya kinibo mula paggising, habang nakain kami ng agahan hanggang sa ihatid niya ako sa paaralan. Bumaba ako ng kotse nang hindi man lang nakakapag goodbye kiss sa kaniya. Kahit nga nakababa na ko ng kotse at si Chelsea parang balewala sa kanya. Nagsimula ang klase ang lahat ay seryosong nakikinig sa guro na nasa harapan namin habang ako ay matamlay habang iniisip ang hindi pagpansin ni Reiner sa akin. Dumating ang lunchbreak namin niyaya ako ni Chelsea pumunta sa canteen, kaya sumama na ako hanggang sa nakasalubong namin si Gray "saan ang punta niyo?" wika ni Gray na nakacross arm pa. "Sama ka ba Gray?" tanong ni Chelsea "Oo naman isa pa obligasyon ko si lady Rumina dahil isa na ako sa tauhan ni master Reiner" wika ni Gray "Kayong dalawa talaga, tara na pumunta na tayo sa canteen" "Opo lady Rumina" sagot nina Chelsea at Gray. Pagdating sa canteen. "Lady Rumina ano po gusto niyo?" tanong ni Gray sa akin "Milk tea lang Gray" sagot ko "Lady Rumina hindi po kayo kakain ng kanin?" tanong ni Chelsea sa akin. "Wala akong gana Chel" "Bakit? about kagabi ba?" tanong muli ni Chel. "Oo" Niyakap ako ni Chelsea kaya niyakap ko din ito. "Basta kapag kailangan mo ng tulong andito lang ako lady Rumina" "Salamat Chelsea" "Ano ba nangyari?" tanong muli ni Chelsea "Sa akin nalang siguro" wika ko "Sige basta kapag hindi mo na kaya andito lang ako" Dumating si Gray dala ang aming pagkain, umayos kami ng pagkakaupo para hindi kami mahalata ni Gray. Sumapit ang uwian parang ayaw ko pa nga umuwi kasi ganun din baka pag-uwi ko parang wala din si Reiner kasi hindi naman ako pinapansin. Naglakad na kaming tatlo pababa ng building, inihatid kami ni Gray papunta sa parking lot, habang nagkakakwentuhan kaming tatlo hindi na namin namalayan na nasa parking lot na pala kami. Napahinto ako nang makita kung sino ang nasa kotseng itim na nakasandal habang nakacross arms. Napangiti ako nang makita si Reiner pero hindi ko pinahalata kasi hindi naman ako pinapansin nito. "Magandang hapon master Reiner" bati ni Gray kay Reiner. "Magandang hapon po" bati ni Chelsea. "Ah Gray pwede mo ba mahatid si Chelsea sa bahay may dadaanan pa kasi kami ni Rumina" "Sige po master, tara na Chel" aya ni Gray kay Chelsea. Tiningnan ako ni Reiner nang napaka seryoso hindi ko alam kung bakit. "Lets go" aya ni Reiner sa akin. Sasakay na sana ako ng kotse, nakakainis hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. "What are you waiting for? sakay na" utos sa akin Napanguso lang ako sa sinabi ni Reiner nakakainis talaga. Habang nasa byahe, tahimik lang kaming binabagtas ang kalye kahit nagugutom na ako hindi ko sinasabi kay Reiner. Nakarating kami sa isang flower stand. "Ano kaya ginagawa namin dito?" wika ko sa isip, "Hindi kaya bibili siya ng bulaklak para kay Bridget" pagtataka ko sa isip. Matagal pa ang inilagi ni Reiner sa labas dahil pagkabili ng bulaklak dumeretso pa ito loob ng mall habang ako ito nasa loob ng sasakyan. Kung marunong lang ako magdrive tinakbo ko na ang kotse at iniwan na siya. Naghintay pa ako ng isang oras at para malibang nagsound nalang ako sa cellphone ko para malibang, sumandal ako sa bintana ng kotse at pumikit sandali para makapagpahinga ang aking mata na nauwi sa pagkakatulog. Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng kotse kaya umayos ako ng pagkakaupo. Hindi ko nilingon si Reiner ibinaling ko nalang ang paningin sa bintana. Alam ko naman ang mga bitbit niya ay hindi naman para sa akin. "Rumina para sayo" wika ni Reiner Napalingon ako kay Reiner, iniabot nito sa akin ang bulaklak na binili, teddy bear at chocolate. "Para sa akin?" tanong ko. "Oo alam kong nalimutan mo dahil nagkasakit ka at gaya nang sabi mo iba ang pagkatao mo ngayon kaya bumili nalang ako at gusto ko ako ang unang babati. Happy 3 wedding anniversary mahal ko or should I say happy 1st wedding anniversary haha," Nagulat ako sa supresa ni Reiner, napangiti ako, mali pala ang pag-aakala ko sa kaniya. Hinawakan ni Reiner ang pisngi ko. Hindi ako nakaimik, nagulat kasi ako sa sinabi niya hindi ako nakapaniwala. Naramdaman ko ang pagpunas ni Reiner sa pisngi ko gamit ang thumb nail niya. Pakiramdam ko ang laki ng pagkakamali ko, masyado ko siyang pinag-isipan ng masama bakit kaya hindi ko subukan pagkatiwalaan si Reiner ng sobra na hindi ako lolokohin nito at ako lang talaga ang mahal nito. "I love you Rumina masaya ako na ikaw ang asawa ko" wika ni Reiner sa akin. "I love you too" tuluyan nang bumagsak ang aking luha hindi dahil sinaktan ako ni Reiner kundi dahil sa konsensyang inisip ko sa kanya. "Im sorry Reiner kung pinag-isipan kita ng masama" wika ko sa isip. Hinalikan ako ni Reiner at tumugon ako sa halik na iyon. Ramdam ko ang pagmamahal ni Reiner sa akin at sana habang buhay na iyon habang buhay niya ako mamahalin. Nawala ang mga pagdududa ko sa sarili, parang bumalik ang sigla ko sa katawan at isip, tumaas din ang aking self-confident sa sarili na wala akong magiging kaagaw sa pagmamahal niya. "Gusto ko may tawagan tayo. Okay ba sa iyo kung tawagin kitang mhine at mhine din ang itatawag mo sa akin?" "Sige okay naman sa akin" "Gusto mo ba malaman din ang tinatawag na making love?" tanong ni Reiner Parang lumakas bigla ang t***k ng puso ko at nag-init din ang mukha ko. Ngumiti lang ako kay Reiner bilang sagot. Mukhang ito ang gabi na hindi ko makakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD